Chika #36

111 2 0
                                    

So my next agenda for the following days ay syempre, to know more about Axel's gayness!

Kasi naman! Ang dami kong questions!

But of course, I know na need kong i-take ito slowly. Kapag binigla ko siya ng mga personal questions, malamang mao-off siya sa akin. Baka nga biglaan niya akong palayasin? Gosh. Hindi ko kakayanin.

So everytime na lang na kumakain kami nang sabay, mapa-breakfast man iyan, lunch, o dinner, I try to slip in a gay-related question. Una na riyan ay iyong most common question to ask a fellow gay person. Tinanong ko kung out na ba siya.

Sabi niya, oo raw. As early as elementary pa raw.

My gosh.

Lecheng ito. Out na pala siya matagal na, tapos hindi man lang nagsasabi? Edi sana pala tinodo-todo ko na ang panglalandi ko sa kaniya noon pa?

So iyon ang next kong tinanong. "Bakit hindi ka man lang nag-abalang magsabi sa akin? Out ka naman na pala?"

"Akala ko kasi mahahalata mo ako. Hindi ko naman din kasi iyong tina-try itago."

"Hindi mo nga tinatago, pero wala ka namang any sign na pinapakita, so paano ko mahahalata?"

"Uy, hindi ah? I think I've given you already a hint before." Oh, 'di ba? Tunog-bakla sana iyang nasabi niya 'di ba? Pero ang manly ng boses niya niyan!

"Talaga? Gaya ng?"

"Tinanong kita kung may boyfriend ka na ba."

Omaygad.

Sign niya na pala iyon?

So does that mean, hindi talaga iyon innocent question?

Does that mean he's hitting on me already since that early?

Gusto kong kiligin, pero ayoko ring magpahalata! My gosh! So ang nangyari ay natahimik na lang ako, all the while my face was blushing red. Kaloka!

"Saka naalala mo iyong nabasag mo iyong garapon ng kape?"

Ba naman itong si Axel, nawala na nga sa isip ko iyong kahihiyan na iyon, tapos heto, basta-basta na lang kung i-bring up?

"What about it?"

"When you accidentally looked at my junk, I wasn't sure if you noticed, pero tinigasan akong lalo no'n. Iyon din iyong isang rason kung bakit ako napatakip no'n."

Hayyy, Lord, hindi ko na po kinakaya. Bawasan niyo na po ako ng ligtas points. Go ahead, Lord.

Kasi naman! Ano ba, sinasagot lang ba niya ang mga katanungan ko? O lantarang panglalandi na ba itong ginagawa niya?

"Okay," mahiya-hiya kong sabi. "If that's how you give signs, fine."

Wala gurl. Kung labanan lang ito ng landi, talo na agad ako. Hindi ko na kasi kinaya pa iyong pamumula ng peslak ko so kinailangan kong mag-initiate retreat.

Saka na muna iyong ibang mga questions. Magbaon muna ako ng sapat na lakas ng loob.

So Ito Na Nga!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon