CAPUT QUATTUOR

628 34 4
                                    

CAPUT QUATTUOR

Damang dama ni Russel ang mahigpit na kamay na humaklit sa braso niya halos bumaon na ang mga kuko doon.

"N-Nasasaktan na ako." Daing niya.

Ngunit ang mga nagbabaga lamang nitong mga mata ang sumalubong sa kanya. "Talagang masasaktan ka kung patuloy kang magsisinungaling sa akin."

Satan voice was cold as ice na kabaliktaran naman ng mga apoy na lumalabas sa mga mata nito.

"H-Hindi ako nagsisinungaling sayo! S-Sinubukan niya akong p-pagsamantalahan at iyon ang tagpong nakita mo." Hindi kayang itago ni Russel ang takot sa tinig niya habang inaalala niya ang naganap kaninang umaga.

Ipinikit niya ang mga mata trying hard to wash off everything. Pero nagkamali siya, hindi mawala sa isip niya. "You lying scheming bitch!"

Halos hindi makagalaw si Russel nang ibalya siya ni Satan sa pader at tumama ang tuhod niya sa gilid ng lamesa at saka muling hinaklit ni Satan ang braso niya. Hindi na niya nakayang itago ang luhang sunod sunod na umalpas sa mga mata niya. Bakit tila sa loob lamang ng isang buong maghapon ay maraming nagbago? Nasaan na ang Satan na kahit anak ng diablo ay nangako sa kanya na hindi siya sasaktan ano man ang mangyari? Nasaan na ang Satan na palaging nagpapaalala sa kanya na isa siyang makinang na bituin sa madilim nitong kalangitan? Bakit naglaho na?

Takot na umiyak siya at pilit na kumakawala dito. "Answer me, ilang beses niyo akong ginago?"

Ang matalim nitong mata na halos saksakin na siya ng paulit ulit ay nasamahan pa ng mga nakakapasong apoy na mula doon. "W-Wala... M-Mali ang iniiisip mo. Siya ang muntik nang manamantala saakin kani---."

Sa kauna unahang pagkakataon ay naramdaman ni Russel ang halos pagtabingi ng mukha niya sa lakas ng sampal nito sa kanya. Sampal na yumanig sa impyernong kinalalagakan niya. "I saw it with my eyes pero bakit paulit ulit mong itinatanggi?" galit na hiyaw nito sa kanya.

Hindi na niya kaya. Nanghihina na ang buong katawan at kaluluwa niya. Bakit hirap na hirap itong paniwalaan siya? Bakit hirap na hirap itong makita ang katotohanan sa bawat salita niya? Bakit hindi nito matanggap na ang kapatid nitong si Lucifer ay tinangka siyang halayin?

Nanginig ang katawan niya sa alaalang iyon. Kung paano lumapat ang mga kamay ni Lucifer sa balat niya at kung paano nito nagawang punitin ang kasuotan niya. At kung paanong umalpas ang bawat luha sa mga mata niya. Bakit hindi mapaniwalaan ni Satan ang isang katotohanan na alam na alam niyang totoo?

"Lalayas ka ngayon din at wala kang dadalhin miski ano man." Hinawakan ni Satan ang buhok niya. Namanhid na ang anit niya dahil hindi na niya madama ang hapdi at sakit doon. Ang tangi na lamang niyang nadarama ay ang apoy na bumabalot na sa paligid niya at unti unti ay sinusunog na ang kaluluwa niya at magiging abo na.

Nang magpatuloy si Satan sa paghila sa kanya palabas ng silid ay tila may tinig ng isang anghel ang ipinadala ng kalangitan sa impyerno upang iligtas siya.

Nikko...

Ang anak niya. Naririnig niya ang pag iyak ni Nikko mula sa kabilang silid. Tila nadama ng sanggol niyang anak ang nagaganap sa pagitan nila ng demonyo nitong ama na ngayon ay lumalabas na ang sungay at buntot. Aalis siya s alugar na iyon at determinado siyang makakalayong kasama ang anak niya.

Nahinto sila sa bukana ng hagdan nang lingunin ni Satan ang silid kung saan nila parehong naririnig ang iyak ng kanilang sanggol. "S-Si Nikko." Akma siyang babangon nang bitiwan siya ni Satan at mabilis siyang iniwan sa bukana ng hagdan at malalaki ang hakbang na pumasok sa silid kung nasaan si Nikko. Kahit masasakit ang braso at mga binti niya ay nagawa pa rin niyang tumayo at lumakad upang sundan si Satan. Hindi siya makakapayag na ilayo ni Satan sa kanya si Nikko.

Ngunit huli na. bago pa man makalapit si Russel sa pinto ay lumabas na doon si Satan, karga si Nikko.

"A-Akina ang anak ko." Mariin niyang sabi kahit pa ang takot sa kalooban niya ay tila yelong namuo sa lalamunan niya.

"He's my son. Not yours." Mapanganib na sagot ni Satan sa kanya.

Tuluyan na nang nawala ang pinakamahinahon at malambing na lalaking nakilala niya.

Umiling iling siya. "H-Hindi. Sa akin dapat siya. Ako ang nanay niya---."

"Not anymore, Slut." Pinilit ni Russel na humakbang papalapit dito ngunit humakbang palampas sa kanya si Satan at saka mabilis na bumaba ng hagdan.

"Satan!" Iika ikang inihakbang niya ang mga paa sa hagdan at pinilit itong hinabol. Nakita niya ang paglapit ng isang kasambahay kay Satan at saka inabot doon ni Satan si Nikko na kalaunan ay tumahan na.

"Take him to the library. Lock the door at wag kayong lalabas. Susunod ako sa inyo." Narinig niyang utos ni Satan sa kawaksi.

Nakita niya ang patango ng babae at ang pag iwas ng mga mata nito sa kanya. "Wag niyong ilayo sa akin ang anak ko. I balik niyo si Nikko sa akin!"

Ngunit hindi na narinig ng kawaksi ang pagtawag niya at mabilis na nitong inilayo si Nikko. Hahabol pa siya nang maramdaman niya muli ang tila bakal na kamay ni Satan na humaklit sa braso niya. "You can't have my son. Aalis ka sa bahay na ito at maglalaho na parang bula."

"Isa ka ngang d-demonyo!" angil niya dito. Pinagsisihan niya ang bawat minutong sinayang niya dahil sa pag ibig na akala niya'y totoo.

Isang ngisin nakakademonyo lamang ang isinukli ni Satan sa kanya. "You made me like this. Puella." Sarkastikong sabi lamang nito.

Ang noon ay pagkatamis tamis na tawag nito sa kanya ay tila isa na lamang nakakasukang salita na nakakabaliktad ng sikmura.

"M-Masaya ka ba sa ganito?" Puno ng hinanakit na tanong niya.

Satan just looks at her differently. Hindi na kagaya ng noon na kapag tinitigan siya nito ay tila siya isang babasaging porselana. "Yes." Deretsong sagot nito.

Hindi na siya nakapagsalita nang hilahin na siya nito palabas ng bahay at itaboy na tila siya isang asong may nakakadiring mga galis sa katawan. Nang sumadsad siya sa lupa ay doon niya naisip na nakalabas nga siya sa lungga ng mga demonyo ngunit mananatili pa rin siya sa impyerno dahil nasa loob niyon ang anak niya at hawak nito.

"Nakakaawa ka." Dumura siya sa lupa bago tinitigan ito na puno ng galit sa kanyang mga mata. "Kailangan mo pang manakit ng iba para lang masabi mo sa sarili mong masaya ka. Ikaw na ang pinakanakakaawang anak ng diyablong nakilala ko." Nasusuklam siya dito. At labis labis ang nadarama niyang kasuklaman sa puso niya na ang kahit kabutihang natutunan niya mula sa mga taong totoong nagmahal sa kanya ay tila unti unti na ring nagiging abo.

Malamig lamang siyang tinignan ni Satan bago siya tuluyang tinalikuran at iniwan. Lumakad ito papasok sa loob ng bahay at kasabay nang pagsara ng pinto ay ang malakas na pagsabog bago ang usok na bumara sa lalamunan niya at kasunod ang apoy na tila bulkan sa impyerno.

Ang nanlalaking mga mata ni Russel ay tila luluwa sa magkahalong gulat at takot na nadama niya. Iisang pangalan lamang ang namutawi sa labi niya mula sa nagbabagang tahanang iyon.

"N-Nikko!"

Nasa loob ng nasusunog na bahay ang anak niya. At nasusunog din sa loob ang ama nito na---anak ng diablo.

Si Satanas.

Mainit. Tinutupok ng init si Russel. Bago pa tuluyang mapatid ang hininga niya ay bumalikwas na siya ng bangon.

"Anak ko!"

Kasunod ng bangungot na iyon ay ang sunod sunod niyang pag iyak. Nikko...

Limbo: Diaval's Inferno I: SATAN ROUXWhere stories live. Discover now