Chapter 23

164 7 0
                                    

Chapter 23

Masakit palang makita na ang taong minamahal mo ay may kasamang iba. Kumikirot ng sobra ang puso ni Luis, tila rin malalagutan na siya ng hininga dahil sa sobrang bigat ng nararamdaman niya. Hindi niya gustong makitang sumasaya sa iba ang babaeng mahal niya pero wala naman siyang magawa.

Gusto niyang makausap si Mia. Ipaliwanag sa dalaga kung bakit bigla na lang siyang nawala bigla. Pero para saan pa? Kung masaya naman na ang dalaga.

He doesn’t want to ruin anything. He doesn’t want to interfere with her life anymore. All he wants now is for her to be happy.

Wala naman ding kasiguraduhan ang lahat kung sakali mang kausapin niya ang dalaga at ipaliwanag dito ang nangyari bago niya ito iniwan at hindi na kinausap pa. It was his decision and choice to ignore her. He had the chance but he didn’t grab it.

Nang makaalis na ang lalaking kasama ni Mia, lumakad siya patungo sa tinitirhan nito. Kumatok siya para ipaalam ang kaniyang presensiya. But as he knocked on the door, he chickened out. Instead of waiting for her to open it, he turned around and left.

Sumakay siya sa Toyota na dala niya at pinaharurot na iyon paalis sa lugar na iyon. Nang makarating na siya sa kaniyang condo, pabagsak niyang hiniga ang kaniyang buong katawan sa kama. He’s tired. Physically and mentally. He was actually thinking that he might find his own pahinga in her arms. Pero sino ba ang niloloko niya?

Baliw siya kung iisipin na sasalubungin siya ni Mia ng isang yakap na punong-puno ng pagmamahal. He left her not the other way around. No matter how valid his reason is, he still left her. He still chose to just leave.

I miss you, sunshine! Kumusta ka na? Masaya ka ba kahit wala ako sa tabi? Did you still think of me? I hope you are. I love you, sunshine!

Pagak na tumawa si Luis. Nababaliw na ata talaga siya. Hindi naman siya author katulad ni Mia pero iyong imagination niya kung saan-saan dinadala.

Malungkot na ipinikit ni Luis ang kaniyang mga mata. Pinili na lang niyang matulog dahil may kailangan pa siyang gawin bukas. Kailangan niyang pumunta sa BVS Corporation. It was his new network after he didn’t sign a new contract to his old one. Iyong network na tumanggap sa kaniya ng magpunta siya sa Los Angeles.

KLC Company filed for bankruptcy because so many issues surfaced. Mabuti na lang ng dumating ang mga paratang sa KLC ay tapos na rin ang kontrata niya sa mga ito. Ang huling ginawa niya ay ang world tour na nagsimula sa L.A. at natapos sa New York.

His manager, Mama Bi find him another network that will open their door for them. At iyon na nga BVS Corporation. Under BVS, Shine Stars Entertainment took him in. They wanted him to start a new teleserye with a loveteam. Hindi niya alam kung bakit siya mapupunta sa pag-arte, eh hindi naman iyon ang gusto niya. He’s a singer.

“Mama Bi, bakit kailangan kong sumabak doon? I’m not an actor. I’m a singer.”

“Natutuhan naman ang lahat, Luis. May acting workshop naman. Isa pa, kailangan ka ni Sofia. Parehas niyong kailangan ang isa’t-isa para ma-build niyo ang mga sarili niyo rito sa Pilipinas. Alam ko namang kilala ka na. You build your name already but sometimes you have to join something to widen your popularity. Maraming nalalaos dahil hindi sila gaanong nakikita sa telebisyon.”

Hindi maintindihan ni Luis ang mindset na iyon ng kaniyang manager pero sa huli ay pumayag pa rin siya dahil na rin sa pakiusap sa kaniya ni Sofia. Pinuntahan kasi siya nito sa kaniyang dressing room.

“Hi, Luis! Pwede ka bang makausap? Just for a minute? Promise, it won’t take that long.”

Nilapag na muna ni Luis ang hawak niyang cell phone bago ibinigay ang buong atensiyon sa dalaga. “Para saan? Why do you want to talk to me?”

CDS 1: Unwritten Serenade of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon