ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 𝟸

56 29 0
                                    

Kyle

Bakit ba lahat ng mga magulang mo kapag tumuntong ka na ng trenta lahat gagawin para lang magkaruon ka lang ng sarili mong pamilya?

"Tapos gusto ko kulay dilaw ang wedding gown ko para magmukha talaga akong mayaman sa kasal natin, at hindi ako mapahiya sa mga dati kong kaklase pati sa mga kapitbahay namin" pagpapaliwanag ng babaeng nasa harapan ko ligawan ko daw sabi ng tatay ko dahil daw ang babaeng ito na si Neriza edukadang babae at mayaman yun lang.

Tumingin ako sa kanya hindi naman pangit maganda naman may dimple pa nga sa kaliwang pisngi niya eh, tapos straight ang buhok na may halong kulay brown. Sino'ng hindi mabibighani sa isang ito? Pero parang may kulang I don't know what it is pero yung ang feel ko may kulang sa kanya...

"Hello? May kausap pa ba ako?" pagkuha niya sa atensyon ko habang iwinagawayway niya ang kanyang kanang kamay.

"So saan mo gustong mamili?" tanong ko.

"Well" tigil niya at tipong nag-iisip

Napatingin ako sa labas ng bintana dahil human size naman na ikinapansin ko ang isang lalaki na medyo matangkad na nakatingin sa gawi namin, at napatingin siya sa iba dahil nakatingin ako sa kanya; doon lang bumalik ang tingin ko kay Neriza "Babe sino yung lalaki sa labas?" tanong ko sa kanya na may turo pa ng daliri ko na ka-agad niyang tiningnan.

Nakita ko sa reaksyon ng kanyang mukha ang pagkagutla sabay tayo niya "Walang hiya talaga, ano...pinsan ko yun babe" tugon niya sa tanong ko

"Pinsan? Akala ko ba sabi mo namatay na silang lahat sa sakuna last year?" paalalang tanong ko

"Maya na tayo usap babe" wika niya tsaka umalis hindi ko siya pinigilan o kung ano pang tanong para lang magstay siya.

Ilang segundo na nakikita ko silang nag-uusap ng pinsan niya daw nang yumanig ang selpon ko, kinuha ko mula sa kanang bulsa ng suot kong six packs na short na kulay dark blue ang selpong nagteks sa akin ang kuya ko...

Bunso, si Neriza pala ginagawa kang bangko kung ako saiyo umuwi ka na lang at may rekomenda ang ninang mo saiyo

Kaclose ko ang kuya ko kaya tumayo na ako tsaka lumabas mula sa restaurant na kinaroroonan namin kanina ni Neriza, nilagpasan ko silang magpinsan at hindi ko na siya pinansin kahit na tinatawag niya ako.


Lester

Naririto kami ng Ate Skylr ko sa itaas ng bubong ng bahay namin dahil noong bata pa kami mostly dito kami napunta kapag nag-aaway ang parents namin.

"Napakaseryoso nila Ma at Pa ukol sa kasal – kasal na yan" maktol ng ate ko tsaka siya humiga suot niya at hoodie na kulay puti na jacket ang style tapos nakapanjamang grey.

"Kailangan eh" ani ko na lang na hindi tumitingin sa kanya dahil kami lang ang may three story na bahay.

"Kaya ikaw Les" tigil niya tsaka siya bumangon muli at nakatingin sa akin.

"Sisiguraduhin mong mahal mo ang mapapangasawa mo hindi kung sino – sino ang mag – uudyok sa buhay mo" wika ni Ate Skylr sa akin na para siyang lasing na nagpapangaral dahil sa boses niya.

Medyo kulot sa dulo ang buhok ng ate ko na ikulay tim medyo singkit at manipis ang labi, maganda siya sa paningin ko malamang ate ko at panigurado akong suwerte ang mapapangasawa niya kaso...may sakit siya sakit na hindi sila magkaka-anak, kaya yun ang pinagtatalunan ng parents namin.

"Ako na lang sasabihin ko kina Ma at Pa" wika ko at nakatingin pa rin sa ate ko

Ngumiti siya na para bang nabunutan siya ng tinik sa lalamunan "Sure ka bunso?" ngiting tanong niya sa akin at halos may luha na sa kanyang parehang mata.

"Asawa lang naman ihh" ani ko kanya na ikinagutla ko pa nung sabay hampas niya sa kanang braso ko

"Timang ka!" hiyaw niya medyo nainis ang tono ng kanyang boses.

"Hindi biro ang pag-aasawa noh!" hiyaw niya at umiiling

"Wala naman akong alam sa pag-aasawa ihh" maktol kong sinabi at tumayo na kami pareha inalalayan ko siyang bumaba at nauna ako.

May hagdanan naman kami sa tagiliran kaya doon ang daanan namin pababa. Nakita kami ni Ma at rumaratrat na siya na pinapagalitan na niya kami.

"Ma ako na lang ang magpapakasal" wika ko na ikinatigil ng dalawa.

Medyo may katandaan na yung dalawa pero maganda pa rin ang nanay ko at malusog pa rin ang tatay ko dahil hindi mataba ang tiyan nito katulad ng mga tiyuhin ko.

"Eh anak sigurado ka ba?" tanong ng tatay ko sa akin na tumango ako tsaka ko sila binigyan ng ngiti

"Asawa lang naman yun eh" wika ko na si Ma naman ang humampas sa akin sa kaliwang braso ko

"Sira ka talagang bata ka! Hindi biro ang pag-aasawa!" hiyaw ni Ma na nasa likuran na pala namin ang tito na nakangiti na.

"Ako na bahala dyan, ate" wika ng tito ko matangkad pa ito sa akin at halos puti na ang lahat ng buhok pati balabas nitong mahaba at bigote. Tumango lang ang nanay ko at reaksyon ng tatay ko ay sumasang-ayon din sa sinabi ng tiyuhin namin ng ate ko. Pero medyo kabado ako sa sinabi niya; kahit para lang hindi na mamoblema ang ate ko bakit pa ako kakabahan?

Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒᴀɪxɢʜ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ

Tutor or SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon