Chika #56

89 2 0
                                    

Kung character lang siguro ako sa isang dating sim, talo na agad siguro ako no? Ba naman, iyong dalawang love interest ko, nagawa kong itulak papalayo! Kaloka. Ako na siguro ang pinakabobong character. Oo na, tanggap ko na, kahit huwag mo na akong i-comfort, alam ko na ang bagay na iyan.

So ano na ang ending ko nito? Tatanda akong dalaga, ganern? Chos! Dalaga talaga?

But a part of me thinks about him still.

Axel.

Kumusta na kaya siya no?

Ever since na umalis ako sa pamamahay niya, never akong nakatanggap ng tawag o text mula sa kanya. Nakwento ko kay Marjori iyong tungkol sa bagay na iyon, at nasabi niyang baka nga talagang hindi niya ako mahal? Baka raw hinihintay niya akong unang sumuko para makapag-jump agad siya to the next person na kaniyang mapapa-fall.

I'd like to accept that explanation. Somehow it makes sense. Iyong timing din kasi. Right after akong mag-confess, saka siya naghanap ng ibang malalandi.

Pero ewan ko ba sa sarili ko, hanggang ngayon kinikwestyon ko pa rin iyong ginawa kong pag-alis.

At one point, nasabi ni Marjori sa akin, "Need mo lang kasi ng closure, kaya ganyan."

Ganoon ba iyon?

Sabagay, may point. Every night kasi, bago ako matulog, nilulunod ko ang sarili ko sa sandamakmak na what ifs. Kung sakali mang masagot iyong mga iyon, feeling ko makakapag-start na talaga ako sa moving on process ko.

But in order to get the closure I need; I must talk to him. Paano ko naman gagawin iyon aber? Alangan namang pumunta na lang ako roon basta, tapos hingin iyon sa kaniya nang ganun-ganun lang? Ang kapal naman ng mukha ko no'n, e ako nga itong lapastangang umalis?

I needed an alibi. I needed a valid reason for me to get there.

Ilang araw din akong nag-contemplate about it. Napa-Google pa nga ako. Jusko, napa-consult pa ako kay ChatGPT kung paano iyong tamang way to ask for closure from someone! Gosh! Ganoon na ako ka-desperada, gurl! Pati nananahimik na AI, inistorbo ko!

Pero heto. Nagbunga rin iyong pag-iisip ko ngplano kasi one time, naisip kong halughugin ang laman ng bag na gamit ko noongumalis ako kina Axel. Ang unang goal ko ay to check kung sakali mang may nawawalasa mga gamit ko, na pwede kong sabihing nakalimutan kong dalhin pauwi. Perohindi iyon ang nangyari. Noong nalaglag pa lang iyong susi plus iyong keycard sabag ko, nahanap ko na agad iyong alibi na kailangan ko. Iyong susi kasing iyonay susi ng bahay nina Axel. Pwede akong magdahilan na kaya ako bumalik doon aypara isauli ang mga iyon.

So Ito Na Nga!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon