CAPITULUM VICESIMUM PRIMUM

112 5 0
                                    

In a slow motion turn, Russel hold her breath. Nakapikit ang mga mata niya na tila takot na takot siya sa mga bangungunot ng kahapon. Those nightmares from yesterday that keep haunting her present dreams. Nang tuluyan siyang humarap ay nakapikit pa rin ang mga mata niya. Gustong gusto na niyang magisings a mga bangungot na iyon. Pero hindi niya magawa. Until now, she can felt her shackled hands. Pinning down in the depth of darkness. Akala niya ay hindi na siya takot. Akala niya ay malaya na siya sa iniwang marka ng nakaraan niya. Hindi pa pala. Ang bangungunot niya ay nanatiling nabubuhay sa kasalukuyan niya at pinapatay ang natitirang pag asa sa kanya.

Patay ka na. Hindi ka pwedeng mabuhay. Paulit ulit niyang isinisigaw iyon sa kanyan isipan.

Kung may isang tao man siya na gustong makita muli ay si Nikko iyon. Even after grieving for eleven years, her longing for her child is unmatched. Nagdadasal siya sa Diyos na patatagin pa siya. Na palakasin pa siya dahil ubos na ubos na siya. Wala nang natira sa kanya maski isa.

Namalayan na lang niya ang pagdaloy ng luha sa mga pisngi niya. Mahirap pala, dahil kahit gising siya ay binabangungot pa rin siya. Isang bagay na pagod na pagod na siyang maramdaman. Kailan nga ba hihinto ang paghihirap niya? Kapag ba sinabi niyang suko na siya ay kusa bang mabubura sa alaala niya ang pilat ng nakaraan? Kusa ba iyong maglalaho na parang usok sa mga ulap?

Hanggang sa naramdaman niya ang matitigas na bisig na yumakap sa kanya. Nanigas lalo siya. Iba ang nararamdaman niya. Ang yakap na iyon ay kilala niya.

"Hey," tinig ng yumakap sa kanya.

Mabilis siyang pumiglas ay humiwalay dito. "P-Patay ka na. Hindi ka buhay! Hindi ka buhay!" She was hysterically emotional habang pailing iling at pilit na isinisiksik sa isip niya na nasa kasalukuyan siya.

Muli niyang naramdaman ang mga kamay na iyon na inaabot siya. "What's going on to you?"

Pero pilit siyang lumalayo even catching the attention from other guests. "H-Hindi ka totoo..."

Pero hinawakan siiya niyon sa magkabila niyang balikat at hinaplos haplos ang braso niya. Those touch are simply trying to calm her down. And it helps. Unti-unti ay nagiging normal ang ritmo ng puso niya.

"It's me. Calm down please." That soothing voice that reminds her that never allowing fears dictate your actions is a sign of courage. Pero mahina pa rin siya. Natatakot pa rin siya.

Sa nakalipas na mga taon ay nabuhay pa rin siya sa takot. Takot na isang araw magising pa rin siya sa bangungot ng nakaraan niya. Unti-unting lumuluwag ang paghinga niya hanggang sa naramdaman niya na tila nanlalambot ang mga tuhod niya.

"I got you," sabi ng lalaking sumalo sa kanya.

Nang unti-unti maging malinaw sa paningin niya ang lahat ng nasa paligid niya. Doon niya napagtanto kung sino ang lalaking umalalay sa kanya.

"ER?" mahina niyang sabi.

Ang maaliwalas nitong mukha na may pag aalala ang bumungad sa kanya. "It's me. You'll be fine. I'm here."

Kusa siyang yumakap dito at napahagulgol na ng pag iyak. Hinayaan niyang makulong siya sa mga bisig nito at ibuhos ang lahat ng emosyon naiwan sa pagkatao niya. Lahat ng takot at pangamba ay isinantabi niya. Dahil gusto niya ang pakiramdam na pinoprotektahan siya at ang damdamin niya.

"I'm losing this game," she only said. Nararamdaman niya na natatalo siya ng takot niya sa pakikipaglaro niya sa nakaraan na kahit kailan ay hindi niya makalimutan.

"You can do it, Russ. Things might not be easy but I know you can. Just stay strong."

Hinayaan lang niya ang sarili na yakap nito hanggang sa maramdaman niya na inaalalayan na siya nito palayo doon. He let him take her, away to all the memories that caused her so much pain.

Limbo: Diaval's Inferno I: SATAN ROUXWhere stories live. Discover now