Chapter 10

215 9 9
                                    

Chapter 10

Excited na pumasok si Mia para sa panibagong araw na dumating, may plano kasi siya sa utak. At kapag hindi iyon nangyari ay iiyak na lang siya sa sulok. Lahat ng taong makakasalubong niya ay bibigyan niya ng matamis na ngiti at binabati pa niya.

“Good morning, people!” masiglang bati niya sa mga katrabaho sa Azulan. Nag-aayos na ang mga kasama niya. Hindi pa naman siya late, hindi pa nga bukas ang Azulan dahil ang oras na magbubukas ito ay alas-otso ng umaga. Sadya lang talaga na mas maaga sa kaniya ang ibang katrabaho pati si Cecil.

“Good morning din sa ‘yo, Mia.” sabay-sabay naman na bati ng mga katrabaho niya.

Pumunta na sa locker niya si Mia, kinuha niya muna sa bag niya ang damit na kailangan na suotin bago pumunta sa banyo pero kinailangan niyang maghintay dahil may tao pa sa loob.

“Anong nangyari kagabi, Mia? Bigla ka na lang kasing nagmamadaling umalis. Hindi ka na nakapagpaalam sa amin,” usisa sa kaniya ni Cecil. Lumapit ito sa kaniya habang naghihintay siya sa paglabas ng tao sa loob ng banyo.

“Ayun! Hassle. Paano ba naman kasi si Nanay, nakipag-debate kina Aling Edsing at Aling Mosang. Hindi na lang ako hinintay na makauwi. Ito naman din kasi sila Aling Edsing, mababayaran naman sa utang, akala ata ay tatakbuhan.”

“Mabuti na lang pala sumweldo tayo kahapon.”

“Kaya nga eh, kasi kung hindi, hindi ko rin sila mababayaran. Baka rin talaga kailangan nila ng pera kaya sila sumugod sa bahay.”

Tinapik ni Cecil ang balikat ni Mia. “Sana mabayaran mo na lahat ng utang niyo. So that you won’t need to worry about it.”

Nginitian ni Mia ang dalaga at nagpasalamat dito. Nagtaka naman si Cecil at nagtanong pero sinagot niya lang ang dalaga ng basta at pumasok na sa loob ng banyo. Lumabas na kasi ang katrabaho niyang naroon kanina.

Mabilis na nagbihis si Mia ng damit at ginawa na ang dapat niyang gawin para sa umagang iyon.

Pagod na umupo si Mia sa upuan nang makapasok na siya sa locker room. Doon na naman kasi siya magmumukmok, hindi sa may pantry nila kung saan doon magsisikain ang mga kasamahan.

Hindi naman sa ayaw niyang makasama ang mga ito, balak niya kasing mag-type na ulit ng panibagong chapter para sa nobela niyang hindi niya matapos-tapos.

Paano siya magiging published author kung hindi niya tatapusin ang on-going niya tapos ay kapag may pumasok na panibagong idea sa utak niya ay iyon naman ang pagkakaabahalan hanggang sa maging tambak na talaga ang on-going at wala nang matapos na story.

That’s really one of the disadvantages of a writer, having many on-goings and not finishing a story. Then it will take years for that writer to finish her work.

Wala namang masama kung aabutin ng ilang taon sa paggawa ng isang masterpiece, it’s just that a writer must have finish one story before prioritizing another. So that the finished product can be able to be promoted and will gain reads.

Mas madali naman kasing mag-promote ng isang story kapag tapos na iyon, sa kaso naman ni Mia, hindi niya gaanong pi-no-promote ang limang complete works niya dahil na rin sa wala siyang talento sa paggawa ng mga makakaakit sa readers para basahin ang story niya.

Na-po-promote niya lang ang story niya kapag may nakikita siyang nagtatanong kung ano ang magandang basahin. Hindi rin naman kasi siya gaanong gumagamit ng social account dahil nga mas kailangan niyang kumita ng pera.

Mas alipin siya ng salapi kaysa aralin kung paano gumawa ng mga promotional banner para ma-i-post niya. Kaya rin siguro walang makahanap sa kaniya dahil hindi rin siya kumikilos para makilala ang gawa niya.

CDS 1: Unwritten Serenade of LoveWhere stories live. Discover now