ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 𝟸𝟼

27 13 0
                                    

Maria

Iniabot sa akin ni Sarah yung selpon niya na naka bidyo call...

"Teka sino ka?" tanong ko dun sa nasa kabilang tawag.

'Luh...bakit nalimutan mo na ako'

Sino ito?

"Jowa ka ba ni Sarah?" tanong ni Maria na binatukan siya ni Sarah.

"Krung krung ka hindi noh!" hiyaw na tugon ni Sarah at binatukan pa niya ang barkada.

'Ganda mo pa rin hanggang ngayon aba'

Kupal na ito...hula ko blind date ito...

"Wala akong natatandaan na kablind date" ani ko sa kausap na ngumiti lang siya.

'Bakit pa tayo magbliblind date eh akin ka na'

Nagtilian ang tatlo na ikinabinge ko at napakunot lalo ako ng noo. Wala akong ideya kung sino ang lalaking kausap ko ngayon.

'Si Ilo ito huwag mong sabihin pati ngalan ko kinalimutan mo na ha?'

(゜゜)

"Waw biglang guwapo, ano'ng ininom mo at nagkaganyan ka?" seryosong tanong ko.

Dati ko siyang mahal oo kaso may ibang nagpatibok eh kung baga wala ng spark sa kanya. Ganun ganun na lang as in feel ko kase si bad boy ang or haaa...alam kong bawal at baka arte lang kaso oo siya pa lang ang nagpapagalaw ng damdamin ko.

Huminga ako ng malalim tsaka ngumiti sa dati kong mahal.

"Musta ka na?" tanong ko na nakangiti muli siya sa akin.

'Heto namimiss ka sabi nila krung krung anu daw matagal na pala yung nabalitaan ko sa pinsan kong dyan nakatira'

Tumingin muna ako sa likuran at sinigurado kong walang nakatingin tsaka ko siya hinarap muli.

"Oo huli ka na sa balita" tugon ko.

'May work ka na?'

Tumango ako sa tanong niya at hindi ako makapaniwala na hanggang ngayon, ang guwapo pa rin niya pramis; hindi tulad dati na naalala ko pang kaasaran ko siya. Nakangiti ako sa kanya na wala akong madinig sa apat kung hindi pagtili, na ikinukuwento niya yung mga trip namin noong hayskul kami at nung mga pagsasama.

Hindi ko sinasadyang mapahikab habang nagkukuwento siya na napansin kong nakangiti pa rin siya.

'Aga pa ah antok ka na agad?'

Tuminingin ako sa relos sa ibabaw ng harapang pintuan niya ba ikinatingin ko kina Sarah at Jennica nanlalaki ang mga mata at nakatingin sa likuran ko.

"Ano'ng meron?" tanong ko.

Sa relos ang oras ay 1:30 na ng umaga nangangahulugang si Honey ang katabi ko mamayang gabi at tatabihan ko na lang pala si Cupcake.

'Ano'ng oras na ba diyan?'

Tumingin ako kay Ilo andun pa siya pero sina Sarah talaga parang gusto ako'ng senyasan hindi lang magawa.

"Para kayong horror sa pelikula ano'ng meron?" tanong ko muli at tanging reaksyon lang nila ay lumunok ng malalim pati si Jennica.

Paglingon ko ang masungit na tinutukoy ni Sarah...

Yung lalaking lagi na lang daw sa lubong ang kilay sa noo...

"Bakit mo tinatakot yung dalawang krung – krung kong barkada ha, hal?" tanong ko na naupo siya sa tabi ko.

"Una ala-una at ikalawa hindi nyo ako maloloko sa kulay juice na mineral water nyo at ikatlo" tigil ni Jack sa akin tsaka tumingin sa akin "Sabe ko kakagaling mo sa sakit" dagdag na wika niya at seryoso ang tono.

"Hindi ako uminom" wika ko kahit na naka-inom ako ng kaunti inabot ko kay Sarah yung selpon niya pero hindi ko iniharap kay Jack baka kung ano isipin ng kupal.

Kinuha agad ni Sarah ang selpon tsaka lumabas ako naman tumayo na at kinapitan na ni Jack ang kamay ko.

"Hindi Huwebes ngayon" paalala ko sa kanya.

"Alam ko at dapat alam mo trabaho mo" ani niya.

Jusko sarap sapukin nitong isang ito kaso...nasa work nga ako.

"Hal kung ang fiance mo inumaga ng happenings sa mga barkada aalahanin mo muna kung okay lang siya bago mo siya hiyawan ng kung anu – ano na ikaka-away nyong dalawa" paliwanag ko.

Natahimik siya at tsaka niya binitawan ang kamay ko "Siguraduhin mo lang na hindi ka mabibinat" ani niya tsaka siya umalis.

Hindi niya siguro alam ang gagawin kaya nilayasan na lang ako pero it's either nagwoworry siya or selos? Nakita niya ba si Ilo?

Hindi ko sure kung ano'ng gagawin ko pero as a teacher teka no as a fake wife I have to kaya...

Tumayo ako "Girl teka" wika ko na tumango lang sina Jennica at Yurie tsaka ko sinundan si Jack.

"Hal" tawag ko kay Jack tumigil siya pero hindi nakalingon.

Nagtungo ako sa kanyang harapan at nakapamulsa siya na medyo seryoso ang mukha, napansin ko na iba na siya sa paningin ko I mean bakit ang guwapo niya kesa kay Ilo?

Eh nagkasama lang kami pa-isang linggo pa lang ito at hindi lang yun dahil sa nagkasakit ako at siya ang nag-alaga medyo na fall ako sa kanya, mabaet eh...tungaw ka Maria lahat mabaet! Haaa...assuming ako assuming.

(゚ペ)

Kinaen ko ang sarili kong salita.

No falling in love. Sapak aabutin.

Yan ang pagkakasabi ko sa batas tapos heto ako? ( ̄へ ̄) tanga ka Maria aba.

Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒᴀɪxɢʜ Ƹ̵̡Ӝ̵̨̄Ʒ

Tutor or SuitorTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang