CAPITULUM VICESIMUM

119 5 2
                                    


Hindi gusto ni Russel na ipahalata na excited siya but she indeed excited for her dinner date with ER. After they talked this afternoon, he messaged her to remind her about the dinner. Sinabi din nito na hihintayin siya nito sa lobby exactly seven o'clock ng gabi. At six thirty na ng gabi and she only got thirty minutes to get ready.

After she got out from the shower. She immediately, read Racky's message to her. Humingi siya ng tulong sa kaibigan kung paano magmukhang sa unang beses na makikipag date siya. Kanina habang magkausap sila ni Racky thru video call ay tawa ng tawa ang kaibigan niya sa kanya kasi daw, never siyang nakipagdate noong nasa Selfoss siya at ngayon daw ay ginagawa na niya. Racky even asked her what's the score between her and ER.

Para naman kilig na kilig ang kaibigan niya sa kanya dahil nagawa pa nitong umirit at sinabi na baka ito na daw ang chance niya for love. Aaminin niya na natatakot pa rin siya. After what she experienced with Satan, hindi niya alam kung handa na ba siya muli. Pero sinasabi ng utak niya na iba si ER. Iba ang pinararamdam nito sa kanya. ER made her feel that everything is smooth and nothing to fear about. He always made her feel that fear are for those people who never believes that prayer works. At unti-unti ay naniniwala siya dito. Hindi pa naghihilom ang iniwan sugat ng nakaraan pero nasisiguro niya sa tamang panahon ay unti-unti din iyong maghihilom.

Racky suggested her to wear a maxi dress. Kaya naman mabilis siyang naghalikwat sa mga gamit niya ay may nakita siyang white maxi dress. She wears it and then she paired it with a flat sandals. Humarap siya sa salamin, looking at her appearance gave her a surprise realization. Nakita niya doon sa harapan ng salamin ang isang babaing dati ay takot na takot pero nagagawa nang ngumiti ngayon. Hindi niya maiexplain but returning home in this country gave her another chance to move forward. To give it a one more try.

Pagkatapos ay sinipat niya na ang sarili. She seem that she balance the style and comfort of what she wears. Komportable siyang gumalaw at magaan ang suot niyang damit. She just realized today that dressing for an evening beach date can be somewhat challenging. Iniisip pa lang niya na ang mga lalaki na simple lang ang idea nila when it comes to dressing or finding an outfit for such a dinner, ay naiinggit na siya. Because men are known as a flexible one and easy to dress up. However, for women, selecting the perfect beach date outfit can be a tremendous challenge. Her thought was as long as she looks presentable, it's fine.

Ten minutes before seven in the evening when she decided to go down the lobby. Hindi niya gusto ang ideya na maghihintay si ER sa kanya. She grabbed her phone and her cute jacket just in case na lamigin siya habang nagdidinner sila. And then she left the room. She waited for the elevator, and stood in front of it.

Habang nakatayo siya doon ay napalinga siya sa tahimik na hallway. Her room was in the eleventh floor and the building has twenty-four floors including the penthouse that ER owned. Maganda at malinis ang hallway, carpeted din ang sahig at amoy na amoy niya ang mabangong air freshener na gamit nila. Same scent of their linens that every two days ay pinapalitan ng housekeeping nila.

Nang makasakay siya ng elevator matapos bumukas iyon ay may mga nakasabay pa siya. She waited at least five minutes before she finally reach the first floor. She stride out the elevator and then she checked her phone. Tinignan niya ang eksaktong oras at saka kung may message si ER sa kanya.

Tama nga ang hula niya. He sent her a message.

I'm at the pool area. Gotta wait you here.

Just the two sentences he sent pero kakaiba ang naging dating sa kanya. Nang sabihin ni ER sa kanya na gusto siya nito ay parang naging unlimited naman na ang pagsasayaw ng mga paru-paro sa tiyan niya. Napangiti na lang siya ng kusa. Pagkatapos ay tumingin na siya sa nilalakaran.

She was about to exit the lobby when she saw a familiar stares. Na tila ba may nagmamasid sa kanya. Agad niyang iginala ang paningin and the she saw a man leaving the lobby and headed to the elevator. Kumunot ang noo niya, pilit niyang inaalala sa utak kung saan ba niya posibleng nakita ang lalaki. The man was probably in mid-seventies.

Nang mapansin ng lalaki na nakatitig siya ay mabilis itong tumalikod sa gawi niya. Siya naman ay marahan lumakad papalapit sa direksyon nito. Pero mabilis itong nakasakay sa elevator. Pero bago tuluyan sumara ang elevator ay muling nagtama ang mga mata nila. At pagkatapos natuptop niya ang bibig nang maalala sa wakas kung saan niya ito huling nakita.

"Sa Diaval's inferno mansion... Si Sir Gabriel buhay siya!"

Para siyang baliw na kinakausap ang sarili nang mapagtanto niya kung sino ang lalaking iyon. Hindi siya maaaring magkamali. Matalas ang memorya niya sa ganoon bagay. Lumipas man ang maraming taon ay natatandaan niya ang hitsura nito kahit mas lalong umedad na ang mukha nito.

"N-Nandito siya?" pagkausap pa niya sa sarili.

Bigla ang saya na nararamdaman niya kanina ay nabantuan ng kaba at pagtataka. Paanong nandito si Gabriel sa Cebu gayon ang buong paniniwala niya ay umalis ito ng bansa pagkatapos nang naganap na trahedya. Trahedyang pumatay sa anak niya.

Nikko...

She missed her boy. She missed everything about Nikko. Kung may isang bagay siyang ipinagdadasal ay sana mapanaginipan niya ito. Makita niya man lang at mayakap kahit sa isang panaginip na. agad na may namuong luha sa mga mata niya pagkatapos ay mabilis siyang lumapit sa isang nakasarang elevator at ipinindot iyon. Susubukan niyang habulin si Gabriel.

"Ayaw mong maniwala na buhay si Satan?"

Nanginginig ang buong katawan na itinulak niya si Lucifer. "Patay na siya. Bakit ba gustong gusto mo pang buhayin ang isang patay na? Hindi mo ba talaga patatahimikin ang buhay ko ha?"

Pero hindi natinag si Lucifer. "Si Gabriel."

"Ano ang tungkol sa kanya?" Bigla ay nakuha nito ang interes niya.

"Si Gabriel ang nakakaalam ng katotohanan. Siya ang nakakaalam kung ano ang tunay na nangyari kay Satan." Deretsong saad ni Lucifer sa kanya.

"Sinungaling ka. Nakausap ko siya. Siya mismo ang nagkumpirma sa akin na patay na ang demonyo mong kapatid. Kaya paano mo nasasabing buhay siya?" gigil na sabi niya.

"Believe me, Russ. He is alive. Gabriel knew it and he probably know where he were today. I'm sorry kung sa tingin mo ginugulo ko lalo ang buhay mo dahil dito. Pero gusto ko lang malaman mo na buhay siya. Sa ganitong paraan man lang makabawi ako sa nagawa kong pagkakamali sa inyo."

Natigilan siya. "H-Hindi siya pwedeng mabuhay."

"He is alive. Satan is alive."

Nang tumunog ang elevator ay bumalik siya sa kasalukuyan. Iyon ang huling sinabi ni Lucifer sa kanya noong nasa Selfoss siya. Nanlamig ang katawan niya nang maisip na baka totoo ang sinabi ni Lucifer. Dahil kung narito sa Cebu si Gabriel, may posibilidad na narito din si Satan.

"Satan..." pagbanggit niya sa pangalan nito.

And just as she was ready to enter the elevator. Someone stood behind her.

"I'm here."

She began to sweat and shake as soon as she heard that. Enough to fill her with worry and dread.

Limbo: Diaval's Inferno I: SATAN ROUXWhere stories live. Discover now