CAPITULUM UNDEVIGINTI

109 5 0
                                    


"Hey! Why do you have such a long face?"

Napapitlag siya nang marinig ang tinig na iyon ni ER mula sa likuran ni Russel. Pagkatapos ay naramdaman niya ang hininga nito sa bandang batok niya. Hindi niya namalayan na nasa likuran na pala niya ito and she could smell his familiar scent.

"Ginulat mo naman ako," aniya. Nakatayo siya sa tabi ng isang puno habang nakatitig sa beach front. Looking at the bay.

"Kanina pa kasi kita tinatawag and you seem very occupied. May problema ba?"

ER arrived before lunch at inaya sila ni Perci pero tumanggi siya. Sinabi lang niya na may kailangan siyang gawin kaya hindi siya makakasabay ng tanghalian sa mag ama kanina. Instead, she lurk herself inside her room thinking about the old woman earlier.

"Wala naman. May naiisip lang ako bigla," aniya.

"If it is about Perci. I am very sorry for his behavior. You know, that kid was very sensitive everytime we talk about her mother." Paliwanag ni ER sa kanya.

Nalaman nila that Perci was bullied by kids who played at the shore. Sinabihan ng kung ano ano about his biological parents. Kaya pala ganoon ang naging outburst ng bata. Kinaausap na rin ni ER ang anak nito at napaliwanagan na. And for those kids who bullied him ay nakausap na rin ni ER ang mga magulang ng mga bata and they were really sorry for what happened.

"Naiintindihan ko naman ang anak mo. Honestly, nakakarelate pa nga ako sa kanya. Lumaki ako na hindi ko kilala ang biological parents ko, and you know what? It was so hard on my part kasi I kept asking myself how they afford to lose me?" Bumalik sa alaala niya ang malungkot niyang buhay noon. Hindi niya mapigilan magtanong muli kung bakit? Bakit lumaki siyang hindi niya kilala ang sarili niya?

"I know, for sure they might have reasons," sabi ni ER.

"Reason? Like what?" tanong niya. "Walang perpektong rason ang mga taong iniiwan basta na lamang ang mga anak nila. Hindi nila pwedeng ijustify ang mga kapabayaan nila. Dahil hindi naman naming ginusto na mabuhay kami sa mundong ito. If wasn't because of those irresponsible parents, walang mga batang naapektuan ngayon." Hindi niya napigilan ang emosyon niya. Gaya ni Perci ay napakasensitibo din niya sa ganitong topic. Pakiramdam niya kasi ay napakamalas niya dahil lahat ay ipinakait na sa kanya.

Magulang, pamilya, and even her child--- Si Nikko.

Naramdaman niya ang pagbuga ni ER ng hangin. "If wasn't because of those irresponsible parents, People like me wouldn't have a second chance in life." Natigilan siya sa sinabi nito. "Perci gave me a second chance. A second life. Hindi ko man maalala ang mga nakaraan ko, but Perci gave me a new memories that I will treasure forever."

"Ibig mong sabihin... You have—"

"Yes." Maikling tugon lang ni ER sa kanya.

Nagulat siya sa kompirmasyon nito. Hindi siya masyadong nag uusisa sa personal nitong buhay pero nakakagulat pa rin na malaman ang ganoon impormasyon dito.

"P-Paano?" tanong niya. Nilalamon siya ng kuryosidad niya.

Tumanaw si ER sa dalampasigan. Deretso ang mga matang nakatingin doon na tila ba may lalabas na mga image sa karagatan na magpapaalala dito ng mga nakaraang nabura sa alaala nito.

"Eleven years ago, we had this incident. And then they said, hindi ko maalala ang ilan sa mga nakaraan ko and everytime I had a seizure may ginagawa sila sa akin to ease my pain. Mismong sarili ko kinatatakutan ko sa tuwing may maaalala ako. Like—fire. A burning house. A rage of someone and a c-child. Hindi ko alam. Maski ako nalilito. Iyon ang dahilan why we can't stay permanently sa isang bansa lang. At sa tuwing may mangyayari sa akin,—ang isa sa pinagkakatiwalaan ng ama ko. He will send me to a doctor then a procedure will be done at kapag nagising na ako, para akong computer na bagong restart."

Limbo: Diaval's Inferno I: SATAN ROUXWhere stories live. Discover now