ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 𝟿

33 18 0
                                    

Kinagabihan tulong – tulong kay Maria si Kyle simula sa pagluluto hanggang sa paghuhugas, hanggang sa naupo na siya sa tabi nila Gary at Lester na katapan niya ay si Ren.

Mayroong tig-iisang papel ang pitong lalaki at panulat na inihanda ni Maria na kung saan tumingin siya sa magkabilang panig at tumingin sa kanyang papel, nakasaad doon ang...

1. Kung makikita mo ang fiance mo na may kasamang lalaki, ano'ng gagawin mo?

"So eto tanong dyan nyo isulat yung sagot nyo sa papel" wika ni Maria at may isinulat sa kanyang papel na pangalawang tanong.

"Kung makikita mo ang fiance mo na may kasamang lalaki, ano'ng gagawin nyo?" tanong ni Maria at hindi na nagsulat si Jack nang sabihin na niya ang kanyang kasagutan na "Patayin silang pareha" at ikinatigil ni Maria sa pagsusulat sa kanyang sariling papel.

"Nag-iisip ka pa ba, hal?" tanong ni Maria sa kay Jack na walang imik ang anim habang seryoso ang mukha ng dalaga kay Jack.

"Malamang" tugon ni Jack sa tanong ni Maria na ikinapansin ni Raymond na medyo iba ang kilos ng kanyang pinsan.

"Paano kung ang fiance mo sa sitwasyon na yun mahina na parang tupa? At napipilitan siyang umarte ng normal dahil mayroon na palang sniper sa paligid at nakatutok sa ulo mo tapos ang sagot mo patayin silang pareha?" seryosong iritadong tonong tanong ni Maria kay Jack.

Natahimik si Jack na ikinatingin ng pinsan niyang si Raymond sa kanya at reaskyon niya'y nagutla at saya.

"Hindi ka nag-iisip, hal" ani na lamang ni Maria at natapos na niya ang ikalawang tanong sa kanyang sariling papel at tumingin kay Jack dahil katapatan naman niya ito.

"Nag-iisip ako" tugon muli ni Jack pero seryoso na ang boses nito na halos pablik – balik ang tingin ni Raymond sa pinsan

"Nag-iisip ka sa lagay na yun?" tanong pabalik ni Maria tsaka umiling "Hindi ka nag-iisip at halimaw ka lang" dagdag pa ng dalaga medyo napakunot ng saglitan ang noo ni Lester at halos nakatitig na siya kay Maria.

Tumayo si Jack na kinapitan agad siya ni Raymond sa kanang kamay "Pinsan" wika na lang ni Raymond at sa kanyang tono ng pagkakasalita may konting babala.

"Ed ibigsabihin mali din yung sagot kong susuntukin ko yung lalaki?" singit na tanong ka agad ni Lester na nakitango sina Gary at Kyle, tumingin si Maria sa kanilang gawi at medyo napatigil.


"Lahat ba kayo susuntukin yung lalaki ang sagot?" tanong ni Maria na tumango silang lahat at tiningnan lahat ni Maria pati sa kaliwang bahagi niya.

Tumango – tango muna si Maria at tumingin sa kanyang papel tsaka sa mga binatilyo "Yun ang reason kung bakit mali din ang sagot nyong lahat, dapat kung yung fiance nyo hawak na yung ari nung lalaking katabi niya" tigil ni Maria at tumingin kay Jack "Tsaka nyo doo patayin or sapakin hanggang hindi makilala ng pamilya" dagdag na wika ng dalaga tsaka bumalik tingin sa kanyang papel.

2. Nasa isang importanteng salu – salo nadapa ang fiance mo o napahiya, ano'ng gagawin nyo?

"Ikalawang tanong" tigil muli ni Maria na hinarap niya ang kanyang papel "Nasa importanteng salu – salo kayo ng fiance mo tapos napahiya siya, ano'ng gagawin nyo?" tanong ni Maria na hinarap niya ang mga binatilyo at nakita niyang nagsusulat sila.

Napatingin si Maria sa kanang bahagi niya na kung saan tumingin siya sa orasan na nasa itaas lang ng hambangan ng harapang pintuang papalabas, nakita niyang alas nueve na ng gabi.

"Okay na?" tanong ni Maria na ang nauna si Raymond na tumingin sa kanya

"Ang gagawin ko depende kung papaano siya napahiya" tugon ni Raymond

"Magbigay ka sa akin sweetheart isa sa scene na kahiya – hiya" sabay tingin ni Maria kay Jon

"Uhh nadulas?" sagot na patanong na tono ni Jon at hindi siya sigurado.

"Eh ano'ng gagawin mo?" tanong pabalik ni Maria kay Raymond na ngumiti lang ang binatilyo

"Sagot ko magpapakadulas din ako" sagot ni Raymond na binatukan na lang siya ni Jack na medyo napangiti si Maria habang nagtawa na lang ang apat sa sinabi ni Raymond.

"Teka mali ba yun, hun?" tanong pabalik ni Raymond kay Maria at tumingin lang ang dalaga sa kanya.

"Hindi sa paningin ko, kase sinamahan mo siyang mapahiya baka matawa lang siya sa iyo" seryosong sagot ni Maria sa sa tanong ni Raymond na tumayo si Maria ilagay nyo dyan ngalan nyo sa papel at kukunin ko.

"Para kaming bata aba" nasambit na lang ni Lester habang inilalagay niya ang ngalan niya sa itaas ng kanyang papel.

Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒᴀɪxɢʜ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ

Tutor or SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon