Dear, Self

12 2 0
                                    

Dear self,

     Kamusta ka? Alam kong pagod na pagod ka na. Hindi mo lang ipinapakita dahil ayaw mo na ni isa ay mag-alala. Nakakalungkot lang isipin na marami ang nakapaligid sa 'yo, marami ang nagmamahal, nag-aalala pero sinasarili mo ang problema. Palagi kang nakangiti, positibo sa pang- araw araw na buhay. Walang nakakakita, walang nakakaalam kung ano talaga ang tunay mong nararamdaman. Siguro ang galing mo lang umakto na parang wala lang. Ang galing mong magpanggap sa mga bagay na dapat ikaw lang ang nakakaalam at nakakaramdam.  Durog na durog ka man hindi mo na iniinda ang sakit. Pagkatapos humikbi ng tahimik sa isang tabi, sa isang sulok babangon ka ulit at ngingiti para ipakitang ayos ka. Hanggang kailan mo ipapakita na ayos ka pero ang totoo ay hindi naman pala? Sana ang ginagawa mo ngayon ay magwakas na. Matatapos na nang sa ganoon ay maipakita mo ang tunay na ikaw. Maramdaman mo ang tunay na saya at hindi pangamba. Pangamba sa mga bagay na kapag napuno ka na ay hindi mo na mapigilan pa at makagawa ka ng mga bagay na maging ikaw ay hindi akalaing magagawa. Sana isipin mo rin paminsan minsan ang sarili mo, hindi lang ang mga taong nakapaligid at umaasa sa 'yo. Gumawa ng mga bagay na maibahagi at maipakita kung ano talaga ang nararamdaman mo. Sa kabilang banda, masasabi kong sobrang humahanga talaga ako sa iyo. Sa lakas at katatagan ng loob na ipinapakita mo. Bilib na bilib ako sa husay at angking mong talino. Salamat dahil ginagawa mo ang lahat at pilit mong ipinapakita ang totoong ikaw, ang nararamdaman mo kahit alam kong nahihirapan ka sa kadahilanang ano na lang ang isipin ng iba.

Nagmamahal,

        Ako




                   Probinsyanatalie_DV

August 26, 2022

✨🦋SCHOOL WORKS🌷🕊️Where stories live. Discover now