Chapter 4

7.2K 157 14
                                    


**

Tanghali na nang magising ako. Ramdam na ramdam ko ang sobrang sakit ng ulo at pamimigat ng katawan ngayon. Parang binibiyak ng pira-piraso tapos pumipitik pa ang utak ko. Sign ba 'to na kinakatok na ako ni lord? 



''Aray, tangina..'' mahinang daing ko.



Gaano ba kadami ang nainom ko kagabi at nalasing ako ng sobra? Wala pa akong maalala na kahit anong nangyare after kong sumayaw sa dance floor. Putcha! sana naman wala akong ginawang katarantaduhan na ikakapahamak ko.

Kampante naman ako kahit papaano na wala pero hindi ko maiwasang hindi mapaisip kase first time kong malasing ng sobra. Naisipan ko nang bumangon para makapag shower, sabi kase nila pag may hangover daw iligo lang tapos malamig na tubig ang katapat kaya 'yon ang gagawin ko ngayon. Medyo kumakalam na din naman na ang sikmura ko.

''Hangover?'' tanong ni kuya Ashiro na kapapasok lang sa kwarto

May sira ata ulo nitong kuya ko. Alam nang galing sa inuman kagabi, malamang sa malamang ay hangover ang balik sa'kin.



''Lunch is ready. Just come down, dad wants to talk to you'' 



Kinakabahan kong liningon si kuya ''A-about what kuya?''



''About last night'' tanging sambit niya saka lumabas





What the heck did i do last night!?





Mariin akong napapikit habang pilit na iniisip ang ginawa ko kagabi pero langhiya! Wala talaga akong maalala! Sinusumpa ko sa alak na hindi na talaga ako iinom at magpapakalasing. Masakit na nga ang ulo ko tapos dadagdagan pa ng kaba ko ngayon.

Pagkatapos ko maligo at magbihis ay bumaba na ako papuntang dining area and there, i saw dad's serious face that's looking at me. Umupo ako sa tabi niya habang kagat kagat ang loob ng ibaba kong labi. Kakaligo ko lang pero pinagpapawisan ako dahil sa kaba


''Lets eat'' seryosong sambit ni dad. 



Galit ba siya? Potek, sa sobrang seryoso ng boses niya, talagang iisipin mong galit talaga si dad. 



''Uh. Dad, I just want to say so—''  



''Sorry for what? It's not your fault.'' tumingin ito sa'kin habang nginunguya ang chicken salad. 



''Sorry dahil nalasing at anong oras na po ako nakauwi. Hindi ko din po alam paano ako nakauwi''   

May mali parin ako kahit sabihin ni dad na it's not my fault na malasing pero still, saka for sure si vince ang naghatid sa'kin dito kase bago ako malasing sinabihan ko siya na, siya ang maghatid sa'kin pauwi. 

''You were so drunk last night Ash. Grabe, nakakahiya naman sa naghatid sa'yo'' sabat ni kuya asher. 

''kuya, bakit ka naman mahihiya kay vince? para namang first time mo siyang makita kung mahiya ka diyan. It's okay'' 



''Oo, first time lang namin siya makita dahil hindi naman si vince ang naghatid sa'yo pauwi kagabi'' 

Tinignan ko si kuya asher na puno ng pagtataka. Hindi si vince ang naghatid sa'kin? Eh, paano ako nakauwi? Bukod sa mga crewmates ko wala naman akong pinagbigyan ng address ko tapos mga lasing na kase ang iba kagabi kaya si vince lang talaga nasabihan kong maghatid sa'kin. 

Accidentally married with a Stranger  (GxG)Where stories live. Discover now