Pag-ibig sa Kalikasan

5 1 0
                                    

Mayayabong na mga puno't halaman,
Makikita kahit saan,
Tunay na kay gandang pagmasdan,
Ika ay yaman ng kalikasan.

Pinapawi ang nararamdaman,
Kung saan ramdam ang labis na kalungkutan.
Kalikasan ang nagsisilbing sagot,
Sa kalungkutan siya ang isa sa gamot.

Ngunit dahil sa walang magawa,
Kalikasan nati'y unti unti nang nasisira,
Pinuputol ang mga puno't pangangaingin ay ginagawa,
Dahilan ng pagguho ng lupa at matinding pagbaha.

Basura'y nagkaralat na,
Kahit saan maging sa daan ay makikita,
Ibang iba na talaga,
Magandang tanawin, maibabalik pa kaya?

Paiba iba na rin ang panahon,
Kung saan ay minsan hindi na naaayon.
Matinding init ngunit umuulan,
Kalikasan nga ba ang dahilan?

Maraming katanungan,
Tungkol sa kalikasan.
Kaya itigil ang masasamang ginagawa,
Tayong mga nabubuhay rin ang kawawa.

Mahalin ang kalikasan,
Huwag basta magtapon ng basura kung saan saan,
Itigil ang pagputol ng mga puno na ginagawang pangkabuhayan,
Simulan ngayon pa lang ang pagtanim ng mga puno't halaman.

Pag-ibig sa kalikasan dapat ginagawa,
Araw araw pinapakita.
Bata man o matanda, hali na!
Magkaisa nang sa ganoo'y matigil ang banta't sakuna.


    

                            Probinsyanatalie_DV

✨🦋SCHOOL WORKS🌷🕊️Where stories live. Discover now