Chika #41

96 3 0
                                    

Pakshet din itong si Bryan eh. Plano ko pa man din sana siyang kausapin the next day, pero pagkagising ko, nakabihis na agad siya at ready nang magpaalam. Hindi na raw kasi siya bayad sa araw na iyon at baka raw kailangan na kailangan na siya sa coffee shop niya.

Balak ko pa man din sanang alamin ang thoughts niya sa nangyari, kung anong naramdaman niya habang pinapaligaya si Axel, na kung bibigyan siya ng pagkakataong maulit, gugustuhin ba niya? At kung papipilin siya sa amin ni Axel, sino ang gusto niyang ma-ano... mapasok?

Ang tanging nagawa ko na lang ay pasimpleng asar sa kaniya pabalik eh. Sabi ba naman kasi niya, "Ipaubaya ko na lang muna kay Axel ang pagpapaligaya sa iyo."

"Utot mo," sabi ko. "Baka nga kaming dalawa pa itong maghanap sa iyo eh."

Na siyang nakakalokong tawa lang ang sagot ng kupal. Loko eh. Feel na feel talaga na pogi siya?

Ngayong dalawa na lang uli kami ni Axel sa bahay, it's impossible na for me not to focus my thoughts on him. Like, paano niya ako nagawang lokohin? Bakit hindi niya sinabi sa aking bottomesa rin pala siya? Emsz!

Sabagay, alangan namang sabihin niya sa akin iyon randomly 'no? "Uy, Emer. Alam mo bang nagbo-bottom din ako?" Parang ewan lang. Malamang hindi niya iyon sasabihin sa akin!

Oo na gurl, alam ko namang hindi talaga siya hundred percent bottom. Alam ko naman ang tawag sa ganoon na nagta-top at nagbo-bottom.

Versa... Versace on the Floor. Kimmy!

Ang part lang talagang hindi ako maka-move on ay iyong hindi siya halata na versa. Or vers pala ang mas tama, thanks for correcting. Kasi kung titingnan mo si Axel... hunk na hunk, manly, hindi tumitili, tapos malaki ang eme. Unang tingin mo pa lang gurl, iisipin mo nang top siya.

Pero sabagay, ano nga ba ang mga awrahan ng mga vers? Parang hindi rin naman ako aware. Saka hindi rin naman siya nababase sa pisikal na katangian. For sure, may mga vers din namang hindi hunk, may ilan ngang femme na mas prefer maging top kaysa bottom eh. Aware naman ako sa mga possibilities na iyon. Hindi ko lang talaga lubos akalaing madadamay si Axel sa ganitong rare cases.

In-open up ko ito kay Axel during our breakfast kasi hindi na ako nakatiis. Nakadalawang tanong na kasi siya sa akin kung bakit ang tahimik ko raw, e napakasinungaling ko naman kung sabihin kong wala namang bumabagabag sa akin. So sabi ko, "Hindi ko lang akalaing nagbo-bot ka rin pala."

Tapos iyon nga, sabi niya, "Ahh, vers kasi ako." Which is ine-expect ko rin naman.

Kung tutuusin, sapat na sagot na iyon. Pero marami pa ring katanungan sa isip ko, like how do you know ba na vers ka? Kailan niya na-realize? Kapag magkaka-partner ba siya, anong mas prefer niya? Top? Bottom? Or papalit-palit ba everyday?

Kinabahan ako sa last part, kasi gurl, never ko talagang in-imagine ang sarili kong maging top. Baka kung sakaling maging kami man, baka need ko laging magpatulong kay Bryan kapag gusto ni Axel na maging bottom. Jusko. Okay lang ba iyong ganoong setup? What if magka-asawa na bigla si Bryan? Mapapakiusapan pa kaya namin siyang maging top ni Axel?

Napansin siguro ni Axel iyong sandamakmak na katanungan sa isip ko kaya napasabi siya ng, "Parang gulat na gulat ka ah? Na-disappoint ka ba?"

"Hindi naman. I was just... surprised."

Napasingasing siya.

"Would you have preferred if hindi mo nalamang vers ako?"

Wait, why is he so concerned on what I think about him?

Pero, ano, to answer his question... honestly, oo. Na-establish na kasi ang image niya sa akin as a pure top and seeing him moan like a girl while being f*cked by a guy, broke that image in my head. It made me ask myself, Do I really know this person?

So Ito Na Nga!Where stories live. Discover now