ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 𝟹𝟼

26 15 0
                                    

Maria

Matapos nilang magsika-inan halos hindi mawari ni Sarah kung ano gagawin na halos panay kantyaw ng mga barkada kong ulaga. Ilang minuto pa nang dumating ang mother ni Sarah na nakita ni Yurie kaya sinalubong na namin sa labasan, kinakaon si Sarah pati ang fiance niyang si Gary.

Dba dapat one year tulad ng sabi ko dati?

Kasinungalingan yun dahil nung lumabas ako kasama si Yurie tineksan si Yurie ni mudra ko na kung saan sadyang hindi sinabi sa akin para mabigla daw ako, maigi naman andyan ang mother ko support talaga niya ako.

Dumating si tita Jonalyn muli na kung saan habang nagpapaalaman ang mga kabarkada ko kay krungs eh, heto kausap ko ang nagbigay sa akin ng tarbaho.

"Dalawa ang kukunin na saiyo okay na ba siya?" tanong sa akin ni tita Jonalyn.

"Si Kyle po?" tanong ko sa kanya at tumango si tita Jonalyn sa akin na may ngiti sa kanyang labi.

"Oo alam kong kakaunti kayo ngayon at napansin namin na nawala ang ilang cctv" aniya na medyo napatawa ako ng kaunti...

Si Jack kase inalis lahat...pasaway.

Kinapitan ako ng tita Jonalyn sa parehang kamay at ngumiti "Ingat ka sa susunod na dalawang linggo o buwan eh baka may kunin ulit" aniya na tumango na lamang ako.

Parang mga kindergarten ang inaalagaan ko at yaya lang ako ng mga ito este guro pala.

Umalis na sila pati Kyle nagutla din kaya kinawayan ko ang dalawang lalaki pati mga barkada kong makikisakay na din. Bumalik ako sa loob na nakatingin sa akin ang apat.

Awkward.

"Don' tell me iiyak kayo sa lagay na yan?" seryosong tanong ko at si Jack nakatingin muli.

Mas maigi yatang iniignore lang niya ako tulad kanina...kaya ayun hinarap ko muna yung kung sino ang mga nakatoka since aapat na lang sila. Nagutla na lang ako sa tatlong sunud – sunod na katok kaya pinagbuksan ko...

"Bakit?" tanong ko.

Sina Jen at Raymond pati si...

"Lady Raca?" tanong ko na tumingin sa akin na kung saan malungkot ang mukha niya.

"Bes, hindi muna lady si Raca may nagawang mali eto dito siya tutuloy saiyo" wika ni Jennica at napatingin ako kay Raca na yumuko na parang batang napagalitan.

"Dalawa kami dito?" tanong ko kay Jennica.

"Actually dalawa kami babantayan ko at baka daw magluko mahirap na daw sabi ng tatay ng kuya Jack" tugon ni Jennica sa tanong ko.

"Bago kayo pumasok since nag-aayos ako kung sino totoka sa hugas, luto at laba saan kayong pareha?" tanong ko kay Jennica na tumingin kay Raca.

"Baka sa paglalaba na lang kami" tugon ni Jennica.

"Inihatid ko lang si insan at babe dito" wika naman ni Raymond na nagkiss pa yung dalawa sa labi na napangiti ako.

"Sweet aba" aniko tsaka nahiya si Raymond at tinapik ang pinsan niyang si Raca.

Feel ko lalong magiging tahimik si Jack andito ang kapatid niya...

Pinapasok ko na silang dalawa at tumigil nung hinarap namin yung nasa tagiliran ng pintuan na nakapaskil kong gawain.

"Dati dalawahan ngayon isahan na lang" wika ko na nakita kong tumango na lang si Jennica si Raca nakatingin lang.

"Ano'ng type mo Raca? Hugas o laba?" tanong ni Jennica sa kanya.

"Ano bang mas madali?" tanong ni Raca kay Jennica.

"Pareha" seryosong tugon ni Jennica na talagang sinasadya niyang lokohin si Raca.

Pasaway din.

"Ed laba na lang" tugon ni Raca na napatawa si Jennica at tumingin sa akin si Raca tsaka itinuro si Jennica.

"Bakit nagtatawa siya?" tanong ni Raca na para siyang inosenteng bata pero nawala ang pagka-inosente niya at nandilat ang mga mata.

Alam ko kung saan siya nakatingin. Kay Jack...sa kuya niya.

"Ku-kuya?" tawag na tonong tanong niya.

Walang responde kay Jack pero dun sa tatlo malamang tumingin sa kanya.

"Walang hiya, ang ganda ng kapatid mo Jack ah! Chix na chix" ngising wika ni Lester na tiningnan niya si Raca simula ulo hanggang paa na ikinalapit ni Raca sa kanyang gawi, tsaka tinadyakan ang kina-uupuan ni Lester at nagutla pati sina Jon at Ren nagutla sa kanyang ginawa; habang si Raca hinigit ng pwersahan ang damit sa harapan pataas para maka-usap niya.

"Problema mo? Gusto mong malunod sa sarili mong dugo?" galit na tonong tanong ni Raca kay Lester.

Dahil araw ng Martes asawa ko siya ngayon...

"Raca" tawag ko kaso masama tingin niya sa akin.

"Hindi mo dapat pinapatawag ng ganito ang kupal na ito sa isang babae" wika niya na ngumiti ako.

"Hindi naman lahat ng lalaking makikita mong nagawan ka ng ganyan manyak na" aniko na nakatingin lang sa kanya.

Malamang asawa ko si Lester ngayon Martes pa lang at medyo pagabi na; na hangga't hindi nagliliwanag ay asawa ko pa rin siya. Kinapitan ko ang kamay niya para bitawan ang damit ni Lester pero dama ko ang galit niya, kung andito mga alagad niya panigurado pinapatay na niya ako kaso...ginagawa ko ang trabaho ko bilang asawa ni Lester.

Feel ko huling turo ko na ito sa mga tinuturuan ko. Haa...

Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒᴀɪxɢʜ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ

Tutor or SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon