CAPUT NOVEM

660 42 18
                                    

CAPUT NOVEM

"Hayop ka!"

Russel couldn't help to release her anger and a sudden burst of emotion that built inside her chest. Sinugod niya ito at hindi napigilan ang sarili na padapuin ang mga kamao dito. Takot na siya pero mas nangingibabaw ang galit na nadarama niya. Galit na unti unting pumapatay sa kanya at patuloy na nagpapahirap ng kalooban niya.

"Russ!"

Mabilis nitong pinigilan ang mga braso niya at saka siya tinitigan. Ang mukha nito ay basing basa niya ang pagmamakaawa. Pero hindi niya iyon nararamdaman.

"Hayop ka! Bakit buhay ka pa? bakit ka nandito?"

Pilit niyang binabawi ang braso niya na ahwak nito at nilalabanann ang lakas nito. "Russ, please calm down. I am trying to reach you. Ang tagal kong naghanap ng tiyempo kung kailan kita pwedeng malapitan---."

"N-Nasa paligid ka lang?" Ulit niya sa isip.

Noon niya naisip ang mga pagkakataong napuuna niya na tila palaging may nakasunod sa kanya. Mga pagkakataong tila palaging may nagmamanman at nagbabantay sa mga bawat kilos niya.

"I search for you everywhere, Russ. I wanted you to forgive me."

Mangha niya itong tinitigan. "I trusted you. Sobra sobrang tiwala ang binigay ko sayo. But who are you to beg for my forgiveness?"

"Russ I've been in hell and---."

"Dahil doon ka naman nababagay, Lucifer." Tila may mapait na likido ang kanyang dila nang bigkasin niya ang pangalan nito.

Hindi pa rin niya makalimutan ang araw na muntikan na siya nitong pagsamantalahan. Ang araw na sumira sa buong pagkatao niya.

May lagnat si Nikko nang umagang iyon. Ang sabi ng Pedia ay dala lamang daw ng bakuna nito. Dalawang buwan na mula nang makabalik si Russel sa pag aaral. Nasa unang taon siya kursong Business Management. Mapalad pa rin siya sapagkat sinuportahan pa rin ni Manang Filipa ang pag aaral niya sa kabila nang pagkakaraoon niya ng anak. Hindi naman niya pinagsisihan na maaga siyang nabuntis. Si Nikko ang pinakamagandang pangyayari na dumating sa buhay niya.

"Hindi pala uuwi si Satan ngayon." Narinig ni Russel na sabi ni Manang Filipa sa isang kasambahay. Ipinapaayos kasi nito ang silid ng binata.

Hindi nagsabi si Satan sa kanya. Kagabi lang ay mag kausap pa silang dalawa dahil nag aalala ito sa kalagayan ng anak nila. Oo at naninirahan sila sa iisang bubong pero magkabukod sila ng silid. Ang sabi ni Manang Filipa ay magpakasal sila sa pagtungtong niya ng disiotso. Mahal niya si Satan at mahal din naman siya ng binata. Hindi niya pinagsisihan na pinagkaloob niya ang sarili dito noong mismong kaarawan niya. Hindi niya pinagsisihan na isinuko niya ang sarili dito.

Pumasok siya sa nursery room kasama si Nikko. Nakatulog ang sanggol matapos nitong dumede sa kanya. Ang sabi ng Pedia ay mainam daw na ibreastfeed niya si Nikko. Ibinaba niya sa crib ang sanggol at saka tinitigan ito. Kusang umawang ang labi niya at ngumiti. Nakuha ni Nikko ang kulay ng mga mata ni Satan. Maging ang buhok at ilong nito. Hindi nga niya alam kung may nakuha ba ang anak niya sa kanya.

Inayos niya ang pagkakahiga ni Nikko at saka ito iniwan sandali. May yaya na itinalaga si Satan para kay Nikko lalo na kapag nasa eskwela siya. Ayaw sana niya ngunit naaawa naman siya sa nanay Filipa niya kung ito pa ang mag aalaga kay Nikko gayong may katandaan an ito. Pumasok siya sandali sa silid ni Satan para kunin ang ilang naiwang gamit doon ni Nikko sa tuwing doon sila natutulog na mag ina. Pumasok siya sa banyo at inayos na rin ang maruruming damit ni Satan.

Abala siya s apaglalagay ng mga nagkalat na damit sa basket nang marinig niya ang pagbukas at sara ng pinto. Inisip niya na baka isa sa mga kasambahay kaya nagpatuloy siya sa ginagawa. Hanggang sa naramdaman niya ang presensya ng tao sa likuran niya at ang pagpalibot ng mga braso sa baywang niya. Russel thought it was Satan but it's too late to realized that Satan wasn't home and he advised the maids na hindin siya uuwi.

Limbo: Diaval's Inferno I: SATAN ROUXWhere stories live. Discover now