CAPUT PRIMUM

1.1K 53 8
                                    

A/N: CAPUT PRIMUM is Latin words mean CHAPTER ONE.

--------------------

CAPUT PRIMUM

Russel rolled down the blinds bago tumingin sa relong pambisig niya. Alas tres na ng hapon, maya maya lamang ay makakauwi na siya. She had cleaned three guesthouse today. Matapos maibaba ang blinds ng floor-to-ceiling na bintana ay saka naman siya napasandal sa pader. She slowly closes her eyes. Inaantok na siya. Nahirapan na naman siyang matulog kagabi. And just like the other night, parang bumabalik na naman ang anxiety niya. Iyon nga ba talaga o ang bangungot niya? 

 Ikinilig niya ang ulo at saka nagmulat muli ng mga mata. Sa tapat niya ay isang open-terrace na kita ang malaking lawn. May malamig na hanging pumapasok doon. It's cold and windy today. Bumagsak ng nine degrees ang temperatura sa buong Selfoss. Isang bayan sa Iceland. 

 Agad na isinara ni Russel ang nakasiwang na glass door. But before she finally closed it. Nahagip ng mga mata niya ang bulto ng taong nakatayo sa kabilang guesthouse. Pinakatitigan niya iyon. She could hardly determined whether it's a man or a woman. Makapal ang suot niyong winter jacket at may suot ding bonnet. Nasa loob iyon ng guesthouse kung saan siya galing kanina. Wala siyang natatandaan na may occupant na dumating kanina at wala rin siyang napansin na may dumating miski isang staff na gaya niya.

 Nagkibit balikat na lamang siya. Baka may tenant na dumating. Iceland is an island, a European country, located midway between North America and mainland Europe. It lies just below the Arctic Circle between 64 and 66 degrees north. The capital is Reykjavik. It is the northernmost capital in the world and is located exactly halfway between New York and Moscow. It's been eleven years when she decided to stay here. Noong una ay mahirap. Wala siyang alam sa paligid niya at lalong hindi niya kabisado ang lugar. But through the help of some Filipinos working here in this foreign country ay unti-unti siyang nakapag adjust.

 Aaminin niya, she found a peace of mind here in Selfoss. Bagay na hindi niya natagpuan noon sa pilipinas. Tuluyan niyang isinara ang glass door. Tatalikod na siya nang matanawan niya muli ang bulto nang tao s akabilang guesthouse. This time, she can clearly see its eyes. Tila siya natulos sa kinatatayuan. A deep brown eyes that penetrates her being. Mga matang sanay na sanay siyang tumititig sa kanya noon. Mga matang palaging nakamata sa kanya saan man sulok ng lugar noon. Ang mga matang may nagbabagang mga apoy. 

  "Imposible..." Bulong niya sa sarili. 

 Matagal nang wala iyon. Matagal nang hindi nakikita at nasisilayan. Kaya paanong makakakita siya ng ganoon na ganoong mga mata? Isang malaking kalokohan kung pipilitin niyang isipin na maaring mabuhay ang isang patay. 

 "Patay na siya..." Bulong muli niya.

 Dali dali na siyang tumalikod at saka lumabas ng guesthouse. Babalik na siya sa admistration building upang makapagbundee clock na siya at makauwi. Dahil marahil sa mga nagdaang gabing puyat siya ay kung ano anon a lamang ang mga nakikita niya. Mga bagay na wala naman nang katuturan at hindi a dapat niya inaabala ang sarili para isipin ang mga iyon. 

 "Ertu ao fara heim nuna?" Are you going home now. Tanong ng kasamahan niya sa trabaho sa salitang Icelandic. 

 Tumango siya agad. "Ja."

Nginitian na lamang sya ng katrabaho niya at saka siya iniwan. Mabilis niyang kinuha ang bag niya at saka inayos ang suot na winter coat. Pagkatapos ay lumabas ng building at nilapitan ang bike niya. She always bikes all the way from her place up to here at Heima er best (Home sweet home) guesthouse.

Limbo: Diaval's Inferno I: SATAN ROUXWhere stories live. Discover now