Chapter 16

10 6 0
                                    

CHAPTER 16
Weakness




"Please don't break his heart elly."

Natigilan ako sa binitawang mga salita ni Aiden. Napa angat ang kilay ko sakanya. What does he mean by that?

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sakaniya. Napaiwas kaagad siya ng tingin. Umusog ako ng kaunti sa tabi niya kaya napalingon siyang muli saakin habang salubong ang mga kilay. "Bakit mo sinasabi yan ngayon?"

"Huh?"

"Akala ko ba ayaw mo siya para sakin?"

"Did I say that?" Napa angat ang kilay ko sa tanong niya habang wala sa sariling nakatitig naman siya saakin. Hindi niya naman sinabi pero sa mga actions niya unti-unti ko namang na se-sense.

"Wala ka ngang sinabi pero sa mga ginagawa mo..." Hindi ko na magawang ipag patuloy pa ang gusto kong ipaliwanag sa kanya. Narinig kong napahinga siya ng malalim.

Why is he warning me about not hurting Angelo's heart?

"I only did it for his own good. I know that you don't like him and he knows it either but he keeps on hitting on you kahit na alam niyang masasaktan lang sya," It was probably the longest phrase I've ever heard from his mouth. Puno ng sincerity ang pagkakasabi niya roon.

Kaagad na namungay ang mga mata ko sa sinabi niya at muli na naman akong napaiwas ng tingin. Ganoon din siya saakin.

"Pano yan, wala tayong magagawa. Kahit na pinagbabawalan ko na siya, ayaw niya paring tumigil." I chuckled a bit to release the tension inside my chest. Habang tumatagal ay parang lumalalim ang usapan namin.

Aiden smiled under his breath at napa iling siya ng ilang ulit. His smile is slowly turning into a small smirk.

"He likes you so much. I think there's nothing we can do about it," Nagkibit ako ng balikat sa sinabi niya. Wala na nga ba talaga akong magagawa? I wasn't aware na ganito pala mag mahal ang isang Angelo Esclamada. It was like he was willing to do everything kahit na walang kasiguraduhan ang bagay na gusto niyang makamit sa huli.

"Kaya hindi ko na kayo pipigilan..." It was almost a whisper na muntik ko ng hindi marinig. Napa awang ng kaunti ang bibig ko sa sinabi ni Aiden.

"Talaga?" Wala sa sariling saad ko. "I-I mean... ibig sabihin.. Pati ikaw? Okay nalang din sayo na ligawan niya ko kahit na may posibilidad na masasaktan ko lang siya sa huli?"

"I know you won't hurt him, Elly." Mas lalo along nagtaka sa mga sinabi niya. " I know you can't hurt someone," Makapagsalita ang isang to parang kilalang-kilala ako ah... Pero.. Tama siya.. Hindi ko nga kayang manakit ng iba... Either it's physical or emotional.. I just can't afford to break someone's heart that easily.

"P-paano ka nakakasiguro sa sinasabi mo?"

"It's in your eyes, Elly.." Walang emosyong sagot niya. I was taken a back. Napakurap ako ng dalawang beses. My lips pursed at napayuko ako. Nasa mga kamay ko na ang tingin ko.

"You're right. Hindi ko nga kayang tumanggi minsan sa mga kaibigan ko eh, kasi natatakot ako baka masaktan ko sila o baka magalit sila.." I released a painful chuckle. Suddenly my chest became heavier. It was like I was slowly running out of breath. Suddenly parang may na realize ako sa sarili ko.

"Hmm.. I see..." He was just listening and I can sense his interest in me. Parang may hinihintay pa siya na sasabihin ko.

"Ayoko na may mga taong hindi ako na gugustuhan kahit pa ang totoo hindi naman talaga lahat ng mga tao magugustuhan tayo diba... Alam mo yun? Ang pangit lang kasi sa pakiramdam na kahit wala ka namang ginagawang masama, may mga tao talaga na may galit sayo..." I scoffed at sumandal sa backrest ng bench.

"So, you're afraid to reject people because you don't want them to hate you?" Sa sinabi niya para lang din siyang naging translator sa english. Napatango na lamang ako ng isang beses sa tanong niyang iyon.

"Are you aware that you're being a people pleaser, Elly?" Natigilan ako sa sumunod niyang tanong. My lips parted again in surprise. I know, I was well aware of it.

"Masama ba yun?" Wala sa sariling tanong ko pabalik. It was like I wanted to deny it because I was afraid I might look weak. Wala rin naman akong magagawa, ganito na ako noon pa man. I tried to change and grow maturely pero wala eh, I just couldn't change for the better and I hate it.

"Very bad, Elijah..." Saad niya, emphasizing the word 'very' mas lalong napamaang ang bibig ko. Parang gusto kong maniwala sa sinabi niya but at the same time ayoko din dahil masakit. Ang sakit pala talaga kapag sinampal ka ng katotohanan. "You shouldn't normalize that and make it a habit all the time."

"Alam ko naman yun eh.." I sighed in defeat. Grabe rin itong si Aiden. Ni wala man lang pang sugar coat sa mga binibitawan niyang salita. "Pero wala eh, I tried to change but nothing happened."

Mahirap mag bago para sa sarili mo lalo na kapag teenager ka pa.

"Nothing change because you don't accept change. Natatakot kang mag bago dahil baka mas lalo ka nilang hindi ma gustuhan. Is that it, Elly?"

Mas lalong na mungay ang mga mata ko. His words just hits different inside me. He's stating it as if he knows me so well and he did. Alam kong alam niya ang mga sinasabi niya. Totoo ang mga sinabi niya and I hate it that he sense's my weakness. He knows how fragile I am.

"B-Balik na tayo sa classroom.." Kaagad akong tumayo at nilingon siya para sumunod. Ayoko na. Ayokong umiyak sa harap niya. "Tara na," ulit ko pa.

His lips pursed. May gusto pa sana siyang sabihin pero tumalikod nako at nauna nang maglakad papalayo. Ayoko rin ang nagmumukhang mahina sa harap ng mga tao. Ayoko na alam ni Aiden ang kahinaan ko kahit pa hindi ko sabihin sakaniya.

I'm glad that he listens but it feels too much to handle dahil parang pinapangunahan niya ang nararamdaman ko. It made me think of avoiding him at all cost.

I think avoiding both of them is just the best thing to do. Pero paano? Paano ko sila maiiwasan kung araw-araw ko lang din naman silang makikita dito sa paaralan?

Anong dapat kong gawin?

UnwaveringWhere stories live. Discover now