Chika #52

83 3 0
                                    

Hindi ko na talaga in-extend ang work contract ko kay Axel. Noong tinanong niya ako kung bakit, idinahilan ko na lang na kinailangan kong umuwi ng Tanza para mag-alaga ng kamag-anak kong may sakit—which is imbento ko lang, pero kasi... kinailangan kong gumawa ng magandang dahilan para makalayo sa kaniya.

Ilang beses din siyang nag-extend ng tulong. Lahat iyon ay tinanggihan ko.

Naka-tatlong beses pa nga siyang pagtanong sa akin kung seryoso ba ako sa paglayo ko. He even offered na kahit hindi na raw ako magtrabaho para sa kaniya. Na kahit sa kaniya na lang ako makitira. Na kahit patirahin na lang din daw niya iyong kamag-anak kong may sakit sa bahay nila, huwag lang daw akong umalis.

Noong sinabi niya iyon, I reminded him na hindi niya kailangang gawin iyon, dahil wala namang kami.

Nang hindi siya kumbinsido, sinabi ko na lang din na it's a good opportunity for us to really think about us. If time passed by and one of us realized na it's better for us to stay apart, edi good, at least naging klaro sa amin. Salamat na lang sa lahat.

Na-amaze nga rin ako sa sarili ko on how composed I was when explaining things to him. Gawa na rin siguro ng pagkamanhid mula roon sa nasaksihan ko. Sa sobrang sakit, alam mo iyong parang magiging robot ka na lang? Ganern.

There were thoughts of wanting Bryan's help. Bumabalik iyong sakit ko, iyong paggamit ko ng katawan niya para lang makalimot ako. Pero nagpigil ako. Isa pa, naalala ko rin iyong boses ni Marjori tuwing maiisip ko si Bryan. Ang lakas ding makaimpluwensya nung babaitang iyon.

So ayun. Umuwi talaga ako sa amin. Kinwento ko kay Mama iyong mga nangyari. Lahat, oo. Pati iyong pagkahulog namin ni Axel sa isa't isa hanggang sa part na nabisto ko siyang may kasamang iba. Na-mention ko na rin kay Mama iyong about sa naging alibi ko sa hindi pag-extend ng work bilang katulong. Gulat nga ako na sa akin siya kumampi eh. Sinuportahan niya ako sa desisyon ko. Siguro'y naawa lang din sa akin kasi halata talaga sa way ng pagkwento ko iyong sakit kasi first time kong umiyak nang ganoon sa harap ni Mama.

Nag-accept na lang ako ng maraming art commissions. Nagpaka-busy ako nang sobra-sobra at nang sa gayon ay mawala man lang kahit papaano si Axel sa isip ko.

I sincerely hoped it would have helped me forget about him, but every time talaga na bakante ako, kahit sa pagitan lang ng pagkain ko, o matulala lang ako habang nanonood ng TV, dadapo talaga siya sa puso't isipan ko.

Sometimes I wonder whether he still thinks about me. Mga one week na rin kasi ang nakalipas at napapaisip na lang ako kung naghahanap na ba siya ng ibang katulong o kung hinihintay niya ba akong bumalik.

Sometimes I wonder too whether I was wrong for leaving him, na baka masyado akong nagmadali sa paglimot ko sa kanya, that maybe it was just a misunderstanding? Sabagay, hindi ko talaga nakita kung humalik talaga siya roon sa guy. Aktong hahalik lang. Pero malay natin, baka may binulong lang si Axel?

Pero valid din naman itong sakit na nararamdaman ko 'di ba? Nag-aminan na kami na mahal namin ang isa't isa. Bakit niya pipiliing makipagkita sa iba? Bakit din kailangan niyang ilihim iyon sa akin?

Saka anong bulong-bulong? Silang dalawa lang ang tao roon sa parkingan, bakit may bulungan pang ganap?

Sa tuwing naitatanong ko iyong mga iyon, lalo kong nako-convince ang sarili kong tama lang ang ginawa kong pag-alis.

So Ito Na Nga!Where stories live. Discover now