Chapter 9

11 10 0
                                    

CHAPTER 9
Feel At Home



"Hahatid na namin kayo,"

"Angelo?" Ana's brows furrowed in confusion. Naroon lang din ako, shock to see him in front of me. Nagawa niya pa talagang mag offer ng ganoon gayong hindi pa napapawi ang inis ko sakaniya, pero hindi rin naman siya aware na iyon ang nararamdaman ko.

Hindi ako naka tanggi dahil hinila na ako ni Ana, the last thing I knew, nasa loob na kami ng SUV nila at naroon din si Aiden, tahimik lang malapit sa bintana. Nasa pagitan namin si Ana at nasa kabilang gilid naman ako malapit rin sa bintana samantalang nasa tabi naman ang driver's seat nakaupo si Angelo.

I was silent. Tanging si Ana at Angelo lang ang nag-uusap minsan tinatanong nila ako at puro tango lang din ang sagot ko, minsan pag tatawa sila, ngumingiti lang ako para atleast hindi ako out of place at hindi nila mapansin na wala ako sa mood. Si Aiden naman, kinakalabit din ni Ana pero halos pareho lang din kaming dalawa na hindi sumasagot pero unlike sakin hindi talaga siya ngumingiti.

Malapit lang ang bahay sa campus kaya nakarating agad ako. Saktong tumigil ang SUV sa harap ng gate namin at tanaw ko na agad mula sa bintana ni Aiden si mama na nasa garahe namin at umuupo sa isa sa mga lumang silya na naroroon.

I saw mama's curious expression pero kalaunan ay ngumiti rin siya at lumapit sa gate mukhang may kinukumpirma siya. "AJ?" Sabi niya at nakababa na ako sa SUV.

"Tita Milissa," Saad ni Aiden. tumila na ang ulan pero umaambon parin ng kaunti. Unti-unti ng lumiliwanag ang langit. That moment I saw how Aiden smiled, kaunti lang pero abot iyon hanggang mata as if he saw someone na muli niyang nakita.

Napabalik balik naman ang tingin ko sa kaniya na nakadungaw sa bintana ng SUV at kay mama na nakalabas na ng gate. Nagmano ako.

"Ang laki mo na pala!" Magkakilala sila?

Nakita ko si Ana na sumilip rin sa bintana ng sasakyan at kumaway kay mama.

"Pababain mo muna sa sasakyan ang mga kaibigan mo anak, halikayo! tumambay muna kayo rito saglit!" My lips parted at my mom's words. Hindi ko naman siya matanggihan dahil tumalikod na siya at naglakad papasok sa bahay.

I awkwardly smiled at lumapit sa SUV para kausapin sila. "Uhm.. Baka gusto nyo daw munang huminto saglit at... Bumisita," I tried to chuckle to hide my shyness. Teka? bat ba ako nahihiya?

In my mind I was wishing na sana tumanggi nalang sila. Nahihiya ako sa bahay namin! Sa lahat ng mga naging classmate ko si Ana lang ang malayang nakakapasok sa bahay namin!

Parang bumagsak naman ang balikat ko ng pumayag sila at bumama narin ng sasakyan. I had no choice but to welcome them.

"Wala bang aso?" Tanong pa ni Angelo at luminga-linga sya sa paligid bago pumasok ng gate, tinitignan kung may aso dahil baka biglang may tumahol sa oras na pumasok siya. Umiling ako sa tanong niya.

Wala pa. Siguro next year ipapaalam ko na sakanila ni mama na mag aadopt ako ng aso sa shelter.

"Pasok kayo. Feel at home." I smiled and welcome them inside of our old Spanish style house. Maraming nagkalat na gamit na hindi nalinis kaya nahiya ako ng kaunti. Sino ba naman kasi ang umasa na may bisita ngayon?Kahit ako hindi.

"Tikman niyo itong niluto kong maja blanca," Ngiti ni mama at nilapag sa maliit na mesa ang isang plato.

"Wow, kayo po nag luto?" Angelo.

"Mukhang masarap." Aiden.

"Thank you tita!" Ana.

Triple A pala ang bisita namin ngayon.

UnwaveringWhere stories live. Discover now