CAPUT TERTIUM

775 35 2
                                    

A/N: Alam ko na medyo matagal bago ako magupdate. Pagpasensyahan niyo po sana ako. Nagiging abala lamang po ako nitong mga nakakaraang araw. Walang pagkakataong makapagsulat. Salamat po. Hope you can all still enjoy this chapter.

---------

CAPUT TERTIUM

"Uuwi ka na ba?"

Russel looked at her side at nakita niya si Racky na may hawak na tasang may laman na mainit na tsaa. She slowly nods her head. "Duty ko bukas eh." Aniya sa kaibigan.

"Nag usap kami ni Magnus. Sabi niya bakit hindi ka nalang daw ulit bumalik dito. Malaki naman itong bahay. At tatatlo lang naman kami. Si Stejpan naman ay batang bata pa." Mungkahi nito.

Russel knows about it. Kanina habang kumakain sila, Magnus simply brought up the topic. About her, moving back to their house na mariin muli niyang tinanggihan. May apartment naman na tinutuluyan na siya and it's already enough for her.

"Napakagenerous ng pamilya mo at ayoko naman na samantalahin iyon. At saka isa pa, maayos naman ako sa apartment ko." Sagot niya.

"Don't get us wrong. Mabuti na kahit paano makatipid ka. Para naman ng sa ganoon makaipon ka sakaling maisip mong bumalik ng pilipinas." Sagot ni Racky sa kanya.

"Na hindi na mangyayari." Mabilis niyang tugon. "Matagal ko nang tinalikuran amg lugar na iyon. Masaya na ako kung nasaan ako ngayon."

Nakita niya ang pagbugtong hininga ni Racky. "How about your real family? Wala ka bang balak hanapin man lang sila?"

Pagak siyang natawa. "Hanapin? Bakit pa? At saka kung hahanapin ko man sila saan ako magsisimula? Eh miski mukha nga nila hindi ko alam."

Natahimik ang kaibigan niya dahil sa naging tugon niya dito. Matagal na niyang natanggap na wala na siyang babalikan sa pilipinas. At wala na rin naman siyang balak na bumalik pa.

"I know it's still hurt, Sel. Pero hindi kaya na mas magheheal ka kung haharapin mo ang takot mo?" Dumeretso ang tingin ni Russel sa labas ng bahay at tinanaw ang ilang karatig bahay na malapit sa kanila.

Hindi siya nakaimik agad. How can she deny that there's still nights na dinadalaw siya ng maraming panaginip niya na hanggang ngayon ay binbuhay pa rin ang mga takot sa puso niya. Mga takot na hindi niya alam kung bakit nauulit at bumabalik palagi.

"I'm okay now, Racky. Sa haba ng panahong inilagi ko na sa bansang ito. Naghilom na ang lahat ng sugat." Pagsisinungaling niya. The only truth is, wala pang kahit isang sugat ang naghihilom.

"Naghilom na nga ba talaga? O hanggang ngayon ay makirot pa rin?" Nasapol ni Racky ang laman ng isipan at puso niya. Talaga nga yatang hindi na siya makakapagsinungaling dito.

"C-Can we do not talk about it again, please?" aniya. Tumango naman si Racky.

"I'm sorry. Concerned lang kami ni Magnus sayo. At sana maintindihan mo rin iyon." Tumango din siya.

Russel is so thankful na nakilala niya ang mga ito na kahit hindi niya kadugo ay ang turing sa kanya ay higit pa sa isang kapamilya. "Thank you sa lahat lahat. Alam ko na hindi sapat ang salitang thank you lang. pero gusto kong sabihin sa iyo na okay lang ako. I survived before. Kaya ko ulit ngayon."

Tinapik siya ni Racky. "Alam ko. Iba ka na ngayon. Matapang at malakas."

"Salamat." Ngumiti siya dito. Racky gently tapped her shoulder again bago siya muling niyakap.

Bumitaw lang siya dito nang makita niya sa pintuan ang asawa nito. Despite Magnus older age ay mukha pa rin itong bata sa hitsura nito. His grey-black hair with eyeglasses and beard ay nagmumukha itong nasa kwarenta lamang ang edad. And no one would say that he is already at sixty.

"Vertu her I kvold." Stay here for tonight sabi ni Magnus.

Nginitian lamang niya ito matapos nitong umakbay kay Racky. "Nei takk, But I still have some laundry tonight." No thanks sagot niya dito na dinugsungan na lamang niya.

"Are you sure? Stejpan will ask for you tomorrow." Alam ni Magnus kung gaano kalapit si Stejpan sa kanya.

Tumango siya. She immediately looks at her wristwatch and checks the time. "I think I'll go now." Paalam niya.

Wala nang nagawa si Racky kaya tinanguan na lamang siya nito bago humalik sa pisngi niya. Kumaway naman si Magnus sa kanya at hinatid na lamang siya ng tanaw ng mag asawa. Pagkabalik sa apartment niya ay di na niya natanaw si Racky at Magnus. Papasok na siya sa loob ng bahay niya nang may pumaradang 4x4 Range rover sa kabilang kalye sa tapat ng apartment niya. Huminto iyon at saka may bumabang lalaki mula sa driver's seat at sinusian ang bahay na nasa tapat niya.

It's a Mexican vacation house that inspired by Padersen Residence, the most beautiful house in Iceland.Matagal nang For sale ang five-bedroom house na iyon. Kaya may nadama siyang gulat na may tao na palang nakatira doon ngayon. Ang Scheving Family ay matagal nang naninirahan ngayon sa US. Ang dating may ari ng vacation house na iyon. Kaya di niya lubos akalain na sa matagal na tinakbo ng panahon ay sa wakas may nakabili na ng bahay na iyon.

 Kaya di niya lubos akalain na sa matagal na tinakbo ng panahon ay sa wakas may nakabili na ng bahay na iyon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Natanaw pa niya ang pagpasok ng lalaki sa loob ng bahay at ang pagsara ng pintuan niyon. Ipinagkibit na lamang niya iyon ng balikat at saka pumasok din sa apartment niya. Mabilis niyang isinara ang pinto at saka umupo sa gilid ng kama. Inikot muna niya ang tingin sa loob ng apartment. Ang balak niyang paglalaba ng mga marurumi niyang damit ay mukhang katatamaran na muli niya lalo pa nang lumapat na ang likod niya sa kama. Bumangon lamang siya upang hawiin pasara ang kurtina ngunit agad niyang napuna ang bulto ng lalaking pumasok sa loob ng bahay sa tapat niya. Her eyes filled with curiousity as she followed his shadow. Maliwanag ang kabahayanan kaya natatanaw niya ang galaw doon. The house has clear glass windows sa front and even at the sides. It's in the corner lot kaya maganda na lokasyon. Nakita niya ang lalaki na tumayo sa tapat ng isang bintana habang nakatapat sa taenga nito ang cellphone at humihithit ng sigarilyo. From his side ay nabibisitahan niya ang hitsura nito. He looks like a foreigner. Well siya man ay foreigner din. But the guy doesn't look like an Icelander. Nasundan niya ng tingin ang pagbuga nito ng usok at ang bahagyang pagsuklay nito sa buhok nito gamit lamang ang mga daliri.

She can also feel his frustration. Umiling na lamang siya at saka akmang tatalikod na nang mapuna niya ang biglang paglingon ng lalaki. And she even saw how his brows twisted together from a distance. His lips pursed as he scanned the front of the house. Hindi siya sigurado kung nakita nga ba siya nito kaya mabilis na lamang niyang isinara ang kurtina at tuluyan nang inilapat ang likod sa kama.

"Para kang tanga." Aniya sa sarili. Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng kaba nang isipin baka nakita ng lalaki sa bintana na minamasdan niya ito.

It's not like, na para bang unang beses niyang nakakita ng mga ganoong klaseng hitsura ng lalaki. Magagandang lalalki din naman ang mga Icelander. You can actually imagine the looks of Chris Hemsworth as he played the role of Thor. His masculinity looks, jawline, eyes, nose, beard and mustache. Ganoon na ganoon ang natatanaw niyang hitsura ng lalaki sa bintana. And it's crazy to think about it when in fact, walang dahilan.

Russel shut her eyes closed at sinikap na ibaling na iba ang isip. Ngunit ang pag alala niya sa usok na binuga ng bibig ng lalaki kanina mula sa sigarilyo nito ay tila naman mitsa na nagbalik sa kanya sa nagliliyab na alaala ng isang impyerno.

Nikko...

Limbo: Diaval's Inferno I: SATAN ROUXWhere stories live. Discover now