ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 𝟺𝟹

22 12 0
                                    

Tinabihan ni Jack si Maria na nasa kaliwang bahagi ang binatilyo at medyo umipod si Maria na kung saan hinarap nila ang isa't – isa.

"Wala akong masyadong kaibigan kasi iba ang isip ko sa isip nila" pagpapatuloy ni Maria ng kwento.

"Hindi naman kasi lahat na-ayon sa hilig mong pag-usapan" wika ni Jack na ipinasok niya ang buhok ni Maria sa likuran ng tenga ng dalaga.

"Alam ko at hindi naman ako nangangahas na magkaruon anyway" wika ng dalaga na natigilan dahil pinisil ni Jack ang kanyang ilong at hinampas agad ni Maria sa dibdib, "Pasaway ka!" inis na wika ni Maria na ikinangiti ng binatilyo.

"Tapos" wika ni Jack.

"Nagpapa-antok ka ano?" tanong ni Maria.

"Ano'ng nagpapa-antok ka dyan?" tanong pabalik ni Jack.

"Bakit ka nagpapakwento?" iritang tanong ng binatilyo na nakatanggap muli siya ng hampas sa kanyang dibdib.

"Nakaka-inlab ang boses mo eh" ngiti ni Jack na medyo slow si Maria tsaka lang niya nahampas muli si Jack at tumalikod.

"Bagal ng reaksyon nito" maktol ni Jack.

"Che! Eh, sa mabagal pake mo ba?" iritang tanong ni Maria na niyakap na lang siya ni Jack mula sa likuran at isinubsob ang mukha sa kaliwang bahagi ng dalaga.

Ilang minuto ang lumipas, "Naalala ko nung ikinulong nila ako sa kuwarto kasi nadatnan ng mga kaklase ko na umiiyak yung kanilang kinikilalang leader o reyna, tapos hindi na nila ako pinakinggan at ikinulong akong mag-isa" wika ni Maria na wala siyang nadinig na tugon ni Jack kaya sa tingin niya ay nakatulog ito sa kanyang tabi.

"Yung tipong kahit kras ko nun na kras ako...hindi ako tinulungan dahil mas natatakot siya dun sa reyna na kapag tinulungan ako may gagawin siyang kung ano sa kanya, maigi na lang ang tita ko titser doon at natulungan ako" dagdag pang wika ni Maria.

"Bakla yung kras mo" tugon ni Jack na humarap si Maria.

"Sira ka! Akala ko tulog ka na?" iritang tanong ng dalaga kay Jack.

"Bakit hindi nagtanong ang kupal na kras mo sa side ng story mo bago nya ijudge yung ginawa mo agaran?" medyo iritang tanong ni Jack sa dalaga na napasubsob na lamang si Maria sa dibdib ni Jack.

"Sana nga kung ikaw na lang yung kras ko noong hayskul" natigil sa pagsasalita si Maria na hindi na nagbigay ng reaksyon si Jack kung hindi ang halikan niya ang noo ng fiance.

Ilang segundo ay, "Tapos nung kolehiyo ako akala ko magbabago ang buhay ko as student na maraming barkada na magkakaruon kami ng happy memories kaso...traumatic ang nakuha ko" tigil ni Maria na halos akala mong iiyak sa tono ng kanyang pagsasalita.

"Parang mas maigi nung kindergarten ako walang masyadong problema kung hindi baong hindi sapat" dagdag pang wika ng dalaga.

Napabugtong hininga na lang si Maria at medyo dinudutdot ang abs ni Jack na napakunot siya dahil ekspekted niya ay hindi masyadong katigasan imbis na ngayon nadudutdot niya.

"Pinahiya ako nung thesis adviser ko noon sa ibang mga hawak pa niyang mga estudyante tapos sisihin ba naman ako na kasalanan ko pa, kesho sabi niya maningin daw ako sa library ng sample ng thesis tapos nung naningin ako halos copy-paste lang naman kaka-aduwa eh" maktol na napanguso si Maria ngunit nawala ito nung nakita niyang kinapitan ni Jack ang dulo ng damit tsaka dahan – dahang itinataas.

Napatingin si Maria kay Jack at tuluyan nang naitaas ng binatilyo ang kanyang damit na suot, "Oh, ayan hawakan mo na ayaw mo pang magsabi" wika ni Jack na napabalik tingin si Maria sa abs ng fiance.

"Bakit kase ang tigas ng abs mo?" reklamong tanong ni Maria sa fiance niya.

"Ituloy mo na yung kwento mo" wika na lamang ni Jack kay Maria.

"Nakapagtapos naman kahit papaano pero nakadanas na yata ako ng depresyon gawa ng pagkokolehiyo ko" dagdag pang kwento ni Maria.

"May nanligaw ba saiyo nung kolehiyo ka?" tanong ni Jack.

"Wala" tugon ni Maria at napabugtong hininga muli siya, "Sino ba naman ang magkakagusto sa kagaya ko? Halos walang suklay, ang payat, tapos hindi pa matalino tsaka hindi ako pwedeng pangdisplay sa tropa" sa tonong tugon ni Maria may halong lungkot.

"Maigi nga wala...dadagdagan mo pa ako ng karibal" wika ni Jack na nahampas na naman siya ng dalaga sa abs na niya.

"Kainis ka! Hindi man lamang ako nakatikim ng may nagmamahal habang nag-aaral" nainis sa unang wika ni Maria at sa huli ng kanyang sinabi para siyang iiyak dahil sa pagkakatonong pagkakasabi niya.

Gamit ang kaliwang kamay ni Jack kinapitan niya ang baba ng kanyang fiance at nagtama ang kanilang mga mata tsaka, "Gusto mo mag-aral ka ulit tapos dun din ako mag-aaral sa iskul na pinapasukan mo para maka-eksperyens ka ng may nagmamahal saiyo habang nag-aaral" suwestyon ni Jack.

(**)

"Kainis ka Jack" mahinang wika ni Maria sa kanyang fiance.

"Willing naman ako, kahit ano'ng hilingin mo sa akin" ani ni Jack na hindi napigilan ni Maria na hindi mapangiti at napangiti pabalik sa kanya si Jack.

"Nakakainis ka" nakakunot ang noo ng dalaga.

"Kinikilig ka lang" ngising wika na lamang ni Jack sa kanya kaya hinampas na naman siya ni Maria sa kanyang abs, "Nakakailang hampas ka na sa abs ko ha?" paalala ni Jack sa kanya.

"Sino kaya may gawa?" maktol na tono at medyo naiinis na si Maria.

"Kung hindi ikaw ang fiance ko...papatayin ko lang ulit yung ginugusto ng nanay ko sa akin" wika ni Jack na hindi na nagbigay pa ng reaksyon ang dalaga.

Naramdaman ni Maria na bumugtong hininga si Jack tsaka, "So halos emosyonal ang naranasan mo kaya ba medyo cold hearted ka?" tanong ng binatilyo sa kanya at tumango na lang si Maria.

Niyakap maigi ni Jack ang fiance niya at nahalikan ang tuktok ng ulo ni Maria.

Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒᴀɪxɢʜ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ

Tutor or SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon