Chapter 9

194 10 10
                                    

Chapter 9

Sa pagpasok ni Luis sa DayNight, mababatid ang ngiting nakaukit sa kaniyang labi. Ngunit ang ngiting iyon ay unti-unting mawawala dahil sa hindi niya mahagilap ang babaeng bigla na lang sumulpot sa harapan niya kagabi.

Umasa kasi ng slight si Luis na agad niyang mabubungaran ang kagandahang taglay nito. Excited pa naman siyang makarating agad sa DayNight para lang kay Mia. Hindi niya alam kung bakit pero isa lang ang alam niya, wala si Mia.

Hindi nagpunta ang dalaga sa DayNight sa gabing iyon.

Ipinilig ni Luis ang kaniyang ulo at agad na inayos ang sarili.

Bakit ko ba siya hinahanap? Wala naman akong kailangan sa kaniya.

Kinastigo ni Luis ang sarili at nagpunta na lang sa backstage para magpalit ng kaniyang damit. Naabutan naman niya roon ang manager ng DayNight. Nagbibigay ito ng mga habilin sa dalawang dalaga na sa tingin niya ay mga baguhan.

Hindi niya alam kung kumakanta rin ba ang mga ito. Iyong lalaki kasing nag-i-i-spoken poetry bago siya mag-perform ay nag-resign noong isang araw. Na-approve na raw kasi ang visa nito papunta sa Australia.

Wala naman nang naging angal ang manager dahil desidido na rin ito sa pag-alis.

"O, siya, basta, after ni Phil sa pagpapakitang-gilas nito sa pag-ra-rap, kayo na ang susunod. Did you get me?" Nang marinig ang sinabing iyon ni Efren, ang manager ng resto bar, agad naunawan ni Luis na sila muna ang sasabak sa entablado bago siya.

"Galingan niyo, okay? Show them your talent in spoken poetry."

Hindi na kailangan pang magtanong ni Luis kung ano ang gagawin ng dalawa, narinig na niya ang sinabi ni Efren sa pamamagitan lang ng pakikinig.

Nang makita siya ni Efren, nag-thumbs up lang ito sa kaniya ay umalis na ito sa backstage. Lumapit si Luis sa dalawang dalaga at nagpakilala.

"Ako nga pala si Luis. Kayo?" Inihalad ni Luis ang kaniyang palad sa harap ng dalawa.

Magiliw naman iyong inabot noong babaeng katamtaman lang ang tangkad. "Nena, ito naman ang kapatid ko si Lena."

"Kilala ka namin dahil bago kami makapasok dito ay pinapanood talaga namin ang pagkanta mo," saad ni Lena.

"Talaga? Grabe, bigla tuloy akong nahiya."

Doon na nagsimula ang kuwentuhan ng tatlo. Natigil lang iyon nang tawagin na ang dalawa ni Efren. Nagpaalam muna sila kay Luis. Nag-goodluck naman si Luis sa dalawang dalaga. At dahil curious siya kung paano nila gagawin ang spoken poetry, lumabas siya ng backstage at nanood.

Hangang-hanga siya sa naging performance ng dalawa. Buong oras na panonood niya, ramdam na ramdam niya ang bawat emosiyon. Napakagaling.

Bumalik si Luis sa backstage para i-congratulate ang dalawa sa first day nila. Masayang-masaya naman ang dalawa dahil sa naging papuri ni Luis sa kanila.

Nang si Luis naman na ang nasa entablado, hindi niya alam kung bakit pero may hinanap na naman ang mga mata niya sa paligid. Ngunit bigo pa rin siyang makita si Mia.

Baka hindi talaga pumunta sa gabing iyon ang dalaga. Baka may importante itong nilkad.

Sa bawat patak ng ulan
Iniisip kung ikaw ba ay muling masisilayan
Hindi alam ng damdamin
Kung bakit ikaw ang nais makapiling

The new song he was singing was composed by him. Hindi talaga siya magaling gumawa ng kanta pero madalas ay may nabubuo siya sa kaniyang isipan. Isinusulat niya iyon sa kaniyang kuwaderno at pagtatagpi-tagpiin ang mga salitang mabubuo niya hanggang sa maging isang buong kanta iyon.

CDS 1: Unwritten Serenade of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon