Chapter 24

143 5 0
                                    

Chapter 24

Sa kabiguan na masilayan ang dalaga, pinili na lang ni Luis na umalis. Isa pa ay kumakalam na rin ang sikmura niya. Nang tingnan niya ang relong pambisig, malapit nang mag-ala-una ng madaling araw. Hindi niya alam kung saan pumunta si Mia, siguro ay kasama nito ang lalaking nakita niya iniisip ni Luis ay bagong nobyo ni Mia.

Envious, pain, getting lost, that’s all what Luis felt when he thought that he wasn’t good enough with what he did. That was also the time that Mia was getting the dream she wanted while him, getting all the rejections that he didn't want.

Sinubukan kasi ni Luis na mag-audition sa kalabang music company ng VoiceOut pero bigo siyang makapasok doon. Sinabi sa kaniya na hindi ganoong klase ng boses ang hinahanap nila. Gusto rin nila ng total package. Iyong bang magbibigay sa kanila ng maraming pera.

Tatlong music company ang pinuntahan niya at umasa na matatanggap na siya pero lahat sila ay iisa lang ang sinabi. Hindi ganoong boses ang hinahanap nila.

Dumagdag pa roon ang pagkitil ng kaniyang ama sa sarili nitong buhay at ang aksidenteng natamo ng kaniyang kapatid na si Lucy dahil sa pagmamadali nitong makarating sa hospital, hindi nito napansin na pula na ang stoplight at may paparating na humaharurot na sasakyan.

Lucy got into a coma. His father was dead. Luis doesn’t know where to get the money that he needs. May pera naman siyang naitago pero hindi sapat iyon dahil malaki ang pera na kailangan niyang ilabas.

“Luis, I’m sorry for your loss. If you need my help, just tell me, okay?” Tristan said to him when he visited his father’s wake. May ibinigay itong sobre sa kaniya. Noong una ay tinitigan niya lang iyon. Pero nang pilit iyong ibigay sa kaniya ni Tristan, wala na siyang nagawa kung hindi tanggapin iyon.

“Salamat, boss. Pasensiya na kung hindi ko na magampanan ng maayos ang trabaho ko sa ‘yo.” Nahihiya si Luis kay Tristan. Tinapik lang ni Tristan ang kaniyang balikat at ngumiti sa kaniya.

Hindi nakapag-file ng leave si Luis sa trabaho dahil sa dami ng iniisip niya. Sa DayNight naman ay nag-awol siya pero kahapon ay nagpunta siya roon para mag-resign.

Tingin niya kasi ay wala nang silbi kung ituloy pa niya ang pagkanta niya. Dahil ang mga naglalakihang kumpaniya ay panay rejection lang ang ibinibigay sa kaniya. Mas mabuti pang sukuan na lang ang pangarap niya at ‘wag nang ituloy pa iyon.

Luis feels like he’s going to be insane. His sister is still in the hospital. It has been three days since his father died. While his mother, all that she did was cry all day long.

Ang kapatid naman niyang si Laisa ay naging tahimik lang. Ito ang umaasikaso sa mga nagpupunta sa burol. Ngayong araw ang huling lamay. Bukas ay ililibing na ang ama niya.

Nang mailibing na ang ama niya, nagpaiwan siya sa sementeryo. Isang oras ata ang lumipas na wala siyang ginawa kung hindi ang tignan lang ang puntod ng ama. Katabi ng puntod ng ama ay ang puntod ng kaniyang mga namayapang lolo at lola.

Hinawakan ni Luis ang puntod. “Ang daya mo, ‘pa. Hindi mo man lang hinintay na maging mayaman tayo. Hindi mo rin hinintay na maipagamot kita. Ang daya talaga.”

“Sino na ang magiging padre de pamilya, ‘pa? Ako? Eh, hindi naman ako katulad mo. Ang hina-hina ko kaya. Kita mo nga ngayon, hindi ko man lang masabihan ang nobya ko na nawala ka na. Nakakaramdam pa ako ng inggit sa mga natatamo niya. Duwag ako, ‘pa. Isa rin akong jerk.”

“Sarili kong girlfriend pero kinaiinggitan ko.”

Salita lang ng salita si Luis. Inilabas niya ang lahat ng saloobin niya hanggang pati ang mga luha ay unti-unti na ring umagos sa kaniyang pisngi. Suminghot-singhot si Luis habang patuloy pa ring kinakausap ang ama.

CDS 1: Unwritten Serenade of LoveWhere stories live. Discover now