Chapter 22

8 6 0
                                    

CHAPTER 22
Anger and Hurting

After what I said, nag paalam na umalis si Angelo, I didn't get to see his reaction but his voice sounded sad. Lahat ay nagulat sa inakto ko and dad look at me with a disappointed look while my friends were confused at what just happened.

"Ba't mo naman ginawa yun?" Nagtatakang tanong ni Jane. Kaagad syang lumapit sa dulo ng hinihigaan kong hospital bed.

"Yeah, Bakit ano bang nangyari sainyo?" Anatalia added and she caressed my hands looking at me confused and worried. I glared at the both of them and sighed. Napapikit ako ng mariin bago magsalita.

I guess my friends doesn't know what really happened then. Base sa mga tanong nila ay wala sila ni isang ideya kung bakit bigla nalang nag-iba ang pakikitungo ko.

"Well yeah, I know you don't like, Angelo pero ngayon lang kita nakita na ganun ka galit sakanya, ah.." Saad ni Anatalia, Umupo sya sa tabi ko.

"Wait... Tungkol ba to sa nabalitaan namin? That, your mom and Mayor Esclamada is—"

"Yes.." I interrupted. Napalingon ako kay papa na ngayon ay kausap si Nimuel. Narinig siguro ni papa ang sinabi ni Ana kaya ay napatingin rin sya sa gawi namin.

"Uhm... Ano bang dala nyo?" Pag-iiba ko ng topic. Ayoko na munang pag-usapan iyon. Mahirap para sakin at kay papa ang mga nangyari. Malaki ang naging pagkakamali ni mama saamin at gusto ko siyang kausapin tungkol dun pero hindi ko rin alam kung paano sya haharapin at higit sa lahat hindi ko alam kung saan siya hahanapin.

Bakit sya umalis? natatakot ba sya? nahihiya saamin? Bakit mas lalo niyang pinahihirapan ang sitwasyon? Nahihiya ba syang Harapin ang ginawa niya? Nila ni mayor?

"We bought fruits. Akala namin hindi kapa gising, balak lang sana naming ihatid to dito tsaka babalik narin kami sa school..." Wika ni Jane. Kaagad akong napangiti.

"Thank you..." Ilang araw narin akong absent sa school kaya napaisip ako kung kamusta na kaya ang iba naming kaklase? But on the other hand, hindi ko rin lubos maisip ang mangyayari sakin sa oras na makabalik ako, siguradong mag-iiba na ang school performance ko di tulad ng dati.

And I also come to think of the Esclamada cousins. Hindi ko alam kong paano sila haharapin ng maayos. Noon irritated lang ako sa presyensya nila, now, I hate them. I really hate them.

"Do you want a slice of apple?" Alok ni Ana, kaagad naman akong umiling at tumanggi.

"Mamaya na, busog pako.." Pagtanggi ko.

"I think we have to go now, The afternoon class is starting in 1 hour.. Baka ma late tayo." Deklara ni Nimuel ng makalapit sya saamin. Tumango ako ng marinig iyon samantalang kaagad namang umayos ng tayo ang dalawa at nag paalam na saamin ni papa na umalis.

Ana and Jane kissed my cheeks and waved goodbye. I chuckled and also waved goodbye hanggang sa makalabas na sila ng room ko. I sighed ng tumahimik na ulit ang buong silid. Only the sound of aircon enveloped my sense of hearing. Wala akong ibang narinig kundi ang aircon at  ang apparatus na nasa aking gilid.

"Pupunta mamaya dito si, Doc para e check ka. Baka bukas pwede na tayong makalabas." Saad ni papa saka lumapit saakin. "Why did you do that, Ellie?"

"Anong ibig mong sabihin, pa?"

"Mabait si Angelo, Anak. Hindi niya kasalanan kung bakit may kabet ang mama mo."

UnwaveringDonde viven las historias. Descúbrelo ahora