Chapter 12

148 7 0
                                    

Chapter 12

Hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ni Luis kahit hanggang sa makauwi na siya sa kanila. Agad niyang ti-next si Mia nang nasa kuwarto na siya. hindi na siya umasa na mag-re-reply pa sa kaniya ang dalaga dahil alam niyang anong oras na rin at baka nagpapahinga na rin ito.

Sa paggising naman niya kinabukasan, mas lalong lumawak ang kaniyang ngiti dahil ang mensahe nito ang bumungad sa kaniya. Chi-neck niya kasi agad ang cell phone niya limang minuto makalipas ang pagmulat niya sa kaniyang mga mata.

From Mia:
Good morning, Luis! Have a great day ahead. Don’t forget to eat your breakfast 😊

Mia was like an energizer because even though it was a busy schedule for Luis, he didn’t get tired. May mga meeting kasi silang pinuntahan ni Tristan na hindi sa conference room ginanap.

“You look like you still have a lot of energy in your body, Luis. You don’t look tired.” Puna ni Tristan sa kaniya nang makabalik na sila sa opisina at hinihintay na makapunta sa tamang floor.

“Ganoon talaga, boss!”

“Do you already have your inspiration, Luis? Napansin ko kasi kanina pang umaga na sobra ka kung makangiti. Kulang na lang ay mapunit na iyang labi mo kakangiti.”

Mukhang usisero ang boss niya dahil pati ang pagngiti niya ay napansin pa nito.

“Boss talaga! Wala iyon, boss. Masama na ho bang ngumiti ngayon?” Pangangatwiran naman ni Luis at nauna nang lumabas nang bumukas na ang elevator.

“I knew someone who is in-love when I saw one. Remember, Luis, I am in-love, too. Kaya huwag mo nang itago. Malay mo, matulungan pa kita.”

Hindi na lang nagsalita si Luis. Truth is, hindi pa naman kasi siya sigurado. Basta ang alam niya lang, napapangiti siya ni Mia.

Tinapik ni Tristan ang balikat niya. “I understand, Luis. Before you claim that you’re into someone, you have to sort your feelings, first. Hindi naman kasi pwede na basta mo na lang sabihin sa taong iyon na gusto mo siya kung hindi ka pa naman ganoon kasigurado. Sige na, ayusin mo na iyang table mo. Mag-aayos lang ako, aalis na rin ako.”

Tumango siya sa sinabi ni Tristan at nagpasalamat dito.

Nang pumasok na sa loob ng opisina si Tristan, inayos na rin niya ang cubicle niya. Hindi naman agad na lumabas si Tristan sa opisina nito kaya naman hinintay na lang niya ang boss niya.

Sabay na silang bumaba sa lobby ng kumpaniya. Sabay rin sila ni Tristan na lumabas sa building pero mas naunang makaalis ang boss niya dahil may sasakyan ito habang siya ay sasakay lang sa jeep.

Nag-desisyon si Luis na kumain muna ng pang-dinner niya sa kalapit na fastfood dahil kumakalam na rin ang sikmura niya. Kumain naman sila ni Tristan ng lunch kanina pero nagugutom pa rin siya.

Habang nakapila siya, napatingin siya sa taong nasa likod niya dahil pakiramdam niya ay tinitignan siya nito ng mariin. Nakita niya ang pagkunot ng noo ng babae hanggang sa bigla na lang itong tumili.

“OMG! Luis? Luis Alberto Rivera? I-ikaw ba iyan? OMG! Ikaw nga!” Sinipat-sipat siya ng babae at bahagya pang pinisil ang kaniyang pisngi.

“I’m a fan, Luis. Palagi akong nagpupunta sa DayNight para lang mapakinggan ka. Pwede bang magpa-picture?”

Kahit nahihiya si Luis ay pumayag naman siya sa request ng babae. Tatlong beses pinindot ng babae ang bilog na button ng camera nito bago ito nagpasalamat sa kaniya.

Nginitian niya lang ito at um-order na ng gusto niyang kainin. Humingi rin siya ng tawad dahil tila nakaabala sila ng ilang customer. Sinabi naman sa kaniya na hindi naman siya gaanong nakaabala kaya naman nagpasalamat siya at hinintay na ang order niya.

CDS 1: Unwritten Serenade of LoveWhere stories live. Discover now