CAPUT SEDECIM

698 35 26
                                    

CAPUT SEDECIM

Mariing ipinikit ni Russel ang mga mata habang natulo pa rin ang mga luha niya at nanginginig ang buong kalamnan niya. If he will going to kill her wala na siyang magagawa pa. sino ang makakarinig sa kanya sa lugar na iyon kung hindi mga ibong humuhuni lamang sa umaga. Mas lalo pa niyang pinikit ang mga mata nang maramdaman niya ang paglapit nito.

"N-No..." Hindi na niya alam kung paano niya pa iiwas ang sarili dito.

The moment ER touches her chin. Doon lumakas lalo ang kaba niya at ang takot sa dibdib niya. Wala itong pinagkaiba sa lahat ng lalaking mananamantala. Wala itong pinagkaiba sa lahat. Naramdaman niya ang daliri nitong humaplos sa pisngi niya maya maya'y may malambot na tela na ang lumapat sa magkabila niyang pisngi.

At nang dahan dahan siyang magmulat ng mga mata ay nakita niya ang pinipigil na pagtawa ni ER. Pagkatapos ay narealized niyang pinahiran nito ang mga luha niya.

"P-Panyo ang kinuha mo?" Ang nasa isip niya kanina ay kutsilyo o kaya naman baril ang nakasuksok sa baywang nito.

Bumunghalit ito ng tawa. "If you could only seen your face. Grabe sobrang nakakatawa ka. Ano ba sa akala mo ang gagawin ko sayo dito sa loob ng sasakyan at sa gitna ng kalsada?" tila aliw na aliw na tanong nito.

Patuloy ito sa pagpunas ng mga luha niya. "Good time lang 'yon?" tanong niya.

Nginisian siya nito saka dahan dahan tumango and he showed his fingers and form a peace sign. "Perci's watching some kind of prank like that on internet last night. Well, It's perci's idea to prank you. At hindi ko naman alam na sobrang matatakutin ka. You really think na may gagawin akong masama sayo and take note, you never noticed those houses." Sabay turo nito sa magkakasunod na puno kung saan may mga nakatayong bahay.

Naiinis siya dito. At damang dama pa rin niya ang kaba. "Wag kang tumawa. Hindi nakakatawa." Pikon na sabi niya.

Inagaw niya dito ang panyo at pinunasan ang mukha. Nagmukha tuloy siyang zombie na nawalan ng kulay dahil sa pinaggagawa ng lalaking ito.

"Hey, I'm sorry." Lumambot ang ekspresyon nito at nawala ang malakas na pagtawa pero hindi parin nito itinago ang pagpipigil ng ngiti.

Tinignan niya ito ng matalim bago umirap. "Ang sama ng ugali mo."

Narinig na naman niya ang malakas na pagtawa nito. "Prank lang masama na agad ang ugali? I already apologized right? Patawarin mo na ako."

ER sounds like a baby while saying those words.

"Hindi kasi nakakatuwa. Paano kung may sakit pala ako sa puso?" galit na tanong niya. Hanggang ngayon ay naalala pa rin niya ang takot niya kanina.

Hinawakan ni ER ang braso niya. "Edi gagamutin ko."

Umikot lang ang mga mata niya dahil sa sinabi nito. Hindi niya alam pero bakit pakiramdam niya ay nagpapalipad hangin ito sa kanya?

"Ewan ko sayo." Tumingin nalang siya sa labas. "Saan ba kasi tayo pupunta?"

Dahil sa tanong niyang iyon. ER started the engine again. "It's a surprise. Alam ko na magugustuhan mo ang pupuntahan natin." Sabi nito na sinabayan pa ng pagkindat.

"Wala nang prank ha." Babala niya.

Nilingon siya ni ER. "I promise." Sabay ngisi ulit sa kanya.

Nagpatuloy ang biyahe nila hanggang sa nawala na ang matalahib na kalsada at tumambad na sa kanya ang daang may mga matataas na puno ng mahoghany sa daan. May mangilan ngilan na tao din silang nadaanang naglalakad. ER rolled down the window.

"Maayong buntag, Manong!" Magandang umaga. Bati nito sa lalaking may pasang kopra.

"Maayong buntag kanimo usab, anak." Ganting pagbati din ng matandang lalaki. "Dadalaw ka ba ngayon sa Damgo?"

Limbo: Diaval's Inferno I: SATAN ROUXWo Geschichten leben. Entdecke jetzt