Chika #22

140 4 0
                                    

"Ano mo iyon? Friend? Kuya?" tanong agad ni Axel nung pagka-uwi ko galing sa date namin ni Bryan. Hinatid niya kasi ako pagkatapos, sakay ng motor niya.

Gosh. Hinihingal pa ako nun nang pagkapasok ko ha? Tapos interrogation agad?

Nakatambay talaga siya sa may bintana nang madatnan ko. Napaisip ako, hinihintay niya ba akong makauwi the whole time? Pagkasilip ko sa orasan, alas-sais na ng gabi. Usually sa ganitong oras ay nasa sarili niyang gym na siya, nagwo-workout. Pero naka-baggy shirt at sweatpants lang siya. Which meant hindi siya nag-workout ngayon.

"Ah, si Bryan iyon. Friend ko."

Isa sa napansin ko ay kung paanong alam niya agad na may koneksyon sa aming dalawa. As in, hindi niya muna naisip na baka habal-habal rider lang iyon?

"Sure ka?"

Ay, wow. Anong meron sa mga tanungang ito?

"Best friend."

"Hmm. Taga-QC?"

"Taga-Tanza rin. Kalapit-bahay ko lang. May business siya actually sa Parañaque. Paminsan-minsan nandoon siya."

"Oh, nice. Galing kayo roon ngayon?"

Hindi eh. Diyan lang kami sa malapit nagkape saka nag-motel. Pero hindi ko na syempre kailangan pang sabihin iyon, so I think keri lang to make a lie.

"Yup. Coffee shop iyong business niya. Pina-testing sa akin iyong bago nilang menu."

Ay, taray ko roon. Nagsisinungaling para maitago lang ang best friend? Issue lang?

Moments later, nang nakatambay na ulit kami sa sala katapat ang nakabukas na TV, katakatakang si Bryan ulit ang naging topic namin.

"Nakita ko na siya. Mga limang beses na rin. Diyan sa tapat ng bahay."

Biglaan kasi iyong pagsalita niya so hindi pa nag-process masiyado ang utak ko. Akala ko kung sino iyong tinutukoy niya, hanggang sa nabasa ko sa mga mata niya na continuation pa pala iyon ng usapan namin lately. So si Bryan nga!

Wait, limang beses? E pagkakatanda ko, dalawang beses lang?

Vinoice-out ko iyon sa kaniya, sabi ko, baka dalawa lang? He must have mistaken him for someone else.

Pero sabi niya, "Lima. Iyong tatlong beses, hindi siya nag-doorbell no'n. Nakatambay lang siya for ten minutes, tinatanaw ang loob nitong bahay. Akala ko nga magnanakaw, kaya natanong kita kung kaano-ano mo iyon. Tapos noong sinabi mong best friend, at kung paano kayong magkulitan sa labas kanina, na-realize ko na baka... special someone."

Luh, grabe naman itong si Axel, maka-special someone?

"May something ba sa inyo?" tanong pa niya.

"How I wish!" sagot ko bigla, sabay dukot sa popcorn sa lamesita. "Ganoon lang talaga iyon, Axel. Pa-fall. Mabait sa kung kani-kanino. Saka walang pag-asa sa amin. Ba naman, six times na niya akong ni-reject?"

"Six times?" Halos mapa-abante siya sa kaniyang kinauupuan no'n.

Dahan-dahan akong tumango with matching sigh of defeat.

"Wow. Pero close pa rin kayo, despite that many times of rejection?"

"Wala na akong magagawa roon. Best friend ko eh. Alangan namang itapon ko na lang basta ang pagkakaibigan namin nang dahil lang hindi kami pwede?"

Nilinaw ko rin kay Axel na childhood friend ko si Bryan to further solidify my argument. Mahirap din naman kasing layuan ang childhood friend lalo na kung kabarangay mo pa, at ka-close na rin ng buong miyembro ng pamilya, at Lover pa talaga ang kinalabasan sa FLAMES ninyo, na minsan na rin kaming napag-trip-an sa marriage booth ng mga kaklase namin noong high school.

"Ang tibay mo roon ah?" sabi niya nang may pagbuga pa ng hangin, as in amazed na amazed talaga.

After a while, nilingon niya ulit ako, "But how do you do it? Become friends with someone who dumped you several times?"

"Well, first requirement, gaya na rin sa nasabi ko kanina, kailangan super close kayo. As in parang-kayo-na-hindi kind of relationship. Second requirement... forgiveness. Choz!"

Natawa rin siya sa nasabi ko eh.

"Ewan ko," sabi ko. "Siguro nasanay na rin? Kasi noong unang beses talaga niya akong ni-reject, nagawa ko siyang hindi pansinin for a whole year. Noong second time, mga three months? Hanggang sa paliit na rin nang paliit na parang nagiging immune na ako?"

"Ayos kayo ha? Siya ba, hindi ba siya nagi-guilty? He broke your heart several times, tapos magpapakita siya ulit sa iyo nang parang wala lang?"

"Hala, hindi naman ganoon. May times din na siya rin ang lumalayo sa akin. Pero ewan ko ba, it's like, fate always draws us back together."

"Baka kayo talaga para sa isa't isa? Hindi niyo lang ma-realize?"

"Siya iyong hindi maka-realize. Ako, matagal ko na iyong naiisip, matagal ko na ring iginigiit sa kaniya, kaso, wala, babae raw talaga ang gusto niya."

Ang gulo nga eh. Babae raw ang tipo niya, pero ang hilig niyang makipagharutan sa akin? Parang tanga lang.

Pero sabagay, hindi naman siya ganoon sa ibang bading. Sa akin lang talaga.

Eh? Feeling special?

"Pero sa totoo lang, naka-move on na ako," sabi ko. "Na-realize kong hindi na ako kasing-seryoso sa kaniya compared noon. Ngayon, wala na iyong urge to confess to him how I truly feel. Wala na rin iyong eagerness to make my love known. I mean, love ko pa rin naman siya, but more as a best friend na."

Ni-leave out ko na syempre iyong about sa sex part. Baka masabihan agad ako na napaka-hipokrita ko naman, which is mej totoo naman? Pero ayoko nang masabihan sa mukha.

"Hmm. Totoo bang naka-move on na?"

"Oo nga! Ang kulit nito."

"May alam akong way para maka-move on talaga nang tuluyan." Pagkasabi niya no'n, agad na napadpad ang kamay niya sa kandungan niya. Hinimas-himas pa talagay niya para obvious.

Gosh, beh. Pangalawang t*te ko na ito for today.

Okay lang ba ito?

Okay lang naman no?

Masama kasing tumanggi sa biyaya.

Eme!

So Ito Na Nga!Where stories live. Discover now