Talambuhay

17 2 0
                                    

       Bata pa lang ako ay sobrang masaklap na ang buhay. Ipinanganak na mahirap, paghihiwalay na magkakapatid, palaging nasasaktan at ito'y pisikal, naiiba higit sa lahat walang mga magulang sa tabi na siyang susuporta't maging gabay. Iniisip na sobrang daya kung bakit nangyayari ito sa buhay ko. Iniisip na sana pantay na lang ang lahat nang sa ganoon ay hindi ito maramdaman ng isang katulad ko.

      Mahirap pa sa daga kung tawagin, iyan ang masasabi ko sa buhay namin. Walang permanenting tirahan kaya nakikiuwi na lang kami sa bahay ng kapatid ni ina. Wala siya dahil nagta trabaho para tustusan ang aming pang araw araw na pangangailangan. Wala siya kung saan namin siya kailangan pero naiintindihan ko naman na kailangan niyang lumayo sa amin para kami'y mabuhay at magpatuloy. Naiintindihan ko naman na sa murang edad, nahihirapan rin si nanay dahil walang katuwang. Ipinanganak ako kung saan wala na si ama. Hindi ko man lang nakita ang kaniyang pagmumukha. Maging sa litrato ay wala talaga kaya nakakainggit tingnan ang iba na masayang kasama ang kanilang mga ama. Ganoon pa man ay masaya at nagpapasalamat parin ako sa poong maykapal na binigyan ako ng lola't mga kapatid na maalaga, na una't palaging iniisip ang kalagayan ko. Ginagawa ang lahat para punuan ang mga pagkukulang. Pinaparamdam sa akin na ano mang mga kulang ay hindi hadlang para tunay na kasiyahan ay makamtan. Hindi inaasahan ang dumating kung saan kailangan naming maghihiwalay na magkakapatid dahil sobrang dami namin. Nakakalungkot man isipin dahil sa murang edad ay iyon na ang aming dinaranas pero iniisip na para rin naman ito sa ikabubuti naming lahat. Iniisip na lahat ng nangyayari ay may dahilan. Sa nakalipas na taon ay may sariling lupa't bahay na kami, hindi man ganoon kalaki sapat na para kami'y mabuhay at tawagin naming amin. Buhay bata ay hindi madali, madami kang sakit na pagdadaanan ganoon pa man ay hindi ko inaasahang ako'y pagtulungan ng mga lasing. Hindi ko inaasahang ako'y gawin na parang laruan na sulsulan ng nagbabagang sigarilyo higit sa lahat dahil sa bata at maliit ay kayang kaya na hawakan sa paa at ibalibag ilang kilometro ang layo. Naospital dahil sa mga lasing at muntikan ng mamatay. Masasabi kong ito na ang aking pangalawang buhay. Isa pang hindi ko makakalimutang alaala noong bata pa ako ay ang pag-utos ng ate ko na tumalon sa puno at ginawa ko naman. Ayon tuloy ako'y napilayan. Pag gunting ng ate ko ng aking leeg dahil sa kakulitan. Paglaglag sa puno ng niyog dahil nga sa bata na nagbigay peklat sa ibabaw ng aking leeg. Sa paglaglag sa bubong ng bahay ng katabi namin dahil sa akyat akyatan. Tuwing takip silim na sigaw ni lola. Mga nangyari na nakalipas na gayunpaman ay hindi ko makakalimutang alaala. Bagyong Yolanda ay dumating taong 2013. Binagsakan ng puno ang bahay namin at dahil sa kawayan ay wasak lahat. Buti na lang at maaga kaming lumikas ganoon pa man ay naglalaglagan na ang mga niyog sa kalsada at ang mga atip ng mga bahay ng tao ay hinahawi ng hangin papunta sa amin, papunta sa palayan kung saan ginawa naming daanan papuntang paaralan. Pagkatapos ng bagyo ay tapos na rin ang lahat. Hindi na mababalikan ang mga nakalipas. Biglang gumuho ang mundo ko ng si lola ay binawi sa akin. Maagang kinuha ng poong maykapal at ako'y sa totoo lang hindi handa. Hindi handa sa iisipin at gawin. Hindi ko alam kung ano ba ang kasalanang nagawa kung bakit lahat ng ito'y nangyayari. Nawala ang isang taong hindi ko inaasahang mawala. Nawala siya kung saan kailangan ko pa siya. Nawala siya bigla at hindi ko man lang nasuklian ang lahat ng kaniyang paghihirap higit sa lahat magandang ginawa. Mahigit walong taon na ang nakakaraan. Marami na ang nagbago. Ibang iba na sa dati. Nabuo at magkakasama na kami ngayong magkakapatid. Buo na ang aming pamilya na wala man ang haligi ng tahanan ay patuloy pa rin maging buo sa aming mga puso't isipan. Patuloy siyang maging bahagi ng pamilya sa araw araw na dumaan. Wala man si lola, ang mga mabubuting aral at salita niya ay mananatili sa aking memorya.

      Ito ang aking talambuhay na naiiba. Ito ang aking talambuhay na maagang nagpamulat sa akin sa reyalidad kung saan ang lahat ng nangyayari ay may dahilan. Higit sa lahat, na nagpamulat sa akin na ang pagiging mahirap ay hindi hadlang higit sa lahat rason para hindi maabot ang pangarap.



                          Probinsyanatalie_DV

Hindi ito talambuhay ko. Talambuhay ito ng kapatid ko. Nakakatawa na mas kilala ko pa siya kaysa sa sarili ko.

Ganiyan talaga ang mga ate, hindi matiis ang nakababatang kapatid lalo na kung nagpapacute ito dahil nagpapatulong sa mga gawain.

✨🦋SCHOOL WORKS🌷🕊️Where stories live. Discover now