Chapter 5

266 12 8
                                    

Chapter 5

Bigo si Luis na ma-impress si Jerson Castillejos, ang may-ari ng VoiceOut music company na kaibigan ng kaniyang boss.

“What can you say about his performance, Son? Did he impressed you?” ‘Yon ang bungad na tanong ng kaniyang boss nang makalapit na ulit sa table ng mga ito.

For that night, he only sing five songs. Lahat iyon ay OPM, may iilan na nag-request pero nagbigay muna sila ng tip bago makapag-request.

Iyon kasi ng patakaran sa resto bar. Bago pa man siya maging singer doon, iyon na talaga ang pamamalakad. Well, he get it. Business is business nga naman.

Oo, galante si Claire Galvez na magpa-sweldo pero sobrang utak nito sa mga offers na inilalabas niya para lang tangkilikin ang kaniyang resto bar at ang nasa tabi nitong café restaurant.

Nakita ni Luis na medyo hindi ganoon ka-impress si Jerson. “Well, for me, it’s okay. Pero baka sa mga board members ko, lumagapak siya. You know them, Tristan. They are so meticulous, they want someone that will benefit the company.”

“It’s okay, sir. I really understand.”

“Alam kong malayo ang mararating mo, Luis. You just have to find that voice that will really capture those person who are part of the music industry. Ipagpatuloy mo lang kung ano ang nasimulan mo. Hindi tatagal, someone will discover you and offer you a great deal. Nothing’s impossible, Luis. You just have to trust the process.”

Dahil sa mahabang litanya na iyon ni Jerson Castillejos, mas lalong nabuhayan siya. Bigyan siya nito lalo ng drive na magpatuloy. Malapit na siya, dapat hindi niya isuko kung ano ang nasimulan niya.

Tama si Jerson, dapat magtiwala siya sa proseso ng karerang pinili. Lahat naman ng taong sumasabak sa pinipili nilang landas ay nagsimula sa wala hanggang sa unti-unting nakuha na nila kung ano ang gusto nila.

“Thank you, Sir Jerson. Sa inyo rin, Sir Tristan at sa mga kaibigan niyo pong nagpunta rito.”

Tumayo ang fiancé ni Tristan. Ngumiti ito sa kaniya at tinapik ang kaniyang kanang balikat. “You have that voice, Luis. Siguro hindi pa ganoon ka-pulido pero I really love your voice. Habang pinapakinggan kita kanina, pakiramdam ko nagkukuwento ka. Kaya ng tignan ko si Tristan while hearing you sing, I can’t help but to fall in-love over and over again to him. It was as if I was enchanted.”

Nahihiya siyang nagpasalamat dito dahil sa naging papuri niya sa kaniya.

Kahit hindi man siya mapasama sa VoiceOut music company, at least kahit papaano ay bumilib naman sa kaniya ang mga kasama ng kaniyang boss.

Iyon naman ang naging importante, hindi napahiya ang kaniyang boss sa pagyayabang nito sa kaniyang boses.

Sa pag-uwi, muli siyang isinabay ng dalawa. Ito ang naghatid sa kaniya hanggang sa gate ng kanilang bahay. Sobrang hiyang-hiya siya dahil naabala pa ang mga ito dahil sa kaniya.

“Luis, don’t worry, okay? Hindi abala sa amin ang ihatid ka. Isa pa ngayon lang naman. Just think of this as my appreciation of your good work to me as my assistant.”

Paulit-ulit na nagpasalamat si Luis bago siya tuluyang bumaba ng kotse ng kaniyang boss. Sa kaniya namang pagpasok, naabutan niya ang mga magulang na gising pa.

Nagmano siya sa mga ito.

“Bakit may naghatid sa iyo na naka-kotse?” Tanong ng kaniyang ina. Nakatingin ito sa kaniyang pinapanood.

“Ang boss ko po, ‘Ma. Kasama ko siyang nagpunta sa DayNight resto bar.”

Tumingin sa kaniya ang ina. “Pati ba naman ang boss mo ay gusto mong idamay riyan sa kalokohan mo, Luis?”

CDS 1: Unwritten Serenade of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon