ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 𝟸𝟻

27 11 0
                                    

Jennica

Nakarating kami nila enggot at ni seksi sa bahay na sinasabi ni krung as in ang laki tatlong palapag at ang lawak as in daig pa ang bahay ni kuya sa laki.

"Tara na engot" tawag ko sa kabarkada ko dahil barkada ni Maria sina Sarah at Yurie nakikibarkada na din ako.

"Parang feel ko may mangyayari" wika ni Mimi na binatukan ko nga.

"Malamang party party tayo dun, gaga" tugon ko sa sinabi niya.

"Oo nga naman enggot ka muli Mimi ha" ani naman ni Yurie.

Pagkadating namin doon sinalubong kami ni krungs at ni aleng na bago ako mapa-upo napatingin ako sa gawing kainan...si kuya Jack at si...shit! Bakit andito si kras? Langya. Kaya naupo na ako "Ganda ng bahay ah" wika ko na lang.

"Syempre kakabili ko lang kahapon" tugon ni Sarah na may halong paghahambog.

"Chaka ka kahit peanut butter hindi ka makabili bahay pa" ani ko na napa-iling na lang si Yurie.

"Sino yung nasa likuran?" mahinang tanong ni Yurie kay Maria.

"Tinuturuan ko" sagot na lang ni aleng at bakit andito kras ko na tinuturuan niya ng ano?

"Tinuturuan mo ng ano?" tanong ko.

"Maging okay na asawa hindi krung krung na kagaya mo" ani naman sa akin ni Sarah.

"Langya hindi ikaw ang tinatanong ko ikaw ang sumagot, ano sapakan?" tanong ko kay Yurie na nakita kong napapikit na lang si Maria at medyo umiling.

"Tigilan nyu nga may tandang sa likuran" ani naman ni Maria.

"Dba nangingitlog yun?" tanong ni Mimi na sabay namin nabatukan ni Sarah.

"Tanga!" hiyaw ni Sarah na sinasakal – sakal hanggang mapa-upo sa salas.

"Boba" wika ko at umupo katabi ni Maria.


Raymond

Hindi ko ekspekted na barkada ni Maria ang kras kong si Jennica at syet! Ang ganda niya ngayon!

Tsk!

Kainis.

Lumingon si kuya Jack tsaka tumingin sa akin na nakangisi "Kuya" mahinang wika ko.

"Andyan yung kras mo bakit hindi mo lapitan?" tanong ni kuya Jack sa akin.

Kinakabahan kaya ako at feeling ko tatalsik ang puso ko any minute.

"Ayako..." mahinang wika ko na inakbayan ako ni Gary.

Nagutla ako nung 'Lapitan mo na malay mo eto lang yung pagkakataon' bulong niya sa akin tsaka niya ako tinapik sa likuran.

Kumakaen kami ng dinner medyo nagutla kami nung naghiyawan ang mga kasamahan ni Maria na nag-ipunan sa salas. Doon sila nagparty – party na kung saan ang kuya Jack halos sa kanila nakatingin at for sure naman ako na si Maria ang inaalalayan niya.

Kakatuwa nga eh ngalan pa lang nakyuryus lang si kuya tapos nung nakita niya parang nakadikit na ang atensyon niya sa kanya, kahit na nung una nagkasagutan sila pero okay lang din lalong kumakalma ang pinsan ko dahil kay Maria.

Panigurado ako na magugustuhan din siya ng lolo Steve kahit strikto kapag mahal ng pinsan ko okay na sa kanya wala ng tanong – tanong. Pwera na lang kina tita at tito sa mga magulang ng pinsan malimit kasing gusto nila perpektong babae ang type eh.



"Dapat kase andito si Ilo kaso" tigil na kwento ni Jennica na may kapit – kapit na titsirya at puno na ang bibig nito.

"Kaso busy daw dahil ang luko akala nasa ospital ka pa" dugtong ni Yurie na iniinom ang dinala nilang alak pero iniinom niya parang wine lang.

"Tagal na nun ah" wika naman ni Maria na nakikihingi lang sa titsiryang bitbit ng barkada.

Halos malalaki ang binili ng barkada ni Maria mga piatos, v-cut, chippy at mineral water. Mayroon din sa mga binili na marshmallow at ilang tsokolate na hiniling na lang ni Mimi sa bertdey niya ay magkasama – sama silang magbabarkada.

"Kaya nga engotirs" maarteng tono na wika ni Yurie.

"At least sweet" mahinang wika naman ni Mimi na napatingin sa kanya si Sarah at Jennica.

"Sweet?" napatayong tanong ni Jennica sa barkada tsaka itinuro sa gawi ng mga binatilyo "Yung fiance mo nga naging sweet ba saiyo luka ka ah" matapos niyang magsalita tsaka siya hinigit pababa ni Sarah sina Maria at Yukie ay napa-iling na lang.

"Medyo shock pa siya sa last relationship niya huwag kang anu dyan Jen ha" ani ni Maria at seryoso ang mukha ng dalaga.

Matapos kumaen ng dinner ang mga lalaki sina Lester at Gary ang naghugas nakitulong na lang si Raymond sa pag-iimis ng lamesa kasama ang pinsan, na hindi natitibag dun sa pagkaka-upo sa kina-uupuan na taga taas lang ng place mat si Jack at nakatitig sa gawi nila Maria.

Matapos nila Lester maghugasan tinapik na ni Gary ang balikat ni Jack tsaka medyo inilapit ang mukha tsaka sinabing 'Hindi yan sila matatapos kung babantayan mo' pagkasabi ni Gary tsaka siya umalis kasabay na sina Raymond at Jon. Doon lang tumayo si Jack at nakita niyang nakatingin sa kanya si Sarah na nakakunot ang noo.

Pagka-alis ng mga binatilyo sa kainan na nagtungo na sa kanilang kuwarto ay doon lang nakahinga ng maluwag si Sarah.

"Ang sungit nung isa aba" ani ni Sarah.

"Sino dun?" tanong ni Yurie na lumingon siya sa likuran at nakitang kanya – kanyang bumabalik ang mga lalaki sa kanilang mga silid.

"May masungit dun tingnan laging magkasalubong ang kilay niya" wika ni Sarah.

"Adik itong si krung krung aba" wikang iiling – iling na lang ni Jennica sa sinasabi ng barkada.

Inilabas ni Yurie ang kanyang selpon na kung saan ipinunta niya sa listahan ng mga musika. Habang si Mimi ang celebrant nanginginain ng titsirya at umiinom na din ng alak na bitbit na nakalagay sa bote ng mineral water na may tatak pa.

"Girls, ano'ng gusto nyong kanta? At trip ko may music ngayon" tanong ni Yurie habang kapit – kapit pa ang kanyang selpon.

"Oo nga pala Maria bakit nga pala walang telebisyon dito o radyo man lamang?" tanong ni Jennica na naka-ubos na ng isang bote ng mineral na ang laman ay alak.

"Ewan bawal yata" tugon ni Maria.

"Bawal? O baka kase hindi ka mapansin ng pitong uranggutan at manuod na lang ng sports" sambit ni Yurie.

Tumingin si Maria sa katabing si Mimi "Happy Birthday bakla" ngiting bati ni Maria.

"Maka bakla ka basta huwag mong ikikiss ang fiance ko ha?" wika ni Mimi na pinisil ni Yuri ang pisngi ng katabi.

"Gaga ka" ani na lamang ni Maria

"Feel ko kung sino kras ni Maria sa pito" wika ni Sarah.

"Wala" agad na sagot ng kabarkada.

"Masyado kang halata biglang sagot ah" singit na ani ni Yurie.

"Bakit krungs, sino sa tingin mo?" tanong naman ni Jennica.

"Sa tingin ko yung shokla na mahangin" tugon ni Sarah.

"Sino yun? Sagot mo pakrung – krung effect aba" iiling – iling ni Jennica.

"Anu bang trip nyong musika aba...kanina pa ako'ng nagtatanong" iritang wika ni Yurie.

"Yung kay Demi bes" tugon ni Maria.

Pinindot na lang ni Yurie ang musikang napili niya mula kay Demi Lovato na pinamagatang 'Heart Attack' na hindi inaasahan ni Sarah na yumanig ang kanyang selpon.

"Teka hinaan muna ang musika natin may natawag" wika ni Sarah na sinagot niya ang tawag na may ngiti sa labi.

Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒᴀɪxɢʜ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ

Tutor or SuitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon