Chika #54

88 3 0
                                    

Hindi ba, nitong nakaraan lang, tumanggi ako sa alok ni Bryan na mag-sex kami? Akala ko na dissuade—taray, dissuade!—ko na si Bryan sa panglalandi sa akin. Pero gurl! Hindi pa rin niya ako nilulubayan!

It's not like I find him annoying. Na-appreciate ko nga na nandyan siya lagi sa tuwing down na down ako. He cares for my well-being. He's actually helpful din in making me forget my problems kahit sa ibang pamamaraan, tulad ng pagiging madaldal niya, ng pagjo-join sa akin tuwing may pinapanood akong series, sa pag-try gayahin ang mga art ko. Ganern. It was like we're back on being buddies noong high school—noong bago pa ako mag-confess, and I really liked it, it's like I got back a lost treasure.

But at the same time, it was making me worried. What if kasi... ginagawa lang niya ito para mahulog muli ang loob ko sa kanya? Para ma-fall muli ako sa kanya romantically?

Remember, 'di ba, may kasa-kasama siyang girl noong Otaku Expo? What happened to that girl? E si girlalu halata rin namang may gusto kay Bryan from the way pa lang ng pagtitig niya. Huwag mong sabihing pinaasa lang ni Bryan iyon? Ginawang decoration lang on that day?

But sometimes I wonder, what if Bryan was really interested in the girls he'd been with? Hindi lang niya ma-pursue nang dahil sa akin?

Hindi dahil gusto ako ni Bryan, ha? Kundi dahil baka nagi-guilty siya?

These were what's eating on my mind, kaya naman nang minsang dumaan kami ng park para lang makapag-relax relax, nagulat to the max ang lola mo nang mag-confess siya na mahal na raw niya ako.

Oo gurl! He said, in a leading man way pa ha?

"I love you, Em."

Noong una syempre, inisip ko na, Ahh, baka as a friend lang? But he's quick to clarify that it's not just in a friendship kind of way, but on a romantic kind of way. Nag-sorry pa nga siya na it took him long enough to realize.

Nag-explain pa siya. Ang dami nga niyang follow-up statements. Aware kasi siya, base na rin siguro sa hitsura ko, na duda ako. Ba naman, after so many rejections, bigla-bigla siyang magga-ganito? Hello? Sinong maniniwala agad?

Inamin niya na kaya madalas niya akong nire-reject noon ay dahil hindi niya ma-imagine ang sarili na magka-boyfriend, na natatakot siya kung paano niya maipapaliwanag sa mga magulang at kakilala niya na isang tulad ko ang nagustuhan niya, na isang lalaki—gayong babae naman talaga ang tipo niya.

Pero mahal na raw niya ako... noon pa man. Hilig lang daw niya akong itaboy dahil baka hindi mag-work ang relasyon namin, at dahil in general, komplikado nga naman talagang pumasok sa isang gay relationship, lalo pa't ang isa sa amin ay hindi naman talaga gay.

But according to him, having spent some time with me lately, he realized he no longer cares about what other people would say. And that, now, he's so sure na mahal na raw niya talaga ako.

Ang hindi lang daw niya sure ay kung mahal ko pa rin daw ba siya.

But he still wanted to take a risk, and thus the confession.

Ang tagal ko ring natahimik on that moment.

Feeling ko, kung maaga-aga niya itong ginawa? Like kung before I met Axel? Baka naging kami na for realz. Iyong version ko kasi noon, iyong Emerson about seven months ago, tatanga-tanga pa iyon. Pasabi-sabi lang iyon na naka-move on na, pero makakita lang ng konting motibo, bibigay na iyon agad.

But I guess meeting Axel really changed me. That even though I ought to move on from him, siya pa rin talaga ang isinisigaw ng puso ko—na kahit pa ba iyong lalaking matagal ko na ring hinahangad na maging jowa ay umamin na sa akin at gusto na akong jowain, wala na iyong talab.

I was really sorry for breaking Bryan's heart, pero wala na talaga.

Unang beses ito na ako naman ang nang-reject sakaniya.

So Ito Na Nga!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon