Chapter 19

8 6 0
                                    

CHAPTER 19
I like you

"You did well... I'm proud of you, Angelo." Sambit ko. Kaagad na sinalubong ng nakabibinging katahimikan ang buong paligid. Walang kurap kaming napatingin sa mga mata ng isa't isa.

Siya ang bumasag ng katahimikan at kaagad siyang napahinga ng malalim at napangiti ng mapait.

"Kaya gustong-gusto kita, Elly eh." Napabalik ako sa sariling ulirat ng sabihin niya iyon. Kaagad kong binawi ang kamay ko na nakapatong sa balikat niya at napaiwas ng tingin sa hiya.

Bakit ko ba ginagawa yon!?

"You always give me the reason to fall for you.. I hope you won't reject me this time, Elly.." Muli akong napasulyap sa nga mata niya na parang nag susumamo ang mga ito.

Kaagad akong nakaramdam ng konsyiensya. Alam kong ayoko pa. Hanggang kaibigan lang talaga muna ang kaya kong ibigay sa kaniya.

"But I won't force you... Hayaan mo lang akong ligawan ka Elly. Maghihintay ako." There he goes again with his signature smile. Wala akong nasabi na tila ba may pumipigil sa bibig ko na magsalita. Ayoko rin naman siyang saktan na naman ulit pero ayoko rin siyang paasahin kung hindi ko bibigyang linaw ang gusto niyang mangyari.

Dahil sa sinabi niya ay naalala ko lang din ang sinabi ni Aiden saakin noong nakaraan. Please don't break his heart, Elly. Tumatak rin talaga saakin ang mga kataga niyang iyon at alam ko sa sarili kong ayokong manakit ng tao lalo na si Angelo, ayokong saktan ang damdamin niya.

"Uhm— Mauuna na ako... Sorry.." Yumuko ako para mag-paalam bago umalis. Bago pa man ako tuluyang tumalikod ay nakita ko kung paano napalitan ng isang mapait na ngiti ang mga labi ni Angelo.

I'm sorry, I'm really sorry...

"Ano kamusta?" Kaagad na bungad ni Jean ng makalapit na ako sa kanya. "Nakita ko tinanggap niya, anong sinabi niya?" Dagdag pa niya ng hindi ako sumagot.

Mahigpit ang hawak ko sa straps ng sling bag ko habang hindi makatingin ng deretso sa itsura ng aking kaibigan. Ano bang pwedeng isagot...

"Uhm.. Thank you?" Walang kasiguraduhang sagot ko sa tanong ni Jean.

"Huh? syiempre malamang mag te-thank you yun kasi binigyan mo eh! Ang ibig kong sabihin ay kung ano pa ang pinag-usapan nyo? Ano? may spark na ba?." Ngumisi ng malawak sakin si Jean, sa dinami ng salitang binitawan niya ay hindi ko alam kung anong sasabihin ko pabalik. Ang alam ko lang ay gusto ko ng lumayo at umalis.

Gusto ko nang umuwi...

"Ano bang pinag-sasabi mo diyan, Jean..." Pag mamaang-maangan ko nalang. Napalingon ako sa gawi ni Ana at Nimuel. Mukhang masaya silang nag-uusap dahil bahagya pang natawa si Ana ng malakas habang sa hindi kalayuan ay naroon naman si Jerome at Liam mukhang masaya ring nag kwekwentuhan.

"Hayst, bahala ka nga diyan. Inabutan mo lang si Angelo ng tubig hindi kana agad makausap ng matino.." Inis na umalis sa harap ko si Jean. Napailing nalang ako sa inasta niya. Sorry Jean, I can't tell you...

Inilibot ko na lamang ang tingin ko sa kabuuan ng gymnasium. Malaki at malawak rin ito, covered kaya walang sunlight na nakakapasok maliban nalang sa may entrance. Naglakad ako papalapit kina Ana at Nimuel para ipaalam kay Ana na mauuna na akong umuwi.

"Ha? Uuwi kana? Ang aga pa ah.." Saad ni Nimuel ng mag-paalam akong aalis na.

"May dadaanan pa kasi ako eh.." Dahilan ko, though totoo naman ang sinabi ko kasi may dadaanan naman talaga ako. Gusto kong dalawin si mama sa trabaho niya ngayon, sakto rin naman dahil na banggit ni papa na ihahatid niya si mayor sa Sipalay dahil may mahalaga raw itong transaksyon kaya malaya kong madadalaw si mama sa office niya.

"Saan naman? may susundo pa sayo?" Tanong naman ni Ana sakin. I smiled.

"Sasakay lang ako ng jeep, total sa municipyo lang naman eh." Sagot ko sakaniya. Sabay namang napatango ang dalawa at hindi naman na ako pinigilan ni Ana, syempre nandiyan si Nimuel eh...

Nang makalabas na ako ng gymnasium ay napahinga ako ng maluwag. Hindi ko na nakita kanina sa loob si Angelo, siguro ay umalis na din siya kaagad pagkatapos ko siyang makausap kanina.

To be honest, I don't know what to feel anymore about him. Tumatak na rin sa isip ko ang mga katagang binitawan niya. How could he take too much courage na hanggang ngayon ay hindi niya parin ako magawang bitawan?

It leaves me wondering kung ano bang meron sakin to make him fall for me that hard? What did I do? Pero bakit ko nga ba to sinasabi sa sarili ko... Hindi ko naman pala kasalanan na may gusto siya sakin, pero.. Ang wierd lang kasi talaga.

Damn that boy...

Nang makalabas ako sa gate ng school ay napatingin ako sa aking relo. It's past three PM in the afternoon already, Hapon na pero hindi pa ako nakapag lunch. Simula kasi nung pumasok kami sa loob ng gymnasium bandang ten AM ng umaga ay hindi na kami nakalbas pa kaya ramdam ko talaga ang gutom ngayon.

Napa-hawak ako sa tapat ng aking tiyan ng maramdaman ko ang pag kulo ng sikmura ko.

"Gutom nako.. Kailan kaya dadaan yung Jeep?" Tanong ko sa sarili.

"You're hungry?"

Muntik na kong mapatalon sa kinatatayuan ko ng may marinig akong boses mula sa aking likuran. Sobrang lapit nito kaya lumingon ako at napa-atras.

"Aiden?"

UnwaveringWhere stories live. Discover now