Bayani

17 2 0
                                    

Ang bayani ng buhay ko ay ang aking pamilya. Unang una, hindi lang dahil sila ang aking kinagisnan sila rin ang aking buhay. Napakapalad ko dahil nagkaroon ako ng pamilya na katulad nila. Kaya laking pasasalamat ko na binigyan ako ng poong maykapal ng pamilyang hindi lang mga tagapagligtas ko sila rin ang maaasahan ko sa lahat ng bagay. Pamilyang kahit hindi buo at perpekto pero ginagawa ang lahat para maging perpekto ang lahat at para punuin ang mga pagkukulang. Hindi ko alam kung makakaya ko kung wala sila. Sila ang nagturo sa akin ng kabutihang asal at kilalanin ang diyos na pinaka makapangyarihan sa lahat. Sila ang dahilan kung ano ako ngayon. Pinahahalagahan nila ang aking damdamin. Sa madaling sabi, palagi silang nakasuporta sa aking mga nais at kagustuhan hindi man lahat pero alam kong iniisip nila ang aking kabutihan. Kung sakali na papipiliin ako kayamanan o sila ang pipiliin ko ay sila dahil sila ang aking kayamanan at walang makakahigit o makapapalit sa kayamanang pagmamahal na binibigay nila sa bawat araw araw ng buhay. Bilang pagtatapos, isa lang ang masasabi ko. Kontento na ako sa bawat araw na kasama ko sila. Wala na akong mahihiling pa kun'di ang makasama sila sa kasiyahan, kalungkutan, kapighatian, at awayan. Alam kong ang mga problemang kinakaharap sa isang tahanan na kung saan may pamilyang nakapaloob ay panandalian lamang.




                   Probinsyanatalie_DV

Grade 10 pa ako niyan at ngayon Grade 12 na ako. Ang bilis talaga lumipas ang mga araw.

Edited Nov. 7, 2021

✨🦋SCHOOL WORKS🌷🕊️Where stories live. Discover now