ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 𝟸𝟹

29 14 0
                                    

Ren

Medyo tahimik kami dahil sa sinabi ni Maria ngayon na lecture ulit umupo siya sa kainan na lumapit si Jack sa kanya. Feel ko paborito na ni Maria si Jack kasi lagi niyang pinagbibigyan ang gusting mangyari ni Jack eh.

Napansin kong tumingin muli siya sa amin "Ano pang ginagawa nyo dyan? Dito upo" utos niya.

Sumunod na kami at hindi na nagrason pa si Jack na sumunod pero hindi malapit kay Maria katabi ni Raymond. Katabi ni Maria ay sina Gary at Jon na ang katabi ko ay sina Kyle at Gary.

"What if tahimik ang fiancé nyo?" tanong na ni Maria.

"Galit yun malamang" wika na ni Gary.

"Nagtatampo siguro" ani naman ni Jon.

"Ano yun biglang tahimik lang niya?" takang tanong ni Kyle.

"Oo" sagot ni Maria.

"Baka may lagnat parang ikaw" sagot naman ni Jack.

"Yung tipong lumayo ka sa akin ayaw mong masipa?" mataray na tanong ni Maria sa kanya na napangisi lang si Jack.

Feel ko may feelings na si Maria kay Jack pero nagutla ako nung nakatitig sa akin si Maria.

"So cupcake ano sagot mo?" tanong niya sa akin kahit na hindi pa sabado she called me like what it should be na parang asawa ko siya.

"May nararamdamang iba" sagot ko na medyo napakunot siya ng kilay.

"Ano'ng nararamdamang iba?" tanong niya sa akin at ibinalik lang niya yung sagot ko.

She's something...

Parang alam niya ang nasa isip ko.

Nga ba?

Lahat sila napatingin sa akin para akong ginigisa pero alam ko yung sagot ko sa kanya.

"It's like may nararamdaman siyang ayaw niyang sabihin sa fiancé niya katulad na lang ng feelings niya or hinanakit or himutok" sagot ko at medyo wala akong confidence sa sagot ko na ikinatingin nung anim kay Maria.


Jon

"It's like may nararamdaman siyang ayaw niyang sabihin sa fiancé niya katulad na lang ng feelings niya or hinanakit or himutok" sagot ni Ren ko na ikinatingin namin kay Maria.

"What silence means is sawa na siya sa paulit – ulit nyong ugali women are vulnerable pero kung need nilang maging strong they will. They silence themselves para hindi siya makapagsalita ng masasakit na salita para hindi ka lang masaktan" paliwanag ni Maria nagtanguan lang kami parang dami niyang alam as in nagkanobyo na ba siya?

"Matakot kayo kapag hindi na kayo pinapansin ng fiance nyo ng ilang days or months kahit magkasama kayo sa iisang bahay" tigil niya at nag-unat pa muna sa harapan namin na may kasamang hikab.

Tanghaling tapat inaantok!

"Meaning nun wala na siyang pakialam saiyo for short no love" dagdag pa ni Maria na tumayo siya.

"Saan punta mo?" tanong naman ni Lester.

"Maliligo" tugon ni Maria na umalis na.

Halos tahimik kaming pito sinaglitan lang kami ng kaunting lecture tapos naligo.

"May tanong ako" ani ni Raymond na napatingin kami sa gawi niya.

"Ano?" tanong ni Jack.

"Kayo na ba ni Maria?" tanong ni Raymond sa pinsan niya na siya lang may keri na magtanong ng ganyan.

"Hindi at bakit type mo?" tanong pabalik ni Jack sa pinsan niya na umiling naman si Raymond.

"Kita mong may kras nga ako dba?" tanong pabalik ni Raymond.

"Oo at torpe ka" tugon na lang ni Jack.

"Naman ihh" maktol ng pinsan na parang bata na ikinagutla na lang namin na may kumakatok sa pintuan at syempre si Kyle ang tumayo para tingnan kung sino.

Tumayo kaming lahat maliban kina Jon at Jack na naiwan sa lamesa naka-upo sa pagbukas ni Kyle...

"Hi! Ay ang daming papaps si Maria andyan?" tanong ng isang babaeng kulay dilaw ang buhok at pula ang mga labi may kapit – kapit itong paper bag na kulay puti pero walang tatak.

"Andito naliligo lang" sagot ni Lester at hinayaang papasukin ni Kyle ang babae pero imbis na maupo sa sofa nakatayo lang ito at inantay na masarado ang pintuan na pumasok papaloob.

"MARIAAAAA!!! ASAN YUUUU!!!" parang alulong ng aso ginagawa nung babae.

Sinundan namin dahil hindi lang ako ang nagdadalawang isip sa babaeng wirdo na ito at tumigil siya sa tapat ng banyo.



"Taooo po Aling Maria!!!" pahiyaw ng dalaga na akala mong taga bundok sa lakas ng boses na umaalulong sa

"Gago ano'ng ginagawa mo dito?" iritang tanong ni Maria na nasa loob ng banyo.

"Syempre may delivery ang fafa Ilo mo noh!" pahiyaw na wika ng dalaga.

Hindi nagsalita si Maria at binuksan ang pintuan na nakatapis na ng tuwalyang kulay dilaw.

"Seryoso?" tanong na ni Maria.

"Tapos etong nasa paper bag galing sa mudra mo worry na siya saiyong health musta ka na daw?" maarteng tanong ng dalaga.

"Okay lang nagkasaket" seryosong tugon ni Maria.

"Tanga ka gusto mo sumbong kita?" seryosong tanong ng dalaga.

"Seryoso Sarah, ano'ng ipinunta mo dito?" tanong ni Maria sa dalaga na napansin ni Sarah na nakatingin sa kanya ang pitong lalaki sa gawi niya.

"May nalimutan kang bertdey ngayon luka" wika ni Sarah kay Maria na ikinakunot ng noo ni Maria habang nakatapis pa siya at tumutulo ang tubig na nagmumula sa buhok.

Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒᴀɪxɢʜ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ

Tutor or SuitorWhere stories live. Discover now