Chapter 11

17 8 0
                                    

CHAPTER 11
Competition

Ang sabi ko iiwasan ko na silang dalawa which I did for about a week now. Pero heto na naman kami ngayon. Talagang hindi pabor ang tadhana na magkalayo kami.

"Excuse me, Elly."

Napapikit ako ng mariin ng makita silang dalawa sa harapan ko. They both blocked my way at wala akong ibang nakikita kundi ang dalawang magpinsan na Esclamada sa harapan ko. They look down at me dahil hanggang dibdiban lang nila ako.

Napahigpit ang kapit ko sa hawak na libro. I was thingking deeply kung ano ang katagang bibitawan ko pero wala, hindi ako nakapagsalita. It was as if that moment caught me off guard like I was a criminal in a court with no last words to say.

"Uhm... Tabi ka muna Elly, may kukunin lang akong libro sa likod mo." Tinuro ni Angelo ang shielf na nasa likod ko.

Napakurap ako at kaagad na tumabi ng magsalita si Angelo.

"Ah.. sorry.." I muttered almost a whisper. Aiden looked at me confused. Tumikhim si Angelo at sumulyap muna saakin bago tuluyang lumapit sa shelf para kunin ang libro na tinuro niya.

"Are you alright?" Tanong ni Aiden saakin. Umangat ang tingin ko sakanya at napataas ang aking kilay. "You look..."

Hindi na niya natapos ang kaniyang sinabi dahil pumagitna saamin si Angelo at binuksan niya ang librong kinuha roon sa shelf.

"Nevermind..." Aiden pursed his lips as if he was threatened by his cousins movement. Napakunot naman ang noo ko. Kahit papaano ay kumakalma narin ako.

"Alis nako.." Sambit ko. Hindi ko na kaya ang tensyon na pagitan naming tatlo.

"Uh.. wait! You're taking the book?" Pigil ni Angelo sakin. He was looking at the book that I was currently holding. Muling napa angat ang mga kilay ko.

"Uh.. Oo, bakit?" May konting pagka irita sa boses ko. I badly wanted to run away from them.

"Ah- that's the book that I need..." Bumaba ang tingin ko sa librong hawak. Nag-iisa lang ang librong ito sa shelf. I sighed.

"Sige-" Hindi ko natapos ang sasabihin nang muli siyang magsalita.

"No, it's fine you can take it. Maybe I can borrow it pagkatapos mong mabasa?" Napatango nalang ako sa sinabi niya. Wala namang problema, after all hindi ko naman pagmamay-ari ang libro para ipagdamot sakanya.

I saw how Aidens eye's darted directly on me as if tutol siya sa pag payag ko. He was giving me the You-made-a-wrong-move look. Umiling-iling rin siya. Bakit? ano namang mali sa ginawa ko?

"Sige.. Pwede kanang umalis," Angelo said it nicely and almost a whisper. I nodded and left. Wala narin naman akong kailangan pa doon.

Naging abala ang lahat sa sumunod na mga araw. Lahat kami ay nag handa para sa English festival. Hindi ganoon ka engrande ang preparation pero sigurado namang mag eenjoy ang lahat dahil sa hinandang mga patimpalak ng mga nag organize ng programme.

The quizbee competition started two days after the opening of the english festival week. One week rin ang itatagal ng selebrasyon and after that balik eskwela ulit and then next month ay intramurals na naman ang pagkaka abalahan.

Sa lahat ng mga quizbee contest at kung ano-ano pang konpetisyon na nasalihan ko, kahit kailan ay hindi ako kinabahan. Pwera nalang noong first time kong sumali nung elementary but after that vivid experience hindi na muli akong kinabahan pa nang sumali ako ulit, pero ngayon, hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit kumakabog ng malakas ang puso ko.

Nasa loob kami ng isang classroom, kung saan gaganapin ang quizbee competition. There were single participants in each grade levels at mukhang kaming dalawa ni Aiden lang kakaiba. Yes, Because we both came from the same grade level and section. Mabuti naman at wala saamin ang na disqualified dahil ayos lang naman daw kung parehong section ang pinagmulan.

UnwaveringWhere stories live. Discover now