Pag-ibig sa Kapwa

7 1 0
                                    

Kami ay may nakita,
Estudyanteng naluluha.
Ito'y aming nilapitan,
Tinanong kung anong dahilan.

Kami'y tiningnan,
Biglang tumakbo hindi namin alam kung papasaan.
Hanggang sa tanaw na lang ang tanging nagawa,
Hanggang sa siya'y mawala na parang bula.

Isang araw landas muli'y nagtagpo,
Pinagtutulak siya hanggang sa mapa-upo.
Siya ay pinapalibutan ng isang grupo,
Hanggang sa sumigaw siya na 'tigilan niyo na ako!'

Siya ay aming dinaluhan,
Nambubuyo sa kaniya'y aming sinabihan,
Sila'y aming pinangaralan,
Tigilan na ang ganoong kaugalian.

Sino mang tao'y walang karapatan,
Na kapwa'y saktan.
Pisikal man ito o ano,
Magbibigay ito ng labis na epekto.

Huwag mong gawin sa kapwa mo,
Ang ayaw mong gawin ng kapwa mo sa'yo,
Kasabihang alam ng bawat tao,
Dahil ito'y totoo.

Kapwa ay minsa'y kaagapay,
Sa problema'y tunay na karamay.
Kapwa'y mahalin,
Tulad ng mga taong mahal natin.





                   Probinsyanatalie_DV

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 19, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

✨🦋SCHOOL WORKS🌷🕊️Where stories live. Discover now