Chapter 3

291 12 2
                                    

Chapter 3

Dalawang oras bago mag-alas singko, inaayos na ni Luis ang cubicle niya. Tapos na siya sa pag-aasikaso sa mga papeles na pipirmahan ng boss niya bukas.

Wala na ito sa loob ng opisina nito dahil kanina pa ito umalis. Pupuntahan kasi nito ang girlfriend na nasa hospital.

Bilib na bilib siya sa boss niya kasi kahit gaano pa ito ka-busy sa pag-ma-manage ng kumpaniya, nakakapaglaan pa rin ito ng oras para sa mga mahal niya sa buhay.

Tatayo na sana si Luis nang biglang tumunog ang ringtone ng kaniyang cell phone. Unknown number kaya nagdalawang-isip siya kung sasagutin ba iyon.

Sa matagal niyang pagtitig sa screen, naging missed call iyon. Hindi pa lumilipas ang isang minuto, tumatawag na naman ang unknown number.

Kaya naman sinagot na iyon ni Luis.

“Hello? Sino sila?”

Hindi naman pwedeng kliyente ng boss niya ang tatawag dahil personal number na iyon.

“Is this Luis Alberto Rivera?”

“Yes, speaking. Bakit ho? Ano po ang kailangan niyo? Kung scammer po kayo, wala po kayong ma-i-i-scam sa akin. Hindi po ako mayaman.”

Nakarinig si Luis ng pagtawa sa kabilang linya. Pero agad din naman itong tumikhim. “Hindi ako scammer, Luis. I’m a manager. Do you remember DayNight Resto Bar? Nag-audition ka rito, right? Para maging isa sa performer namin.”

Napamura ng mahina si Luis at tinampal ang kaniyang noo. “Sorry po. Akala ko kasi scammer. Yes, I do remember that resto bar.”

“Well, I called you becausse I want to ask if you’re free to perform tonight? Iyong supposedly performer kasi namin, umatras dahil dumating ang passport nito at sa Japan na lang daw siya.”

Tila nakulayan ang mundo ni Luis dahil sa narinig. Hindi niya iyon inaasahan. Katunayan, kaya siya mag-a-out na rin dahil binabalak na naman niyang maghanap ng resto bar.

“Is that for real? Hindi niyo po ba ako pina-prank?”

“No, Luis. So, are you available? If you are, just come here.”

“Okay! Okay! Thank you!”

Matapos niyang magpasalamat, siya na ang pumutol sa tawag. Abot hanggang tainga ang naging pagngiti ni Luis. Sininop na niya ang lahat ng gamit at nagmamadali na siyang umalis.

Kinailangan niya munang bumalik sa bahay nila dahil hindi naman niya dala ang kaniyang gitara. Nang makauwi siya, napansin ng mga kapatid niya ang hindi mapawing ngiti niya.

“Kuya, mukhang masaya ka ata?” Nahihiwagaang tanong ni Laisa. Sinundan pala siya ng dalawa sa pagpasok niya sa kaniyang kuwarto.

Binalingan niya ng tingin ang dalawa at nginitian. “Sasabihin ko na lang sa inyo pag-uwi ko mamaya. Oh, heto, bumili kayo ng ulam na gusto niyo.”

Kumuha ng dalawang libo si Luis sa kaniyang pitaka. Masinop siyang tao, inilalaan niya talaga ang tinatagong pera para pang-gastos niya sa tuwing hahanap siya ng resto bar na pwede niyang pag-perform-an.

Pero dahil may magandang balita siyang natanggap ngayong araw, ayos lang sa kaniya na mabawasan ang itinatago niyang pera.

“Kuya, masiyado naman atang malaki ito. Baka ma-short ang budget mo para sa sarili,” nag-aalalang sambit ni Lucy na sinang-ayunan naman ni Laisa.

“Hindi iyan! Huwag kayong mag-alala. Kaya ko ang sarili ko. Kung may matira, paghatian niyo na lang. Para may pera rin kayo bukod sa allowance na binibigay ko.”

CDS 1: Unwritten Serenade of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon