Chapter 23

6.2K 156 21
                                    



**



''What!? But tito, that's not fair. Maayos naman po ang grades ko and tuloy tuloy naman ang achievements ko, same goes kay riva, she's totally excellent when it comes to teaching. That can't be po'' pagrereklamo ko sa harap ni tito felix. 


Nasa dean's office na kami ni riva and the news was not just great as we expected. Para akong nanlulumo nang marinig 'yon. Okay lang sana kung ako lang but pati si riva? Nalalapit na din ang competition at parang magiging malabo pang makasama ako. 


''Sorry to say Ash but the board members already decide. I'm the President but the power i have is not enough para hindi ko ma-approve ang desisyon nilang ma-suspend kayong dalawa for a week. I'm taking over the majority'' mahinahong saad ni tito felix, ''Papahupain lang natin ang issue na meron kayo ngayon dahil pangalan ng school ang nakasalalay. You know i just can't give this up, riva knows that'' 

Binalingan ko ng tingin si riva na walang kaemo-emosyon ang mukha at prente lamang nakaupo sa tabi ko. Hindi ba siya sasalungat sa desisyon ni tito felix? This could affect her profession background! 

''I understand tito. If that's the only option to make the school better then i don't have any violent reaction about that'' pag sang-ayon ni riva sa sinabi ni tito felix. 

What!? Bakit okay lang sa kanya ang naging resulta? I mean, naiitindihan kong ayaw niya mabahiran ng kahit ano ang pangalan ng school at nagaalala siya for tito but that's being unfair! Alam naman ni tito ang mayroon sa amin pero hindi ko maintindihan bakit pumayag siya sa deisyson ng board members.

''But riva--'' 

Hinawakan niya ang isang kamay ko na nasa lap, ''Shan, It's okay. We both know it's for the better. Mag lie low muna tayo for a while''

Hindi na ako sumagot at napabuntong hininga nalang. Kahit ayaw kong mangyari ito o mag protesta pa ako ng ilang oras, wala parin naman akong magagawa. For now, kailangan kong sundin si riva at magtiwala sa kanya. 

''Tito, if nalaman niyo na kung sino ang behind ng issue na 'to please tell to me right away'' sambit ni riva saka tumayo. 

''I will hija. Anyway, i want to talk to you for awhile..'' sambit nito saka tumingin sa'kin si tito felix, ''Nang kaming dalawa lang muna ni riva if you don't mind Ash?'' 

Tumango ako bago kunin ang bag at tumayo, ''Text me if you need me okay?'' sabi ko kay riva saka bagsak ang balikat na lumabas ng office. 

Isa lang ibig sabihin nito, hindi ako makakasama sa competition kasama ang mga mokong kong crewmates. Although may tiwala naman akong mapapanalo nila 'yon kahit wala ako pero nakakalungkot lang na unang beses namin itong hindi kumpleto sumayaw sa isang competition. 

Tinext ko si vince na magkita kita kami sa studio kasama ang iba para sabihin ang masamang balita na 'to. Hindi maipinta ang mukha ko sa pagkadismaya habang naglalakad sa hall way, kapag lang talaga nakilala ko kung sino man 'yon. Babangasan ko ang buong pagmumukha niya kahit hindi ako maton. Argh! 

Papaliko na sana ako nang biglang mahagip ng mata ko si cera sa isang room. May kasama itong lalaki pero hindi ko makita ang mukha dahil nakatalikod ito sa direksyon ko, medyo bukas din ng kaonti ang pinto kaya sapat lang na marinig ko sila. Kahit kailan talaga chismosa ako, pero dahil lang naman sa sobrang curiosity ko. Pumwesto ako sa gilid ng pinto habang nag e-eavesdrop malala.

Accidentally married with a Stranger  (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon