Chika #21

147 3 0
                                    

I know you're wondering how Bryan and I came to be. Parang hindi rin naman kasi sapat na sabihin kong childhood friends kami na naging best of friends. Lalo pa't magkaibang-magkaiba kami. Ako, baklita; siya straight.

I think ang mas makakapag-explain dito ay kung paano kami naging friends in the first place.

Noon kasi gurl, baliktad kami. Ako itong extrovert, siya itong loner.

Magkalapit lang kami ng bahay. Lagi ko siyang natatanaw na nasa bahay lang, madalas pa nga na nakadungaw lang siya sa bintana habang pinagmamasdan kami ng mga alagad ko. So na-curious ako, dai! Nagtanong-tanong ako kung sino iyon, bakit ganoon, na parang kawawa naman.

Sabi nila, 'Ah, iyon? Si Bryan. Weird iyon. Huwag mong pansinin iyon.'

Sabi ko, 'Huh? Paanong weird?'  Oh. Taray ha? Bata pa lang, tsismosa na!

Tapos ayun na, ang dami nilang kinwento na kesyo nahuli raw nilang nakikipag-usap iyon sa insekto, tapos iba raw ang lenggwahe (galing pa kasi silang Visayas), tapos hindi raw namamansin.

Ako naman, dahil bida-bida pa talaga ako nung bata, akala mo biglang na-challenge! Talagang ginoal kong makipag-friend kay Bryan no'n. Una kasi, ayokong may nale-left out na bata sa area namin. Wala, nasarapan lang siguro ako sa feeling na natutuwa iyong mga kapwa ko bata kapag nakikipag-friend ako sa kanila, so naadik na talaga ako sa pakikipag-friend kung kani-kanino. Pangalawa, parang type ko na agad siya no'n. OA no? Seven years old pa lang ako no'n ha? Pero alam ko na agad makakilatis ng pogi. Pero wala pa sa isip ko na bakla ako nun. Malay ko ba sa mga ganun. Basta ba napukaw na lang ako ng pagka-mysterious type ni Bryan noon, kaya lumapit na lang ako.

It was a tough battle din, mars! Talagang wary siya sa akin everytime na dumadalaw ako sa bahay nila para makipagkaibigan. May one time nga, inamin niya sa akin na akala niya bully ako eh. Hello? Sa bait kong ito? Bully?

But then after several months of trying, he finally gave in. Nakulitan na ata? Chour. Naging magka-vibes kami dahil sa Pokemon? Oo! Swear. Mula noong napansin niyang nerd ako about doon, tipong memorized ko pa buong original na 151 Pokemons, saka pa lang niya ako kinonsider na friend kasi nerd din siya about doon.

So ayun na nga. We talk a lot, spend so much time a lot, tumatambay na rin siya sa bahay namin, tapos ganoon din ako sa kanila. It went on for about a year, until I realized na mas gusto ko na iyong company niya compared sa other friends ko. Hanggang sa kami na lang talaga ang magka-friends, as in super close. Naliligo na nga kami madalas nang sabay eh. Kilalang-kilala pa nga namin mga pototoy namin.

One time, nagkaroon kami ng heart to heart talk. Laking pasasalamat daw niya na naging magkaibigan kami, kasi hindi raw talaga niya sure kung magkaka-friends pa raw ba talaga siya. He made a promise to stay by my side until tumanda kami. That he'll cherish our friendship forever.

Tandang-tanda ko pa iyon. Mangiyak-ngiyak pa nga ako eh.

But then puberty came, and alam mo gurl, biglaang nag-change iyong dynamics namin. Noong high school, kapansin-pansin na lumalaki ang katawan niya, as in nagkaka-muscles na siya; habang ako, ganoon pa rin, stick figure pa rin. So siya, nag-gain ng confidence, habang ako, bumaba ang self-esteem. The tables have turned, kumbaga!

Ang tindi talaga ng insecurities ko noon, gurl! Iyak talaga ang lola mo tuwing pinipintasan ang kapayatan ko. Lalo na siyempre iyong kalamyaan ko. I had doubts na rin na baka nga bakla ako dahil hindi ako katulad ng ibang mga lalaki na astig kung kumilos. Feeling ko rin nagkakagusto na ako sa lalaki noon, pero sa mga anime characters pa lang like kay Tamahome saka iyong kuya ni Card Captor Sakura? Naku, jusko, baliw na baliw ako roon.

Iyong isang memorable moment (core memory, lol), ay iyong noong may mga nang-aasar sa amin ni Bryan na lagi raw kaming magkasama every minute of every day. Galing pa iyon sa mga siraulo from lower section. Sabi nung isa, "Mga bading ata kayo eh? Lagi kayong magkasama. Ano kayo, mag-boyfriend?"

Balak ko na sanang tumakbo papalayo noon, pero hinawakan ako ni Bryan, tapos tinitigan niya ako na parang gustong sabihing, 'Huwag kang paaapekto. Akong bahala rito.'

Nilingon niya iyong mga siraulo, tapos sabi niya ba naman, "Oh ano naman ngayon? Gusto niyo rin ng boyfriend?"

Natameme iyong mga bully eh.

Hoy! Pero in fairness ha? Ang gwapo niya roon.

Iyon actually iyong moment na na-realize ko talaga sa sarili kong bakla ako at na-in love agad ako sa kaniya. Pero hindi pa ako umamin agad ha? As in tumagal din ng ilan pang taon ang dilemma ko, na na-in love ako sa best friend ko, na tipong kinikilig na ako sa bawat mga usapan namin, na nai-stress ako kung tama lang ba ang mga naibibigay kong mga sagot sa katanungan niya. Alam mo na? Typical teenager phase?

But then fourth year high school came and andun na iyong fear na baka magkalayo kami—well not literally, as in magkakalayo talaga, e ka-baranggay ko pa rin naman siya—baka lang kasi magkaiba kami ng college na pasukan. So ayun, before that happens, nag-ipon ako ng courage to tell him how I really feel.

Tapos, boom, rejected!

Hindi ko siya kinausap girl ng isang taon. Gumraduate kami ng high school nang wala talaga kaming picture together kasi sobra akong nasaktan noon.

Ba naman kasi, ang sweet-sweet niya sa akin, touchy na rin siya sa akin high school pa lang, yakap dito, yakap doon. We talk about literally everything, kahit meaning behind his dream, kahit views niya in life, kahit mga super random stuff lang like, "Bakit kaya may mga sanggol na isinisilang na may sakit no?" habang nakahiga kami sa sanga ng isang puno one summer. Oo, ganoon siya. Kaya rin siguro siya nilalayuan noong kabataan namin kasi kung anu-anong mga naiisip niya. That fact alone na he can ask me anything without fear of judgement from me was a sign already that our bond is special.

So hindi ko matanggap ang sinabi niyang, "Sorry, Em, I didn't know. Hindi ako ganoon sa inaakala mo. Hindi tayo... parehas."

He meant to say na hindi siya bakla. So hindi kami pwede.

Kaya nga plot twist din for me na pagdating ng college, boom, may mga spicy stuff that happened between us.

But I guess, hanggang dito lang muna. Chika nalang iyon for another time.

So Ito Na Nga!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon