Chapter 15

140 4 0
                                    

Chapter 15

Kahit ayaw sabihin ni Luis kay Mia kung saang hospital naka-admit ang papa ay hindi pa rin niya napigilan ang sarili na hindi sabihin dito. Mapilit at makulit kasi si Mia. Hindi ito tumitigil kakapilit hangga’t hindi niya nasasabi rito kung nasaan siya.

Inaalala niya kasi ang trabaho nito. Ayaw naman niyang maapektuhan ang trabaho nito at isa pa ay mahalaga ang bawat sentimo para sa mga katulad nila ni Mia.

“Luis, please, gusto ko lang naman malaman kung saan ka at para mabisita kita. Promise, okay lang naman talaga na hindi ako mag-work ngayon sa CozyCorner. Magpapaalam na lang ako kay manager.”

Huminga muna ng malalim si Luis. Kunwa’y napapagod na sa kakulitan ni Mia pero ang totoo, sa kaloob-looban niya ay tuwang-tuwa siya. Hindi na nga siya makapaghintay na makita ang dalaga. “Sa Dellacer Hospital.”

Nagpasalamat na muna si Mia sa kaniya bago nito pinatay ang tawag. May sasabihin pa sana siya sa dalaga kaso hindi na siya umabot dahil tanging tunog na lang na nagpapahiwatig na pinutol na ang tawag ang narinig niya.

“Ingat ka sa pagpunta, Mia.” Ibinulong na lang niya iyon sa hangin pagkatapos ay muli nang pumasok sa loob ng kuwarto.

Sa pagpasok niya roon, ang naabutan niyang gising ay si Laisa. May makahulugan itong ngiti na namumuo sa labi nito.

“What?” Nagtatakang tanong ni Luis sa kapatid. Tapos ay umupo siya sa tabi nito. Lumapit naman ito ng kaunti sa kaniya. “Kuya, tell me honestly, okay? Are you in love?”

Natigilan si Luis, umiwas siya ng tingin sa nang-uusisang tingin ng kaniyang kapatid. Bumubuo siya ng mga salita na hindi maging kahina-hinala pero wala siyang mabuo. Palagi iyong nag-e-end up sa isang salita na binubuo ng dalawang letra.

“Simple lang naman ang tanong ko, kuya. Pero tila yata nahihirapan kang sagutin. Is it because you’re still confused about your feelings? I don’t know her but I’m guessing that she’s a good person.”

“She is, Laisa. She’s actually more than that. She’s someone I don’t pray for but suddenly came into my life. You know, the unexpected person. Hindi naman ako confuse sa nararamdaman ko. Ang kaso lang, hindi ko pa sinasabi sa kaniya ang nararamdaman ko.”

Tinapik ni Laisa ang kaniyang balikat. “Kuya, if you think that she’s worth fighting for, then why don’t you tell her what you feel. There’s nothing wrong with your feelings, kuya. Normal lang iyon.”

Tumingin si Luis sa mga magulang niya.

“Are you worried about our parents, kuya?”

“I don’t want to be selfish, Laisa. Ayaw kong unahin ang gusto ko kaysa ang mabigyan kayo ng magandang buhay. Masiyado pang hilaw ang fame na nakakamit ko. Kumbaga, hindi pa ako ganoon kakilala. Wala rin akong pera.”

“Kuya, naiintindihan ko. Lalo na iyong burden na dala-dala mo dahil ikaw ang panganay. Pero hindi naman pagiging selfish kung gusto mo rin ng someone na makakaintindi sa iyo. Na matatakbuhan mo sa tuwing pakiramdam mo ay ang gulo-gulo na ng mundo.”

Ibinalik ni Luis ang tingin sa kapatid at ngumiti rito. “Alam mo, sa ating dalawa, parang mas may experience ka pa sa akin. Baka naman inlove ka rin, ha?” Biro niya sa kapatid na siyang tinawanan naman nito.

“I’m not, kuya. I just love reading novels. Those kinds of fairy tales with a touch of reality.”

Niyakap ni Luis ang kapatid at nagpasalamat.  Tumayo si Laisa sa couch at nagtungo naman ito sa natutulog na si Lucy. Dalawa kasi ang kama, sa kabilang kama ay doon natutulog si Lucy.

Two hours passed by after the call between him and Mia, pero wala pa ring Mia na dumating. Iniisip na ni Luis na baka hindi pinayagan si Mia na hindi pumasok ngayong araw kaya hindi na siya umaasa na darating pa ang dalaga. Ngunit may bigla na lang na kumatok sa pinto.

CDS 1: Unwritten Serenade of LoveWhere stories live. Discover now