Chapter 19

121 4 0
                                    

Chapter 19

Hindi pa rin makapaniwala si Mia kahit na tatlong araw na ang lumipas matapos niyang malaman ang magandang balita. Akala niya ay nananaginip lang siya at kung panaginip nga lang iyon ay ayaw na niyang magising pa.

“Ate! Iyong hotdog! Hala ka, nasunog na.”

Sa pagkataranta ni Mia ay hindi niya alam ang gagawin. Si Lia na ang nagpatay ng kalan at kinuha ang lutuan ng hotdog. “Ate, ayos ka lang ba?”

May pag-aalala sa tono ng boses ni Lia. Inaayos nito ang nasunog niyang hotdog. Lima pa naman ang nasayang na hotdog kaya napatapik na lang si Mia sa kaniyang noo. Sayang din iyon.

“Ate?” Muling tawag sa kaniya ni Lia. Hindi na naisalba pa ni Lia ang mga hotdog kaya naman tinapon na lang nito ang mga iyon.

“Ah, oo. Sorry. Medyo may iniisip lang ako.”

Pumunta si Lia sa refrigerator nila at kumuha ng panibagong hotdog, ito na ang nagluto na mga iyon. Habang niluluto iyon ay nagtanong ito kung anong iniisip ni Mia. Medyo nag-alinlangan naman si Mia dahil hindi niya alam kung paano sasabihin ang balitang natanggap niya.

Lalo pa at hindi pa rin gusto ng parents niya ang ginagawa niya.

“Ate? Problema ba ang gusto mong sabihin? Kung tungkol iyan sa trabaho mo, baka panahon na para magtrabaho na rin ako.”

“Hindi, Lia. It’s not about my work. Ayos lang ako sa trabaho. Hindi naman ako nasisante o anuman. Ang gusto kong sabihin ay may kinalaman sa pagsusulat ko.”

Bumalatay sa mukha ng kaniyang kapatid ang excitement. Para ring may malalaking tainga ang iba pa niyang kapatid dahil bigla na lang nagsisulputan ang mga ito at tinanong kung ano ang balitang sasabihin ni Mia.

Lia, Nio, Pio, Zia, and Bia silently waited for her to speak. They all sit in their dining area. Ang iba ang pumangalumbaba pa habang ang iba naman ay matiim na nakatingin sa kaniya.

“Uhm, kasi nag-email sa akin ang pubhouse na pinagpasahan ko ng manuscript. At nakapasa ako.”

Nagsilakihan ang mga mata ng kaniyang mga kapatid at bigla na lang siyang niyakap ng mga ito. Kitang-kita sa mga mata ng mga ito ang saya. Binati rin siya ng mga ito at sinabihan kung gaano sila ka-proud para sa nag-iisa nilang ate.

Nunit natahimik sila ng bigla ng sumulpot ang mga magulang nila. Nagsibalikan sila sa kaniya-kaniyang upuan. Si Mia at Lia naman ay kinuha na ang pagkain nila para sa agahan na iyon.

Habang kumakain, nakikita niya ang makahulugang tingin ng mga kapatid niya sa kaniya sabay titingin sa mga magulang nila. Kumuha muna ng lakas ng loob si Mia bago niya tuluyang sinabi sa mga magulang ang balita. Ngunit katulad ng kaniyang inaasahan, walang naging kibo ang kaniyang mga magulang.

Hinayaan na lang niya iyon at nagpatuloy na lang sa kaniyang kinakain.

***

Mia didn't know what to say while she was waiting for her editor. Ang editor niya na iyon ay nagtatrabaho sa NovelNest Publishing House. Ang pubhouse na iyon ang tumanggap sa story niyang, “Almost Ours”.

“Hi! You’re Mia, right?” Medyo nagulat si Mia ng bigla na lang may nagsalita. Nasa CozyCorner siya pero hindi para magtrabaho kung hindi para maging customer nito. Doon niya pinili na makipagkita sa kaniyang editor.

Tumayo si Mia at nagbigay galang sa babae. Nakipagkamay rin siya rito. Medyo matangkad ng kaunti si Mia kahit na nakasuot na ang babae ng itim na sapatos na may takong at siya naman ay rubber shoes lang ang suot niya. Naka blazer itong itim na ang damit na nasa loob nito ay itim din pati ang slacks ay itim din. Maayos ang pagkakapusod ng kaniyang buhok na kulay itim din.

CDS 1: Unwritten Serenade of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon