Chapter 3

20 15 5
                                    


CHAPTER 3
HIM

"Girlfriend mo?" Narinig kong tanong nung AJ sa pinsan niyang sira ulo. Hindi ko nalang pinansin iyon dahil hindi naman totoo iyon.

"Elly, Let's go mag swimming na tayo!" Sinalubong ako nina Abbigail at kaagad na hinila patungo sa pool. I smiled at hinayaan silang hilain ako.

"Oh, Angelo, akala ko out of the country ka?" Nakita siya ng isa sa mga classmates namin.

"Uhm, Next week pa. Busy pa kasi si tito kaya hindi pa kami makapag vacation kaagad," He was pertaining to the mayor.

"Saan to?" Inangat ni Angelo ang bitbit na eco bag na may drinks. Medjo mabigat din iyon kaya mukhang nahihirapan na siya sa pagbitbit.

Hindi pa kaagad naka sagot yung kaklase namin dahil nabaling naman ang atensyon niya kay AJ na nasa likod lang ni Angelo at nakikinig sakanila. "Hala! ito ba yung anak ni Mayor Ricardo!" Mangha siya ng makita ito.

"Hi," Bati naman ni AJ dahilan para kumunot ang noo ko. Marunong naman palang bumati, di man lang ako pinansin kanina. Kainis!

"Yeah.. Siya yung cousin ko, kaya tulungan mo ko ang bigat nito!" Reklamo ni Angelo sabay bigay nung eco bag sa lalaking kaklase namin na natawa nalang. "Ay syiensya ka na!" Kaagad niyang kinuha ang eco bag at siya na ang nagdala noon sa cottage area namin.

"Elly, hindi ka naman pala nakikinig eh!" Napatingin ako kay Jean. Napagtanto ko na napunta pala kina Angelo ang buong atensyon ko.

"S-sorry,"

"Sabi ko sabay tayong tatalon—" Hindi natapos ni Jean ang sasabihin dahil sumigaw ang mga kaklase namin na nasa cottage at tinatawag kami. Lahat ng mga kaklase ko na naroon sa pool ay napalingon at nakita naming tumatakbo papalapit sa pool si Sally habang malawak ang ngiti niya sa labi.

"Nandito si AJ!!! yung transferee next school year!!" Sigaw niya not even minding other people na naroon din sa pool at naliligo. Tinignan nalang kami ng mga tao na may pagtataka dahil kaagad na nagsilayas sa pool ang mga kasamahan ko at nagsitakbuhan sa cottage namin na para bang may artista na naroon.

Ako lang ang hindi gumalaw habang nakatampisaw sa tubig ang mga paa. Tinatanaw ko lang sila mula sa malayo. Tsk! kung alam lang nila gaano ka sungit yun.  Nakita kong nagpa picture ang mga girls sakaniya at rinig ko hanggang sa pwesto ko ang tilian nila.

I sighed. Ako na nga lang ang tatalon mag isa. Tuluyan na akong lumangoy sa pool at enenjoy ang pagliligo mag isa, mukhang wala narin naman kasing balak ang mga kaklase kong maligo ngayon dahil naroon na sa AJ na yun yung atensyon nila. Umahon na ako ng may mag lahad ng isang bote ng coke sa harap ko.

Si Angelo.

"Hindi ako nauuhaw," I coldly rejected at umupo sa gilid ng pool. I was wearing only a pink crop top at short jeans. Ayoko naman kasing mag suot ng bikini dahil hindi ako ganoon ka confident kahit pa alam ko naman na maganda din naman ang body figure ko pero hindi lang kasi ako comfortable hindi tulad nila ni Abbigail.

I saw Angelo's head bowed on the floor and he licked his lips, mukhang nahiya na nilapitan pa ako at binigyan ng maiinom kahit pa ayaw ko naman talaga. Parang na guilty ako ng kaunti, palagi ko nalang siyang nirereject kahit pa wala naman siyang ginagawang masama saakin. Iniwas ko nalang ang tingin. Hindi ko na babawiin ang sinabi ko.

"How about, food? Hindi ka ba kakain?" Angelo spoked. Tinago niya sa kaniyang likod ang drinks. Hindi ako sanay na ganito siya saakin. Naalala ko pa noon na isa siya sa mga kaaway ko nung grade seven at eight, walang araw na hindi niya ako nagawang pagtawanan o di kaya pag tripan dahil lang yung papa ko raw ay driver niya lang at hindi maitatanggi na mahirap lang kami.

Iyon ang dahilan kung bakit ayaw ko sakaniya. Hanggang ngayon, I hate him at yung ginagawa niya ay mas lalo lang nagpapairita saakin. Ayokong nakikita siyang nagiging mabait because I feel like he was faking it. Hindi naman kasi siya ganito saakin dati that's why it really bothers me.

Hindi kaya ay totoo ang usap-usapan sa classroom namin na may gusto siya sakin? That's why bigla nalang nag-iba ang pakikitungo niya sa isang iglap? Kung ganoon man, hindi benta saakin ang galawan niya. I still hate him and it doesn't change up until now.

"Kayo nalang muna ang kumain, dito na muna ako," Tugon ko habang nag iiwas ng tingin. He was looking at me like he wants to say something pero hindi niya magawa. "What?" I raised my brows at him.

"Nothing. Sabi mo nga ayaw mo," And then he left and walked away. Kita kong napakamot siya sa ulo na parang naiinis siya, ewan ko kung saakin ba siya naiinis o sa sarili niya.

Isang buong araw lang kami sa resort dahil lahat kami ay hindi pinayagan na mag overnight dahil mga bata pa raw kami. Hapon at kaagad din kaming nagligpit at umuwi. Ako ang huling sumakay sa SUV pero nagulat ako ng pigilan ako ni Jeff.

"Elly, hindi kana kasya dito.." Kaagad akong nagtaka ng sabihin niya iyon.

"Huh? kasya naman tayong lahat diyan kanina ah!" Reklamo ko sakaniya. Totoo naman, kasiya kaming lahat kanina, ang luwag pa nga eh.

"Sumabay ka nalang siguro kina Angelo, Basta masikip na eh..." Hindi ako kumbinsido sa sinabi niya kaya hindi ko na siya pinansin sa sapilitan akong pumasok sa loob ng SUV. "Aray! Elly! Hindi na talaga kasya!" I heared him laugh a bit na parang may pinaplano siya, maging ang iba naming kaklase ay nag hagikhikan sa loob. Sinungitan ko sila.

"What's the matter here?" Napalingon ako sa nagsalita. Angelo was already beside me. He was looking at me and then kay Jefferson.

"Si Elly kasi eh, hindi na kasya. Pwede sa sasakyan nyo nalang pasabayin," A playful smile was plastered on Jeffersons face doon ko napagtanto na plano pala talaga nila ito. I rolled my eyes in annoyance.

Kita kong sumilay ang ngiti sa labi ni Angelo. Masaya ata dahil success ang plano nila. E kung magpa iwan nalang kaya ako!

"Elly, saamin ka nalang sumabay, kaminh dalawa ni AJ lang ang naroon." Angelo offered, muli akong sumulyap sa SUV namin na nerentahan lang nila. Sarado na ang pinto at nakadungaw ang ulo ni Jeff sa bintana. I saw him playfully winked at Angelo, tanaw ko naman ang tumatawang si Liam sa tabi niya at nag apir pa silang dalawa.

I sighed in defeat. Fine. Naglakad na ako papunta sa sasakyan na nakapark sa unahan ng SUV namin. Iyon yung black na SUV na pumarada kanina sa harap ng store. Sa kanila pala yun. I jumped in when Angelo opened the car door for me. Hindi ko napansin na naroon pala yung AJ at katabi ko pa!

"Ay— sorry," Hindi ko alam ba't ako nag sorry ng tignan niya ako na parang nagulat siya na doon ako sumakay.

"Elly, yung gamit mo, akin na.." Nasa labas pa si Angelo at hindi pa sinasarado ang pinto ng sasakyan. I gave him my bag and didn't protest. "lalagay ko lang to sa likod para di kana mahirapan," Angelo smiled at me at saka sinara ang pinto.

Nanatili lang ang tingin ko sa bintana ng sasakyan. There was a distance between me and the mayor's son. Walang nagsalita maging ang driver na unahan ay tahimik na hinihintay si Angelo na matapos sa ginagawa at makasakay na para makaalis narin.

"Angelo is such a caring boyfriend, isn't he?"

UnwaveringKde žijí příběhy. Začni objevovat