Pangarap

13 2 0
                                    

Pangarap ko sa buhay ay maging isang piloto. Pilotong palaging nasa loob ng eroplano. Pilotong palaging nasa ere, iba't ibang bansa ang napupuntahan. Pilotong may paninindigan.

Ang mga hakbangin na gagawin ko upang  makamit ito,
Una, makinig sa mga payo at pangaral ng mga taong nakapaligid tulad na lamang sa mga mahal ko sa buhay at mga guro.
Pangalawa, gawing motibasyon at inspirasyon ang mga mahal sa buhay at ang hirap ng buhay ngayon para mas lalong maabot ang pangarap.
Pangatlo, sipag at tiyaga. Hindi dapat makontento say0 kung anong mayroon ngayon.
Pang-apat, mag aral ng mabuti. Hindi naman pwedeng puro salita at mangarap lang dapat may gawa rin.
Panglima, iisang daan o landas lang ang tatahakin nang sa ganoon masiguro ang hindi pagligaw sa pangarap na gustong makamtan.
Panghuli, huwag susuko. Laban lang, kakayanin kahit nahihirapan na.

Ngayon ako ay sa ibaba, nakatingala sa kalangitan. Nangangarap kahit mahirap. Balang araw nasa itaas rin ako dahil naniniwala ako na ang buhay kung may sipag at tiyaga nagbabago.

        
                Probinsyanatalie_DV

Exact date na ginawa ko ito is January 17, 2023

Ginawa ko ito dahil sa nagpapatulong ang kapatid ko. Pangarap niya talaga ang maging piloto at dahil sa mahirap lang kami ay palagi ko na lang sinasabi na tiwala lang sa poong maykapal at mag aral ng mabuti. By the way, Grade 7 pa lang siya niyan at ngayon Grade 8 na siya.

✨🦋SCHOOL WORKS🌷🕊️Where stories live. Discover now