Aking Sarili

84 0 1
                                    

Aking Sarili

Ayos dito, suklay roon
Pahid sa labi, dampi sa pisngi
Mga mukha nila'y kakaiba
Ako'y natutulala

Mga bagong kolorete, kanilang inilalabas
Kasuotang magagara, sa katawan'y binabalandra
Mga sapin sa paa, iba iba ng estilo

Ako'y hindi makaramdam sa inyo
Sapagkat bihira lamang kung danasin 
Ngunit ito'y hindi dinidibdib
Dahil puso'y pilit umintindi

Ako'y hihiram, hihingi, at hihirit
Pagka't minsa'y nadadala ng emosyon ang isip kong sarado

Puso'y masaya sa t'wing ito'y nararanasan
Damdami'y animo'y malaya, ngunit panandalian.

"Huwag muna, matutong magtipid,"
Tinig ni ina ang namumukod-tangi
Sa puso kong nabibighani
Kaya't ako'y napapaisip, aking ititigil muna ang nais

Ako'y nakakaintindi sa sitwasyon
Ngunit sana'y damdamin ko'y dinggin
Mga bulong ng puso ko'y pakinggan
Walang ibang nais kundi kalayaan

Ilang taong nagdurusa
Kalayaan ng iba, ako'y nakakulong
Puso'y nagtimpi, 'pagka't ito'y nakikinig. Damdami'y tahimik, dahil ito'y umiintindi

Ako'y nalulungkot, sapagkat hindi napagbibigyan
Walang silbi ang pagsusumamo dahil mismong puso nila'y sarado

Kaibigan, ako'y naiinggit
Ako'y nalulungkot at nagtitiis
Sapagkat ang iyong kasiyahan, sa akin ay pinagkait

Kung inyo lamang nalalaman
Ang sigaw ng aking damdamin
Marahil ako'y inyong naiintindihan
At hindi na pagsasabihan

Aking sarili, patawad sapagkat ika'y nagtiis. Sa mahabang panahong puno ng pagkilatis.

Mula sa mga taong nakukuha ang nais. Ika'y nanatiling tahimik sa kabila ng hinagpis

Ako'y nagdasal na sana'y isang araw
Makamtan ko ang bagay na hinahanap

Pagka't ako'y nagtiis sa mahabang panahon. Nawa'y dinggin ng langit ang bulong ng aking puso sa tamang panahon.

- tamestnaive / ernxx

Mga Damdamin At Kaisipan Where stories live. Discover now