CAP-OCTAUO-

656 37 22
                                    

CAP-OCTAUO-

"Hey, you!"

Okupado ang isip ni Russel. Halos hindi na siya nakatulog ng maayos kagabi hanggang kaninang umaga dahil sa nakita niya. Kinailangan pa niyang bantayan kung anong oras aalis ang Range rover na nakaparada sa tapat ng apartment unit niya. Para lang malaman niya kung sino nga ba ang nakatira sa katapat niyang bahay. At kung tama nga ang kutob at hinala niya.

Naramdaman ni Russel ang presensya ni Perci sa harapan niya habang hawak niya ang vacumm .

"Do you need anything?" tanong niya sa bata.

Tumaas ang isang kilay ni Perci sa kanya. "I was calling you twice and you are not responding."

Ngumiti lang siya ng bahagya dito. "I'm sorry. I didn't hear you."

Perci just rolled his eyes. "Whatever."

Hindi niya alam kung saan kaya possible nagmana ng kamaldituhan ang batang nasa harapan niya ngayon. Ang sabi sa kanya ni Cael ay mag eeleven years old na daw sa susunod na buwan si Perci. Iniisip niya nab aka nagmana ito mismo sa ama.

"Can you come with me?" Tanong na muli ni Perci sa kanya.

"Where? Did Cael told you not to leave this house?" Nagbilin sa kanya si Cael kanina bago siya iniwan sa guest house na wag hahayaang makalabas ang bata.

"I'm bored here. I wanna talk to dad. I wanna go back to Manila." Sabi ni Perci.

Natigilan siya. Tama nga ba ang narinig niya? Did Perci mentioned Manila?

"Did you said M-Manila?" ulit niya.

Bakas sa mukha ni Perci ang pagkalito sa kanya. "Yes. And why?"

Umiling lang siya. "What will you do in Manila?" Curious na tanong niya.

"Of course, We're living there." Supladong saad nito.

So maybe Perci's mom is a Filipina. "Is your mom in there?"

Kumunot na ang noo sa kanya ni Perci. Perci has a same eyes just like his father. His hair too and lips. But definitely not his nose. Matangos ang ilong nito pero hindi kasing tangos ng kay Mr. ER.

"Why you asking so many questions?" Imbes na mainis sa pagiging suplado ni Perci sa kanya ay natatawa nalang siya. Ang cute pa rin nito kahit nakataas ang kilay sa kanya at salubong ang noo nito.

"Is it wrong to ask?" nangingiti na tanong niya.

"You are just like my nanny in the Philippines. She always smiles like an idiot. Whenever I talk to her she always smiles like this." Perci re-enacts what he was talking about. How his nanny smiled every time he talks. Gusto niyang mahagalpak ng tawa. Kuhang kuha nito ang hitsura ng mga natural na yaya sa tuwing naaburido sa mga alaga nila.

"Well, your nanny is funny indeed."

"She is not. She's annoying and disgusting. I saw how she prepares my food. Every time she prepares my hot choco. She'll dip her one finger on it." Perci sounded so annoyed.

Pamilyar siya sa ganoon. Nakikita niya ang ma ganoong bagay noon. It's their way how to test the coffee or milk. If it is too hot or not. Pero pangit ang ganoong manner. Kahit sino naman ay hindi matutuwa.

Tinignan muli siya ni Perci. "Are you going to come with me or not?"

Napaka bossy at dominante nito. Nalulungkot siya na hindi ito napagtuaan marahil ng sapat na atensyon para madisiplina. Kung siya marahil ang nanay nito ay hindi siya makakapayag na ganoon na lamang ito magsalita s aibang tao. Lalo na sa mga nakakatanda dito.

Limbo: Diaval's Inferno I: SATAN ROUXWhere stories live. Discover now