Chapter 13

8 6 0
                                    

CHAPTER 13
In Danger



"So, ano ba talaga ang nangyari?"

Muli akong napabuntong hininga sa tanong ni Ana, na paulit-ulit.

"Anatalia—"

"I have to freaking know girl! Kalat na sa campus yung confession ni Angelo sayo! So ano? pinayagan mo na ba siyang ligawan ka?"

Hindi ako sumagot. Muli akong humilata sa kanyang kama. Nasa loob kami ng kwarto niya. It's saturday kaya minabuti kong gumala muna sakanila to ease my mind from thingking too much.

Umupo siya sa dulo ng kama niya. She heaved a sigh of defeat.

"Hindi." Doon lamang ako sumagot. Tulala akong nakatitig sa kesame. "Hindi, ko alam ang gagawin ko,"

Then, she sighed again and I felt her crawling near. She positioned herself just like mine at tinabihan ako.

Tinignan ko si Ana.

"Angelo seems a fine guy," Pag kibit balikat niya. Napamaang ako. What? Talaga lang ha?

"Ana! So ano? papayag nalang ako ng ganon ganon lang? Hindi man lang iisipin kung anong magiging epekto?"

"Why? Wala namang malisya kung magiging kayo diba? Noon pa man kayo narin naman talaga ang bukambibig ng campus eh,"

I rolled my eyes at her statement at bumangon. Sa totoo lang, ayoko naman talaga eh. Pero bakit ko pa nga ba pinag-iisapan ito ng mabuti? Ang bata-bata ko pa. Namin. Para gawin ang mga ganoong bagay.

"Are you afraid of rejecting him, Elly?" That question caught me off guard. Napalingon ako kay Ana, bumangon narin siya.

"Naaawa ako," I pursed my lips as if gusto kong pigilan ang sarili na sabihin iyon pero kusa naring lumabas sa mga bibig ko.

It's true though. Ilang beses ko ng hindi siya pinapansin at sa bawat pagkakataon na ginagawa ko iyon sa kaniya ay unti-unti akong kinakain ng guiltiness ko. Noong araw na umiyak ako sa restroom after the quizbee competition, na realize ko, that he was nothing but being good to me pero binalewala ko ang mga iyon.

Dapat hindi ko ginawang batayan ang nakaraan para husgahan siya. Naniniwala naman kasi ako na may kabutihan ang lahat eh, and Angelo is not an exemption. He was determined to get me. To court me. Hindi niya naman siguro gagawin yung confession sa gitna ng event ng battle of the bands kung para sa kanya, laro lang ang gusto niya di ba?

I admit that my past with him was not the memory I loved to remember. He was my bully back then. Kaya hindi rin talaga ako makapaniwala na bigla nalang nagbago ang lahat.

"Kung hindi ka pala inuwi ni Aiden baka na pressure kana na at nahimatay kagabi," Ana laughed a bit.

She was right. Thank goodness, Aiden came that night para e uwi ako. Hindi ko alam kung ano ang nangyari pagkatapos niya akong hatakin paalis doon. I admit na guilty na naman ako ulit dahil siguradong hinanap ako ni Angelo pero hindi na ako nagpakita.

"I think, you should talk with Angelo to clear things up." Lumapit ng kaunti saakin si Ana. "Girl, you're being fragile right now..."

I was taken a back again. "Anong ibig mong sabihin?"

"Nasaan na yung kilala kong Elijah na matapang? Nasan na yung best friend kong palaban, huh? I thought Maria Elijah Espinoza is unwavering?" Sunod-sunod na tanong niya.

My lips pursed once more. Hindi ko alam ang sagot sa mga tanong niya. Masyado kong dinibdib itong mga nangyayari saakin kamakailan to the point that I forgot who I really was. But I guess, lahat tayo ay sadyang may kahinaan lang pero hindi ko naman matiyak kung ito ba ang kahinaan ko. Ang magbago ang paningin saakin ng mga tao.

UnwaveringWhere stories live. Discover now