Puso at Isipan

76 0 0
                                    

Puso at Isipan

Limang taong pangungulila sa iyong piling. Luha, kirot, at pighati, ito'y paulit-ulit na aking naramdaman.

Walang segundo sa isang araw na hindi ko ito nararanasan, pagka't ang puso ko'y nangungulila.

Mahirap, masakit, at masalimuot, ngunit ito'y aking tiniis dahil sa damdaming patuloy na nagmamahal.

Ako'y nagdasal at humiling, na sana'y makausad sa nakaraan. Pagka't dapat nang bitawan ng puso ang isang taong lumaya na.

Ako'y ilang beses na sumubok upang kalimutan ka at ang iyong presensya. Mahirap, dahil naduduwag pa rin ang puso ko.

Ngunit mabuti na lamang at matapang ang aking isipan. Nilabanan niya ang puso, at paulit-ulit na pinaintindi ang nararapat gawin.

Hindi naging madali sapagkat napakahirap pumili sa dalawang bagay, pusong patuloy na nagmamahal o isipang nais kumawala.

Ngunit ako'y nanindindigan at naniwala sa kung ano ang dapat. Matagal bago ko tuluyang napagtanto ang mga bagay-bagay.

Isang araw, nagising nalang ako nang hindi na puso ang aking pinakikinggan. Hindi naging madali ngunit patuloy na nakaagapay ang aking isipan.

Sa tuwing nagdaramdam ang puso ko, laging sumisingit ang aking isipan upang ipaintindi ang nararapat.

Akala ko hindi ko makakaya, ngunit tama sila. Kapag pinairal ang utak, magiging madali ang lahat.

Kung kaya't hindi ako nag-atubili na gawin ang tama, pagka't kahit masakit, naniniwala ako ikabubuti ito ng aking puso. At ikatatahimik ng aking isipan.

Dahil sa isang hakbang na iyon, ako'y naging maayos. Napagtanto kong kahit mahal na mahal kita, hindi ko ikukulong ang sarili sa kalungkutan.

Ngayon ako'y umuusad na. Ang puso ko'y malaya na. Tahimik na ang aking isipan at payapa na ang aking damdamin.

Nang ika'y tuluyang nilimot, nagkaroon ng lunas ang lahat. Ang puso ko'y masaya at isipan ay payapa na ngayon.

- ernxx

Mga Damdamin At Kaisipan Where stories live. Discover now