Nakaka inspirasyon na mensahe para sa mga GURO

12 2 0
                                    

      Sa simula pa lang ay kasama na ng mga magulang sa paggabay ng kanilang mga kabataan. Guro na ang tanging layunin ay makapagbigay ng bagong kaalaman, aral, higit sa lahat ay mapasatamang landas ang mga kabataan o kanilang tinuturuan. Gurong tinuturo kung ano ang makabubuti sa lahat kaya sa araw na ito ay kasiyahan sa akin na magbigay at magbahagi ng mensahe sa kanila pero bago ko simulan gusto kong bumati ng taas noo at nanggaling sa puso; maligayang araw mga guro. Again, Happy Teacher's Day.

      Kung ang ina ay ilaw ng tahanan, para sa akin, ang mga guro ay tanglaw ng lipunan. Sila ang nagbibigay liwanag o ilaw sa daan patungo sa magandang kinabukasan ng mga kabataan. Sila ang dahilan kung bakit ngayon ay maraming propesyunal. Sila ang puno't dahilan kung bakit ngayon marami na ang sa kaginhawaan. Gurong naghahabi ng kaalaman at katotohanan sa ating isipan. Mga gurong tagasilbing susi sa nakasaradong pananaw at pag-iisip kung saan nabuksan sa araw araw na kasama. Gurong walang katapusan ang pasensya. Sa dagat ng hirap ay nakikita parin ang saya sa mukha sa tuwing mga estudyante ay may aral na natutunan higit sa lahat nakukuha. Walang trabaho na madali. Naniniwala ba kayo? Alam kong a hundred one percent na sagot niyo ay oo. Hindi madali ang araw araw na pamumuhay. Kung ngayon na estudyante pa lang tayo ay nahihirapan na, ano pa kaya ang mga guro na sa loob ng isang classroom na nag-iisa lamang habang mahigit bente, trenta, o mahigit pa ang tinuturuan? Nagpupuyat para maisagawa lamang ang dapat na isagawa sa atin kinabukasaan. Hindi na sa tamang oras kung kumain dahil sa sobrang dami ng gagawin. Mas lamanga ang oras sa paaralan kasama tayong mag-aaral para bagong kaalaman ay ating matutunan at makamtan. Isa sa tandaan niyo, mga kapwa ko estudyante na sobrang halaga ng araw na ito dahil wala tayo sa kung ano tayo ngayon kung hindi dahil sa kanila. Wala tayo sa kung ano mang antas ng kaalaman kung hindi dahil sa kanilang dedikasyon, tiyaga, kasipagan at gabay. Kulang ang salitang salamat sa mundo sa kanilang mga ginagawa simula pa lang ganoon pa man ay nagpapasalamat pa rin ako. Salamat sa hindi pagrereklamo tungkol sa mga mantsa ng chalk sa inyong mga damit, sa mga mantsa ng tinta sa inyong mga kamay, sa mga lalamunang sumasakit at minsan ay nawawalan ng tinig dahil sa walang tigil na pagsasalita para maihatid lamang ang aral na habang buhay naming babaunin, at sa mga pawis, pananakit ng katawan, higit sa lahat ang pagdurugo ng utak kaiisip sa araw araw na gagawin. Maraming maraming salamat, mga guro. Isa sa mga natutunan ko sa inyo "Kapag pagod, pwedeng tumigil, pwedeng magpahinga. Kapag nadapa, syempre pwedeng bumangon, alangan namang habang buhay kang nakadapa. Pero seryoso, kapag nadapa, bumangon ka. Tayo, taas noo, ngiti sa labi at laban ulit. Walang masama sa tumigil saglit, ang masama ay ang habang buhay na tumigil dahil sa hindi pinag-isipang ginawa. Ang masama ay ang tumigil at hindi na gumawa ng paraan para pagkakamali itama." Mapapasabi ka na lang "Am I left? o Am I right?" salita ng isa sa subject teacher namin. "Hindi masama ang ipinanganak kang mahirap, ang masama ay ang mamatay kang mahirap." salitang aking dadalhin at babaonin saan man ako dalhin ng aking mga paa. Salitang galing sa isang taong nirerespeto't ginagalang ng paaralan.   Paliwanag niya "Dahil sa ipinanganak ka na mahirap at kapag namatay kang mahirap ibig sabihin hindi mo ginawa lahat para mabago ang buhay mo. Hindi mo ginawa ang purpose mo sa mundo". Kaya para sa akin, siya isa sa gurong dapat tularan kahit nino.

      Hakbang hakbang man ang lakad patungo sa magandang kinabukasan, kayong mga guro, ang mga turo't aral niyo ay mananatiling pinakamahalagang kumpas sa buhay namin. Tunay na dala niyo ang liwanag para mas buksan pa ang mga mata namin at tumingin sa reyalidad. Nakakahanga kayo, karapat dapat kayo na bigyang pugay. Saludo ako. Saludo kami sa lahat ng ginagawa ninyo. Kayong mga guro na tanglaw ng lipunan ang tunay na dapat pahalagahan. Maraming salamat sa lahat lahat. Happy Teacher's Day to all Teacher's all over the world.







                       Probinsyanatalie_DV





October 05, 2023.

No classes because teacher's day and all teachers all over the world need to celebrate their day.

October 06, 2023

Ako ang naatasang magbigay ng
Inspirational message sa lahat ng mga guro dahil may program and the program is all about teachers day. Then ito ang nagawa ko. I'm so happy that time, that I'm in front that even shaking of nervousness still bless, happy and contented because teachers like the inspirational message I've done.

Sana mabasa ito ng teacher kong kapatid. Hindi ko kasi sinabi sa kaniya na ako ang nagbigay ng nakaka inspirasyon na mensahe sa araw ng mga guro. Ganoon pa man ay laking pasasalamat ko sa kaniya kasi kahit mahirap ay kinakaya niya. Hindi niya responsibilidad pero ginagawa niya ang lahat kahit halatang nahihirapan na. Siya ang breadwinner ng pamilya. Kaya sobrang saludo at nagpapasalamat ako sa kaniya.

✨🦋SCHOOL WORKS🌷🕊️Onde histórias criam vida. Descubra agora